Chapter 10: Im Back

Start from the beginning
                                    

Pagpasok ko nakita ako ng isang Guard. Nanlaki pa ang mata ng makita ako at mabilis na nag tatakbo sa loob. Ang Oa naman non.

" Where's my Apo?" Nagpapanic na sabi ni Lolo at ng makita ako kay mabilis na lumapit sakin at inakap ako.

" Apo, I miss you. Sikat ka na din dito bilang Racer Girl. Hindi mo ba alam na, hindi ka naaalis sa TV dahil sa kagalingan mo sa pag kakarera? Im so Proud of you Iah. A talented Girl." Inakap ko din siya

" Thank you Lo. I miss you too. Kamusta ka naman?"

" Ito babyface pa din"

" Lolo, nasan diyan? Kulubot na nga muka mo eh"

" Wag mo ako idown Apo" natawa nalang ako sa sinabi niya. Para siyang Teenager sumagot. "Kumain ka na ba?" Umiling ako at hinila niya ako papasok sa loob ng mansyon.

Bakit ang hyper niya ngayon?

" Dumaan nadin ang mga pinsan mo dito nung isang linngo. Si Danielle nung isang araw lang. " Dumating nadin pala sila.

" Oh ito kumain ka ng kumain. Kakain din ako" ang hyper niya ngayon.

" Lo ano nakain mo?"

" Parehas kayong mag pipinsan na nagtanong niyan sakin. Ang dami ko ng nakain Apo." Ay pilosopo naman

Pagkatapos namin kumain ay nag huntahan pa kami hindi mawala ang kakatawa namin dalawa. Namiss ko din si Lolo.

Pagkatapos non umalis na ako at nakita ko si Kooky na may kinakagat kagat na laruan na pang-aso. Nacutan na naman ako.

Namiss ko siyang igala---

Wait, igagala ko siya sa Secret Place ni Drake. Ang totoong nag mamay ari sa kanya.

Pagdating namin don, bumaba kagad siya inunahan kagad ako. Kaya hinabol ko siya.

Nakita ko naman na nakaupo siya sa malaking bato.

Teka? Nanadya ba yung aso nato?

Parang nawalan naman ako ng gana, umupo ako sa ibang bato at pinalapit ko nalang siya sakin.

Ilang oras din akong nag relax don kasama si Kooky. Nakatulog pa nga eh. Hinintay ko pang magising.

Pag uwi namin, Mag gagabi na. Pagpasok namin sa bahay. Kinuha kagad ng katulong si Kooky at nilinis. Dahil dun daw sa akin itatabi sa pag tulog.

Namiss kong katabi yung malikot na aso nayon, parang tao kung matulog.

Pagkatapos namin kumain lahat ay pumunta na ako sa Kwarto ko at hinatid naman ni Mommy si Kooky sa akin.

" Kooky back to your Mommy--"

" Mommy?" Nagtatanong na sabi ko sa kanya.

" Im joking, Kooky go to your Amo na" napailing nalang ako sa sinabi niya. Naging hyper ba silang lahat o, ganito lang sila kasaya na nandito ako? Hahahah

" Kooky tara dito dali" nagtatakbo naman kagad at tumalon sa kama ko.

" Oh pano baby? Goodnight sa inyong dalawa." At sinarado na ang pinto.

Pinang gigilan ko muna yung aso ko bago ako mag gitara.

(Now playing: Before it sinks in~ Moira Dela Torre)

Pagkatapos kong kantahin yon napatingin ako sa gilid ko at nakita kong natutulog na si Kooky. Proud nako kagad sa Boses ko.

Biruin mo yon? Nakapag patulog ako ng aso hahahahaha

Natulog nalang din ako.

Pag gising ko, pumunta ulit ako sa Garage para kunin na ang kotse ko na ipapaayos ko. Nagulat nalang ako ng makita kong wala na don at nandon na yung dalawang kotse na ginagamit kong pang karera sa Korea.

" Mommy, nasan yung kotse ko?" Tanong ko kay Mommy na nilalaro si Kooky.

" Si Daddy mo na ang nag paayos sa Professional niya daw ipapaayos."

" Mommy walang sira yon."

" I know. May mga pinalagay lang siya. Dahil matagal na-stock yon diba? Simula nung naging kayo ni Drake hindi mo na nagamit yon. Ilang years na nga ba?"

" Mag two years na Mommy. Ano naman kaya ipapakabit ni Daddy don?" Sabay talikod at tinanaw nalang ang mga Kotse ko na nasa Garage.

Lima pala yung Kotse ko. Pano ko kayang magagamit lahat ito?

Namiss ko na din yung bmw ko na Red. Mapapaayos ko din ito pag nag karoon ako ng time.

Yung isang Ferrari ko walang sira. Pero yung isa parang meron.

Naalala ko tuloy ng maaksidente ako don. Akala ko mababali na kamay ko. Pero hinde hahaha

*toot *toot

From: Danielle

Uyy naka uwi ka na pala, welcome back. See you in Monday. Namiss ko pag mumuka mo.

To; Danielle

Namiss ko din katangahan mo. See you too in Monday.

* Beep *beep

" Ay palaka!" Nagulat ako sa biglaang pag busina.

Walang pinagbago yung Paborito kong kotse. Nangangati na kamay ko na mahawakan ito.

" Anak, nagustuhan moba? "

" Wala naman pinagbago Dad eh."

" Wag kasi yan ang tingnan mo. Pinalitan ko na ng gulong dahil manipis na. Baka maaksidente ka. Try mo din pumasok sa loob." Pumasok naman ako at napanganga nalang ako ng makita ko ang loob.

Kung sa labas kulay Red na may halong balck and white sa loob, kulay Red ang upuan at ang taas naman ay Black. Ang mga manobela naman ay white. Ang angas.

" Pinalitan ko din ang Aircon dahil mag dadalawang taon na baka may alikabok na at baka mag kasakit ka." Tumingin naman ako kay Daddy na parang nag t-thank you. "Pinaayos ko na din yan at lalo pang tumulin. Pinaiba ko na din ang tunog ng Tambutso at pi-change Oil ko na din" bumaba ako sa sasakyan at inakap si Daddy

" Thank you so Much Dad. Talagang pinaganda mo. Ang angas ng Loob."

" Para sayo Anak. Kahit ano pa yan"

" Anong ka-sweetan yan ha? Bakit hindi niyo kami sinasali ni Kooky?" Hindi na niya nabitawan si Kooky.

" Puro ka nalang daw kasi si Kooky eh" sagot ko.

" Hay nako" sabay irap ni Mommy kay Daddy. " Ngayon ko nga lang nasolo si Kooky eh kasi siya lagi ang may hawak." Pagrereklamo ni Mommy

" Anong Ako? Hindi kaya, ikaw Hon ang may hawak lagi niyan. Ayan na nga din ang katabi mo sa pag tulog eh" kinuha ko si Kooky kay Mommy at umalis na.

Iniwan ko na silang dalawa don na mag sisihan, ang mahalaga sakin na ulit yung Aso ko. Hahahaha






The Girls Revenge  (Book ll)  COMPLETEDWhere stories live. Discover now