We'd Met

33 1 0
                                    

Chapter 6

Back to my ordinary life. I applied some light make up at nagpabango na rin. I look at myself in the mirror and I'm wearing black T-Shirt, black ripped jeans at isang black backpack, mukha akong nagluluksa but it's okay who cares.

I close my door at nagpaalam na kay Ate Linda na aalis na ako. Lumabas na ako ng bahay at isinara ang aming gate. I checked the time it's 8:47 PM. I put the helmet on my head then I grabbed my bicycle at sumakay na dito. Lumingon muna ako sa bahay saglit para tingnan yung bintana ng kuwarto ko kung naisara ko ba ito ng maayos. Naisara ko naman, sinimulan ko na ang pagpedal at binagtas ang lugar palabas ng aming subdibisyon.

Nasa main road na ako at nakikisabay sa mga naggigitgitang mga sasakyan. Napakaliwanag ng kalsada dulot ng mga nagliliwanagang ilaw mula sa mga ito at di mapawing ingay ng mga busina.

Binilisan ko pa ang pagpedal sa aking bisekleta hanggang narating ko ang isang Convenience Store. Sa aking pagpasok ay agad na nasamyo ng aking mga balat ang lamig na nagmumula sa Air-con. Dumiretso ako sa isang linya ng mga nakahilerang tsokolate at kumuha ng dalawa. Lumipat naman ako sa isa pa at kumuha naman ng mga malalaking tsitsirya bago tumungo sa ref at kumuha ng dalawang beer in can pero yung light lang.

Tinungo ko na ang counter at nagbayad ng aking mga pinamili.

"Magandang Gabi po Ma'am. Masiglang bati ng kahera sabay ngumiti sa akin, ngumiti rin ako bilang ganti. Nakapusod ito ng buhok at mahahalata sa kanyang mata ang pagod maaring dahil na rin sa maghapong trabaho.

Matapos kung bayaran ang aking mga nabili ay inilagay ko sa bag ang mga ito bago lumabas at nagsimula ulit tahakin ang daan patungo sa KATHSTILLO.

...

Malamig na simoy na hangin. Maliwanag na buwan at payapang kapaligiran. Nandito na ulit ako sa veranda ng KATHSTILLO. Ilang araw din bago ako ulit nakabalik dito.

Binuksan ko ang aking bag at inilabas ang isang mat at inilapag ito sa sahig. Inilabas ko na rin ang aking mga binili at nilagay sa mat. Sandali muna akong nagpahinga at nahiga dito.

Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang kapaligiran. Napakasarap magpahinga.

...

Kaluskos at mga yapak.

May narinig akong mga kaluskos at yabag ng mga paa. Agad akong napabangon sa aking narinig. Inilibot ko ang aking paningin at mula sa sinag ng buwan ay may lalaking nakaangat ang isang paa mula sa sahig.

Tinalasan ko ang aking paningin at nakilala ko kung sino ang taong ito.

Ang kanyang matangos na ilong, mapupulang labi at perpektong hugis ng kanyang panga. Kumabog ang aking dibdib ng magtama ang aming mga mata.

Bakas sa kanyang maamong mukha ang pagkagulat.Tila nakadama naman ang aking puso ng saya at excitement ng makita ko siya. Nakasuot siya ng denim jacket, white printed shirt, fitted jeans at shoes. Ang gwapo niya sa porma niya ngayong gabi pero ang awkward ng posisyon niyang nakataas ang isang paa na tila humahakbang.

"Anong ginawaga mo?" Nagtataka kong tanong dito.

Ngumiti siya at muli kong nasilayan ang kanyang maputing ngipin at ang matamis niyang ngiti. Ibinaba na rin niya ang kanyang isang paa at tumayo ng tuwid.

Tumawa siya ng bahagya. "Ah. Naabutan kasi kitang nagpapahinga ayaw naman kitang maistorbo kaya dahan dahan akong humakbang pero wala eh nagising pa rin kita."

Tumango tango lamang ako. Mukha naman atang totoo ang sinasabi niya. Ang awkward kasi ng hakbang niya kanina.

"Ikaw ano ang ginagawa mo dito?" ganting tanong naman niya.

Our Sun Below The HorizonWhere stories live. Discover now