Chapter 14 - Fight for you

5.6K 77 14
                                    

Erik's POV

 


Ano bang nangyayari sa akin???

Sa totoo lang kinukulit na ako nila Serg, Pat at Felix tungkol sa pustahan namin.

Normally kasi, pag pinagpustahan namin ang isang babae, kinabukasan o kaya sa susunod na araw, girlfriend ko na yun.

Pero si Alexa...hindi ko alam.

Sa una pa lang naman kasi ayaw ko na talagang pumayag sa pustahan namin na yun.

Mula nung una naming date, nakita ko na di siya katulad ng ibang babae.

Kung yung iba, pa-demure at pahinhin sa mga date namin, siya.... para siyang bata.

Nakakatuwa siya. 

^___________^

Lalo na nung nalagyan ng sauce yung gilid ng lips niya...

Hahaha..

Ang lakas niya kasing kumain.

Ang cute niya :)

Argh! Ano ba Erik????!!!

At kelan ka pa na-kyutan sa isang babae????!!!

Hindi pwede!

Isa lang itong pustahan...

Isang laro.

.....................

Nagulat din ako ng nagtext siya sa akin.

Gusto niya akong maging date sa Ball.

Pumayag ako, pagkakataon ko na yun para pormahan siya.

A Player + A Manhater + A DARE = TROUBLE (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant