Chapter 69 - Letting Go.

2.5K 32 5
                                    

6:00 PM 

 .

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kahit anong klaseng pagpapakalma gawin ko, walang epekto.

Walang nagsasalita sa amin ni kuya. Tahimik lang kami hanggang makarating kami sa bistro.

This is it. Bulong ko sa sarili.

Tumingin ako kay kuya at tumango ito. Ngumiti ako at huminga nang malalim.

"Hanggang dito na lang ako, good luck baby girl," sabi ni kuya at ngumiti.

Tumango ako.

 .

 .

 .

 .

 .

 .

 .

 .

 .

 .

 .

 .

 .

Pagpasok ko sa loob ng bistro, hindi ko agad nakita si Ian. Marami-rami ring tao. Bagong bukas lang kasi ito and I have to admit, maganda talaga at sweet yung ambience ng lugar. 

Feeling ko nakatingin sa akin lahat ng tao pagpasok ko.

Hinanap ko si Ian at ilang sandali pa, nakita ko na siya.

Nasa may bandang dulo siya, nakatayo at tila kanina pa naghihintay. Nang magtama yung mga mata namin, ngumiti siya. Pero yung ngiti niya, kakaiba. Hindi ko alam pero parang may iba sa kanya. Yung aura niya, parang... parang malungkot.

 .

Lumapit siya sa akin, "I'm glad you came," sabi niya.

Ngumit naman ako.

"Shall we?" sabi niya sabay offer ng kanyang right arm sa akin. Kinuha ko naman agad yun.

 .

Naglakad kami sa may dulo ng bistro kung saan siya kanina nakatayo. Nagulat ako ng makarating kami doon. Kung titignan kasi sa malayo, parang isang maliit lang na space yun, parang katulad lang nung sa ibang mga tables pero hindi pala.

Isolated siya kumpara sa iba. Parang VIP room. May isang malaking blinds na nagsisilbing harang para talaga may privacy. Pagpasok mo sa loob, maririnig mo agad yung isang sweet melody na naggagaling sa isang grand piano. May mga violinist rin na tumutugtog sa gilid nito. Medyo dim yung light sa paligid pwera lang dun sa mga tumutugtog sa gilid at sa table namin na nasa mismong gitna. May flowers and candles sa ibabaw nun. Yung floor naman, napapaligiran ng mga rose petals. Nakakalat yung paikot hanggang sa may table namin. 

This is actually the first time na may gumawa sa akin ng ganito. 

 .

"Ian, this is too much," sabi ko.

 .

Ngumiti lang si Ian at dahan-dahan akong hinila papunta sa table namin. 

Hinila niya yung upuan ko para makaupo ako. Tapos umupo na rin siya sa may tapat ko.

Tinignan ko siya. He's wearing a black suit, bagay na bagay lang sa kanya. Napansin ko rin na nagpagupit siya ng buhok, mas lalo siyang gumwapo. I can't stop looking at him. Mula nang magpunta kami sa hospital para dalawin si Kyla, ngayon na lang ulit kami nagkita. 

A Player + A Manhater + A DARE = TROUBLE (COMPLETED)Where stories live. Discover now