Chapter 34 - Okay.

4.1K 55 6
                                    

Erik's POV



Nagising ako the next morning na nakahiga sa sofa ko.. Doon na rin ko nakatulog since nagkasakit ako kahapon...

Then, naalala ko si Alexa. Pumunta nga pala siya dito kahapon tapos inalagaan niya ako. Teka? Paano niya kaya nalaman na nagkasakit ako?? Hindi ko naman sinabi sa kanya. Nakalimutan ko na rin kasing tawagan siya pag-uwi ko. Sobrang sumama na kasi talaga yung pakiramdam ko. Tapos, next thing I knew, nandito na siya sa condo ko tapos inalagaan niya ako.

Hindi ko maiwasang mapangiti kapag naaalala ko yung mga yun. Nakita ko talaga yung concern niya sa akin... Speaking of Alexa.. Nasaan na kaya siya? I mean hindi naman siguro siya nag-stay dito magdamag diba?..

Totoo ba talaga yun...baka naman nananaginip lang ako kahapon. 

  

Tumayo na ako sa pagkakahiga. Medyo maganda na rin yung pakiramdam ko. Nakita ko yung thermometer sa may gilid ng sofa. Kinuha ko yun at nilagay sa akin. Gusto ko lang masigurado kung talagang okay na ako. Buti na lang din at meron ako nito sa condo ko. Yung mom ko kasi ang may gusto na dapat daw kumpleto ako sa mga gamit na katulad nun. In case of emergency daw kasi, lalo na at mag-isa lang rin ako. Nang tumunog yun, tinignan ko... 37.1 degrees Celcius. Normal na ako ulit! 

Pagkabangon ko, may nakita akong papel na nakaipit sa may table. Kinuha ko yun at binasa...

..........

Erik, 

Sorry talaga sa nangyari.. I'm really SORRY...

Nagkasakit ka tuloy.. =(

P.S. Magpagaling ka kasi pupunta pa tayong Cebu sa Saturday. =)

Alexa

.............

Napangiti ulit ako.. Ibig sabihin totoo nga. Hindi ako nananaginip. nandito siya kahapon at binantayan niya ako. 

^____^

Biglang tumunog yung  tiyan ko. Amp. -____- Hindi na rin kasi ako nakakain pa ng hapunan kagabi. Naligo na ako ng mabilis at nag-ayos ng sarili. Sa labas na rin ako kakain ng breakfast.

Grabe.. I'm really starving!

Sa isang fastfood ako kumain. Yung kasi yung pinakamalapit na pwede kong puntahan. Gutom ma kasi talaga ako e! Pagka-order, kumain na rin ako kaagad. Haha. Sa wakas! 

A Player + A Manhater + A DARE = TROUBLE (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن