Chapter 35 - Ready - Set - Go!

3.9K 54 4
  • Αφιερωμένο στον/ην leafblade
                                    

Alexa's POV




HINDI!

HINDI PWEDE!

HINDI KA AALIS NG BAHAY!

Yan yun patuloy na tumatakbo sa isip ko. Pumasok na ako sa bahay pero nandito pa rin ako sa may sala. Hindi ko pa nakakausap si mama. Kasi naman. Paano na lang kung yun yung sabihin niya sa akin diba?! Paano na lang kung hindi niya ako payagan makaalis. Amp. Alam kong napaka-negative ko. Hindi ko pa nga sinusubukan e umaatras na ako. Tss! Kinakabahan talaga ako pero kailangan ko nang mag-paalam, kapag pinagtagal ko pa ito baka mas lalo na akong hindi payagan. Hello?! Bukas na kasi ang alis namin. Agad agad naman kasi dapat?! 

Hay! Erik.. Kung hindi lang talaga dahil sa'yo hindi na ako sasama. Kasi naman. (-____-)

Pumunta na ako sa may kitchen at nakita ko si mama na nakatalikod. Huminga muna ako ng malalim. Crossed fingers pa rin.. Inakap ko siya bigla...

Humarap si mama sa akin at ngumiti..

"Hmm, anong kailangan mo?" - Mama

Yay! Ang galing ni mama, nahalata niya agad na may kailangan ako. Amp. Ganun ba ako ka obvious?? Hahaha. Ang lakas talaga ng pakiramdam ng mga nanay. ^_____^

"Ma, ano kasi e.. may lakad kasi ako, papayagan mo ba ako? Tsaka bakasyon naman namin e." - sabi ko ng tuluy-tuloy...

"Depende.." - Mama

Kinabahan ako lalo. Depende?? Naku, e sa Cebu nga kami pupunta e?!

"San ka ba pupunta?" - Tanong ni mama

Eto na yun. Paano ko ba sasabihin para payagan niya ako. Ah! Help me!

"Ano kasi e, ahm.. nag-aaya po kasi yung isa kong kaibigan, sa may resort kami pupunta. Wala na akong babayaran dun mama. Sagot na po niya lahat. Tapos, kasama ko rin sila Rhea, Bunny at Rosel. Payagan mo na ako pleaseee?" - Sabi ko.

Hindi ko naman sinagot yung tanong niya kung saan. Kasi naman e! >__< Natatakot ako baka di siya pumayag. HELLO?! CEBU yun noh! 

A Player + A Manhater + A DARE = TROUBLE (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα