Chapter 52 - Who's that girl?!

3.4K 34 10
                                    

Rhea's POV

Ang dami na ring nangyari nitong mga nagdaang mga araw.

At aaminin ko na nung una, nag-aalala talaga ako para sa kanya, kay Alexa...

Sobra kasi siyang nasaktan.

Sobra niya kasi talagang minahal si Erik.

Kung alam ko lang na ganun lang ang mangyayari, hindi na sana namin pinagawa sa kanya yung DARE.

Kalokohan kasi naming magbabarkada e.

Pero kahit papaano, nakikita ko naman na unti-unti na siyang bumabalik sa dati. 

Oo nga at hindi ganun kadali ang lahat but she's really trying para makalimutan si Erik.

Actually, nung sila pa ni Erik, noon ko lang siya nakitang ganun kasaya.

Parang napaka-positive lagi ng vibes niya.

Tapos, nung naghiwalay sila, noon ko lang rin siya nakitang nasaktan ng ganun.

Sobrang devasted rin siya lalo na nang biglang naglaho si Erik ng walang paalam.

Minahal talaga ng bestfriend ko yung lalaking yun.

Pero seryoso.

Nakita ko rin naman kung paano inalagaan ni Erik si Alexa.

Bakit ba kasi siya biglang umalis...

Kung mahal talaga ni Erik si Alexa, bakit hindi niya ito pinaglaban, bakit iniwan niya pa rin ito.

Nanghihinayang lang ako.

Alam ko kasing mahal nila pareho ang isa't-isa.

Ganun nga ata talaga...

Some people are meant to fall in love with each other but not meant to be together.

Pero nung huling beses na nagkasalubong kami ni Alexa, she looked different, a lot better I guess.

Pansin ko nga na parang mas lalo pa siyang gumanda.

Tama lang yun, atleast unti-unti na siyang nakaka-recover..

Buti na lang rin andiyan si Ian. Malaking tulong yung pagpunta ni Ian kila Alexa tsaka yung palagi nitong pangangamusta.

Hindi man siya yung kailangan ni Alexa, siya naman yung nandiyan sa mga panahong wala si Erik.

Alexa's POV

Ilang araw na rin ang lumipas mula nang magbalik siya at puntahan ako..

Si Ian.

Kahit papaano, malaki yung natutulong niya sa akin para i-divert yung atensyon ko sa lahat ng mga nangyari.

Bumalik lang siya ulit sa Cebu. May mga gawain pa daw kasi siya dun na naiwan at mga papeles na kailangang pirmahan.

Pero kahit ganun at malayo siya, todo effort talaga siya para sa akin.

Araw-araw nagte-text.

Palaging tumatawag.

Palaging nangangamusta.

Kakaiba talaga siyang lalaki.

Naalala ko tuloy si Erik.

Amp!

Naisip ko na naman siya!

Aaminin ko na may mga panahong naaalala ko pa rin siya pero hanggang dun lang yun.

Isa pa, sinabi ko sa sarili ko na magsisimula ulit ako.

Na kakalimutan ko na lahat ng mga hindi magagandang nangyari sa past.

A Player + A Manhater + A DARE = TROUBLE (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang