Huminga ako ng malalim.
Tama na nga muna yung pag-iisip ng kung anuo-ano. Basta, kahit anong mangyari, sasabihin ko na sa kanya yung nararamdaman ko. Wala ng atrasan to.
Medyo madilim na rin at nagsimula na kaming lahat na mag-ayos para sa hapunan. Nasa kabilang dulo lang namin yung mga girls at inaayos na yung mga pagkain na iihawin namin mamaya. Nandun din sila Pat at Serg at nangungulit sa kanila. Kami naman ni Felix ang gumagawa ng bonfire.
Wew! (-__- ) Ang hirap din pala gumawa nun.
....
Maya-maya pa, natapos na rin namin yung pag-gawa ng bonfire. Kinuha lang namin yung iba pang gamit sa cottage at tinawag na namin sila.
Tinulungan na rin naming mag-ihaw yung mga babae. At nang matapos na ang lahat, nagsimula na rin kaming kumain.
Hinanap ko si Alexa at tumabi sa kanya.
Alexa's POV
Kanina pa ako hindi mapakali.Jusmiyooo!
Kinakabahan kasi ako sa gagawin ko e.
(-___- )
Alam na rin nila Rhea, Bunny at Rosel yung desisyon ko. Sabi naman nila kahit ano man daw yun, susuportahan nila ako.
Eto na yun.
Aamin na ako kay Erik tungkol sa tunay na nararamdaman ko para sa kanya.
At kung ano man ang maging resulta, bahala na.
AJA!
....
Nag matapos na kami sa iniihaw namin, nagsimula nang kumain ang lahat.
Mas lalo namang bumilis yung tibok ng puso ko dahil biglang tumabi sa akin si Erik.
YOU ARE READING
A Player + A Manhater + A DARE = TROUBLE (COMPLETED)
RomanceHe's an all time player. Wala pa siyang sineryosong babae. She's the ultimate manhater. Nang dahil sa isang pangyayari, umiwas na siya sa mga lalaki. He likes to play games. But she already knows all the rules. Ano nga kaya ang mangyayari kapag pin...
Chapter 45 - A Sweet Serenade
Start from the beginning