Chapter 45 - A Sweet Serenade

3.4K 42 8
                                    

Erik's POV




"M-mahal kita Alexa.."

Pagkasabi ko ng mga salitang yun, nakita ko siyang namula ng todo at tumawa ng malakas.

(-___-  )"

Hay! Sabi ko na nga ba e. Hindi talagang magandang idea to.

....

Tawa pa rin ng tawa si Felix sa harap ko. Paano ba naman, siya ang nagsabi na mag-practice daw ako ng pagtatapat ko kay Alexa sa kanya, tapos heto siya at tatawa-tawa. Hay! Sira talaga to e!

"Sorry pare, natawa lang kasi ako sa mukha mo e, hindi lang ako sanay na seryoso ka."  - sabi ni Felix sa akin na patuloy pa rin sa pagtawa.

"Oo na pare, ganyan ka naman e." - sabi ko naman.

"Hahaha. Pero eto pare seryosong advise, kung talagang balak mo nang sabihin sa kanya ngayong gabi, gawin mo lang ng natural. Relax ka lang at wag mong ipahalata na kinakabahan ka." - sabi sa akin ni Felix.

"Naks, ikaw ba talaga yan pare, ikaw nga hindi ka pa nakakapagtapat sa isang babae e." - sagot ko naman sa kanya.

"Sino namang nagsabi sa'yo na hindi pa?" - sabi naman ni Felix sabay ngiti.

Hala, wag mong sabihin na may sineryoso nang babae si Felix?! Ang pagkaka-alam ko kasi, wala pa. Teka, may hindi sa akin sinasabi yung mokong na to ha!.

"So may sineryoso ka ng babae? Sino? Kailan pa? Ano nangyare?" - Ako.

"Ano ka ba pare, reporter?! Hahaha. Basta, maniwala ka na lang sa mga sinasabi ko okay. Sabihin mo lang sa kanya lahat ng nararamdaman mo, yung galing sa puso." - Felix.

"Salamat pare." - Ako

Tumango lang siya.

"Alam na nga pala ni Pat at Serg yung balak mo ngayong gabi, kung gusto mo daw magpatulong, sabihin mo lang at sila na yung bahala." - Felix.

"Naku, baka kung anong kalokohan pa yung gawin nung mga yun e. Hahaha. Kaya ko na siguro to pare.'' - Ako.

"Haha, basta pare pag na-basted ka, magpapainom kami ha?!.." - sabi ni Felix sabay tawa.

Ngumiti lang ako.

Loko talaga nitong si Felix. Kinabahan tuloy ako bigla. E paano nga kung ma-basted lang ako? Paano kung hindi naman talaga ako gusto ni Alexa? 

A Player + A Manhater + A DARE = TROUBLE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon