Chapter 15: Unexpected

Beginne am Anfang
                                    

" Tumayo ka na, mukang aayaw ka pa eh" Kalabit sakin ni Daze.

'Ayoko naman talaga eh'

" Iah, p-pwede ba papicture sa inyong dalawa?" Tanong sakin ng isang babae habang may hawak na cellphone.

" Okey" ngiti ko sa kanya at tumabi kay Drake.

" Isa pa! Isa pa!" Sabi ng isang babae habang kinikilig. Ngumiti nalang ulit ako.

" Drake, isang akbay lang oh. Iah okey lang ba" tanong sakin ng maliit na babae

" Sige lang" Umakbay naman sakin si Drake at napatingin ako sa kamay niya na naka akbay sakin.

Parang naiilang ako. Ang tagal pa nilang mag picture. Ayoko ng ganito, parang nanginginig ako.

" Isa pa ah! Na-blured eh" ngumiti nalang ulit ako. Ang tagal.

" Ayan! Thank you sa inyong dalawa" sabay alis.

" Bagay na bagay talaga!"

" Oo nga! Nakakakilig silang tingnan."

" Kaso wala na sila"

"Oo nga, may Girlfriend na si Drake eh"

Bulong bulungan ng mga babaeng nakaupo habag nanonood samin.

Aalis nako pero yung kamay ni Drake hindi pa tinatanggal sa pag kakaakbay sakin.

" Tapos na, baka naman pwede ng tanggalin?" Tanong ko sa kanya

" S-sorry" sabay alis niya ng kamay niya. Umalis na ako don at bumalik na sa upuan ko.

Pagupo ko nagpipigil ng tawa si Daze kaya tiningnan ko siya.

" Bakit?" Tanong ko sa kanya

" Ang Awkward niyong tingnan."

" Sa mata mo lang yon."

" Siguro nga. Pero alam mo? Tama yung sabi ng mga babae kaninang bagay na bagay kayong dalawa."

" Tama din yung sabi nila na 'wala na kami' Daze, tahimik mo nalang bibig mo. Naiilang ako pag yan yung napag uusapan eh. " Napailing iling nalang siya. Sakto naman na dumating na yung Teacher kaya tumahimik na kami.

Pinagpakilala niya lang si Daze sa harap kaya nag pipigil ako ng tawa kanina pa. Sumunod non nag klase na kami.

Daniellr point of view

" May report akong ipagagawa sa inyo Class. Pero gusto ko by group. 8 members kada isang Grupo." Sabi ng Teacher namin sa ESP.

" Ahm, Ma'am? Tungkol saan po ang irereport namin?" Tanong ng isang kaklase namin.

" Kung Paano Tumibay, Gumanda, Humaba, ang isang Relasyon." Interested.

" Ahm Ma'am kami po yung hahanap ng Miyembro namin?" Tanong ni Ken.

" Yes." Sagot sa kanya ng Teacher.

Nagsitayuan naman ang mga iba namin kaklase pero kaming dalawa ni Klint nakaupo lang. Hinihintay ko siyang tumayo para humanap ng Grupo niya pero wala siyang balak.

Tatayo na sana ako pero may humarang.
" Ahh Danielle kulang kami ng dalawa pang miyembro, pwede kayong dalawa nalang?" Tiningnan ko si Klint na nakatingin din sakin at parang hinihintay yung sagot ko.

" okey lang sakin, ewan ko lang sa kanya--"

" Okey, kelan tayo mag uusap usap?" Tanong niya. Oo nga no? Hindi naman pwede mamaya dahil may Meeting kami.

The Girls Revenge  (Book ll)  COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt