Chapter 65 - 143

2.5K 24 2
                                    

Ian's POV

Ilang araw ko na ring iniiwasan si Alexa. Sinabi ko lang na marami akong inaasikaso pero ang totoo nasa condo lang ako buong maghapon at magdamag. Nagsinungaling ako. Alam ko mali pero I know this is for the better.

Ang totoo niyan, hindi ko alam kung bakit ko siya iniiwasan. Akala ko gusto ko lang siyang bigyan ng space dahil na rin sa mga nangyari sa kanila ni Erik.

Hindi pala.

The truth is, ako yung may kailangan ng space. Space para makapag-isip.

Okay na rin siguro yun. Isa pa, naging busy rin naman talaga ako dahil nakalabas na rin ng hospital si Kyla. Sa ngayon, dun siya sa apartment ni Archie tumutuloy.

Nakwento ko na rin kay Kyla yung mga nangyari. Dalawang payo lang yung binigay niya sa akin, it's either ituloy ko or bumitaw ako.

Ang hirap mamili dahil alam ko ano man yung piliin ko, masasaktan pa rin ako.

Nung nakita kong magkasama sila Erik at Alexa, sobrang bigat sa pakiramdam. Pero ang mas mabigat pa dun, yung mas masakit pa dun, yung makita ko sila parehong umiiyak. Feeling ko nung mga oras na yun ako yung dahilan kung bakit sila nasasaktan.

Kaso 'di lang naman sila yung nasasaktan.

Ako rin.

Ewan ko ba, naguguluhan na rin ako. Hindi ka na rin alam yung gagawin ko. Ang alam ko lang, mahal ko si Alexa. And I'll do anything for her.

Kinuha ko yung phone ko at hinanap sa contacts si Alexa. Ilang minuto ko rin yun pinagmasdan. Nag-iisip kung tama ba yung gagawin kong desisyon. 

Alexa's POV

Nakakulong lang ako sa kwarto ko maghapon. Nag-iisip. Nagtatanong. 

Naubos na nga ata yung luha ko kakaiyak. 

Alam ko na lahat. Alam ko na yung totoo. 

All this time, mali pala lahat nang hinala ko about kay Erik.

Mahal niya ako.

Minahal niya ako.

At mahal pa rin niya ako.

Di ko alam kung matutuwa ba ako. Kasi, deep inside, mas nasasaktan ako. 

Naiinis ako sa kanya!

Bakit ngayon lang? 

Bakit ngayon pa kung kailan di na pwede?

A Player + A Manhater + A DARE = TROUBLE (COMPLETED)Where stories live. Discover now