Chapter 39 - Erik's POV

3.8K 46 13
                                    

Erik's POV

Kainis! Okay na sana e.

Bakit ba kasi nandito rin yung lalaking yun?!

Tss. (-__-  )"

Sa dinami-rami ba naman ng pwedeng maging manager dito, siya pa!

Okay, hindi ako nagseselos ha?!

Naiinis lang talaga ako.

Psh! Ewan ko ba?!

Ayoko lang nakikitang magkasama sila ni Alexa. 

Oo na! Ako na possessive. Akin lang si Alexa!

Una kong nakita si Ian nung Annual Ball namin. Magkausap sila ni Alexa noon. At alam ko na masaya si Alexa na makita yung lalaking yun!

Sino ba kasi siya? 

Badtrip e! Hindi ako naiinis kay Alexa. Naiinis ako kay Ian.

Tapos masaya na sana yung bakasyon namin e kaso si Ian pala yung manager nung resort na ito. Kung sinuswerte ka nga naman!! Wala naman na akong magagawa pa. Hindi ko naman pwedeng i-cancel yung reservations dahil nandito na kami. Isa pa ayaw ko naman ding ma-dissapoint yung mga kasama ko lalo na si Alexa. Ayoko namang masira yung bakasyon ni Alexa dahil lang sa pagseselos ko.

Oo na!

Inaamin ko na.

Nagseselos nga ako.

Lalo na nung nalaman ko na nagkita pala sila ni Ian nung nasa Manila pa kami. Actually nagulat talaga ako ng narinig ko yun. Sabi naman ni Alexa at ni Ian nagkasalubong lang daw sila sa mall noon kaya sila nagkita. 

Fine.

Hindi na ako nagsalita pa. Parang umurong yung dila ko. Siguro sa sobrang inis na rin. Nasa cottage na kami pero wala pa rin akong kibo. Nagsalita lang ako nung nagpag-usapan na yung hatian sa mga kwarto. Sabi ko sila Alexa na lang at yung mga kaibigan niya ang gumamit nung master bedroom tapos kaming mga lalaki na dun sa mga natira pang kwarto, pumayag naman sila.

A Player + A Manhater + A DARE = TROUBLE (COMPLETED)Where stories live. Discover now