Chapter 63 - I won't give up.

2.7K 37 8
                                    

Alexa's POV

Nakatayo lang ako sa may hallway nang matagal. Tinitignan ko si Erik habang patuloy ito sa paglalakad palayo sa'kin. Hinihintay ko siyang lumingon sa akin pero wala. Nasaktan ata siya ng sobra sa mga sinabi ko lalo na nung marinig niya na kami na ni Ian. Masakit but he has the right to know.

Ang totoo niyan gusto ko siyang habulin. Pero para saan pa? Wala rin namang magbabago.

Pinagmasdan ko siya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Patuloy pa rin sa pagtulo yung mga luha ko. Hindi ko alam pero hindi ko mapigilan.

Ilang minuto rin akong ganun. Naisip ko na baka hinahanap na ako nila Ilan. I tried to fix myself, yung parang walang nangyari. Pinunasan ko yung mga luha ko. Ayokong ipakita sa kanila na ganito ako.

Maya-maya pa, bumalik na ako sa kwarto ni Kyla. Sinalubong naman agad ako ni Ian. Ilang segundo rin niya akong tinitigan.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya.

Napansin ata niya na medyo namumugto pa yung mga mata ko.

"Ha, oo. Ayos lang ako." I lied.

"Umiyak ka ba?" tanong ulit niya.

"Ano kasi, may nakasalubong kasi akong babae at lalaki kanina. Naghiwalay na kasi sila, pareho silang iyak nang iyak. Siguro, nadala lang ako ng emosyon ko kaya ganun." sabi ko na lang.

Ian smiled weakly.

"Siguro, mahal na mahal nila yung isa't-isa para maapektuhan ka nang ganyan." Sabi niya.

Di ko alam pero parang bumigat yung dibdib ko.

"Halika ka dito," sabi niya sabay hila sa akin at yakap nang mahigpit. "Wag ka nang malungkot please? Di ko kayang makita kang ganyan."

Hinigpitan ko yung yakap sa kanya at bahagyang tumango. Sobrang natutuwa ako dahil nandiyan si Ian para sa akin pero di ko alam kung hanggang kailan ako magiging ganito. Di ko alam kung kailan ulit ako magiging okay.

Ilang minuto pa ang lumipas at nag-aya nang kumain si Ian. Soda lang yung ininom ko, pinipilit ako ni Ian na kumain pero ang sabi ko kumain na ako kanina sa cafeteria. I lied again. Ang totoo niyan, wala talaga akong gana. Siguro dahil na rin sa nangyari kanina.

Tahimik lang rin ako maghapon. May mga pagkakataon na nagkakasiyahan sa kwentuhan sila Kyla, Archie at Ian. Nakikingiti na lang ako para di rin naman nila mahalata na biglang nagbago yung mood ko.

Maya-maya pa, nagpaalam na rin kami kay Kyla at Archie bago pa tuluyang umalis. Nangako naman si Ian na babalik bago tuluyan ma discharge sa hospital si Kyla.

Buong biyahe namin, kwento lang nang kwento si Ian. Pinipilit niya akong pasayahin pero wala pa rin. Ilang beses rin nitong tinanong kung talagang okay lang ba ako. Tumango lang ako at ngumiti.

Di ko maintindihan kung ano yung nararamdaman ko. Dapat nga masaya ako diba? Kasi at last, may closure na rin kami ni Erik. Sa wakas, tapos na talaga. Pero bakit ganun? Bakit sobrang bigat sa pakiramdam. Feeling ko I made the wrong decision.

Huminga ako ng malalim.

Bakit nasasaktan pa rin ako?

Bakit kahit anong gawin ko, ikaw pa rin yung naiisip ko Erik?

Ano bang ginawa mo sa akin at hindi kita mabitawan?

Bakit di kita makalimutan?

"Nandito na tayo?" Sabi ni Ian.

Huminto na kami, di ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay ko. Masyado nga atang lumulutang yung isip ko ngayon. Tumingin ako kay Ian.

"Sorry Alexa, alam kong napagod ka sa mga nangyari ngayong araw. Sorry for bringing you into this." Sabi niya.

A Player + A Manhater + A DARE = TROUBLE (COMPLETED)Where stories live. Discover now