Chapter 3 - Status: Manhater?

8.3K 109 7
                                    

Ang aga kong nagising... gumayak na ako at inayos ang mga dadalin kong gamit. Halos 45 minutes din ang biyahe papunta sa school na pinapasukan ko. Kadalasan sa jeep ako sumasakay lalo na pag hindi ako nahahatid ng kuya o papa ko sa kotse. Sinisigurado kong maaga ako lagi magising at pumasok. Naranasan ko na kasing ma-late sa una kong subject, dyahe, ang hirap talaga.

Umalis na ako ng bahay at sakto paglabas ko sa may kanto ng bahay namin, may dumaan na jeep kaya nakasakay ako agad. Dahil medyo mahaba pa ang biyahe, nag soundtrip muna ako sa ipod shuffle ko ... 

 Biglang tumugtog yung kanta na You Made Me Stronger ni Ms. Regine Velasquez...

 

Naalala ko na ito yung naging theme song ko nung nag break kami ni Carlo. Emo days ko nung mga panahong yun. Pero syempre ngayon, hindi na ako emo. Hihi.

Ang favorite line ko pa nga nun ay: 

...................

You've made me stronger by breaking my heart...

You ended my life and made a better one start...

You've thought me everything from falling in love..  to letting go of a lie...

Yes, you've made me stronger, baby, by saying goodbye...

................. 

 

 

Buti na lang hindi rin gaanong traffic kaya medyo mabilis din yung jeep... Yey! Maaga ako nitong makakarating sa school. ^_______^

 

 

Huminto na ang jeep sa may tapat ng school namin. Bumaba na ako at dumiretso sa classroom. Sakto, andun na rin si Rhea, isa pa kasi yung early bird. Ang tagal na rin naming mag best friend, since Grade 5 pa. Buti na lang din at pareho kami ng kinuhang kurso sa college. Dumating na rin sila Bunny at Rosel, iba pa naming mga barkada. Ang kukulit namin pag nagkasama-sama na kaming apat. Kahit na maingay ako pag kasama ko sila, seryoso naman ako pag klase na namin. Gusto ko kasi talaga makatapos para makatulong ako kila mama at papa.

Tumahimik na ang lahat ng dumating si Ma'am V... Terror din kasi naming prof. yun.

Syempre, seryoso na ulit ako... 

.......................................

Natapos na rin ang klase namin nang umagang yun. Half day lang kasi kami pag Monday kaya diretso na kami sa mall para maghanap ng regalo kay Potpot para sa mini party nito mamaya. Mahilig si Potpot sa Hello Kitty kaya napagkasunduan namin na isang Hello Kitty na bag ang bilin namin sa kanya. Dun na rin namin pina-wrap sa store na binilan namin kasi libre naman. 3:00pm pa ang party, may isang oras pa kami halos kaya nag ikot-ikot muna kami sa loob ng mall at nang mapagod ay tumambay sa isang upuan sa fastfood. 

As usual, puro kwentuhan muna kami hanggang mapunta sa akin ang topic. Lagi kasi akong pinipilit ng mga barkada ko na magboyfriend na ulit.  Palibhasa kasi si Bunny at Rosel ay may mga lovelife na. Ang bestfriend ko naman na si Rhea ay may manliligaw na malapit na rin niyang sagutin. Ibig sabihin, ako na lang talaga ang SINGLE sa barkada. Ewan ko, hindi naman sa man-hater talaga ako pero hindi ko pa nga ata nakikita yung lalaking seryoso at hindi manloloko. Ayoko na kasing masaktan ulit. 

"Alexa, paano mo malalaman kung seryoso talaga yung isang tao sayo kung ayaw mo naman silang bigyan kahit na isa man lang chance?" - sabi sakin ni Rhea...

"Hindi naman sa ayaw, gusto ko lang manigurado. Alam niyo naman yung nangyari sakin dati."  - sagot ko naman.

"Teka teka nga, umamin ka... mahal mo pa ba si Carlo?"  - tanong ni Bunny.

"Ou nga, don't tell me hindi ka pa nakaka move-on?"  - dagdag pa ni Rosel.

"Naka move-on na ako noh! Hay, naku.. Hindi naman kasi minamadali yang love na yan. Kung darating, edi go.. kung hindi naman, edi ok lang..." - ang lagi ko namang sagot sa kanila.

Alam ko naman na concern lang rin sila sa akin at na-aappreciate ko talaga yun. Ilang beses na nga nila akong sinet-up sa isang blind date. Ilang beses ko na ring ni-reject. MAN-HATER na nga ata ako. Ano bang nangyayari sakin? After ni Carlo, wala na akong iba pang lalaking nagustuhan. Ang mga nagiging crush ko naman puro mga hollywood actors at mga korean stars.

Hay naku Carlo, kasalanan mo talaga ito eh!! -____-

Argh. Buti na lang hindi nakamamatay ang pagiging BITTER!!

Napatingin ako sa relo ko, quarter to 3pm na pala. Inaya ko na rin sila para pumunta kila Potpot. Tama na muna ang pag-iisip sa lovelife. Foodtrip muna...

 .....

 

 

^_____^

 

 

 

__________________

A/N:

Feel free to vote or comment. 

Be a Fan :)

Thanks ^_________^v

A Player + A Manhater + A DARE = TROUBLE (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن