Chapter 59 - The unrequited love.

2.6K 29 6
                                    

Pareho silang natahimik.

Parehong walang nagsasalita.

Nakatitig lang sila sa isa't-isa, nakikiramdam kung ano ang dapat sabihin.

Parang tumigil ang mundo... parang huminto ang oras nang magkita ulit sila Erik at Alexa...

"I-I'm sorry, hindi ko sinasadya" sabi ni Erik.

Sorry? Para saan ka ba nagso-sorry? Dahil nabunggo mo ako o dahil...dahil iniwan mo ako? tanong ni Alexa sa isip niya. 

"Nakabalik ka na pala?" sabi lang niya.

Oo, binalikan kita. Binalikan kita Alexa, sabi ni Erik sa isip niya.

Tumango si Erik. "Nung isang araw lang" sabi nito.

Hindi mo man lang ako sinabihan. Hindi mo na nga siguro ako gustong makita. Kung sabagay, iniwan mo nga ako e, sa isip niya.

"It's been some time" sabi ni Alexa.

Di mo lang alam kung gaano kita gustong makita. Ikaw nga yung una kong pinuntahan pagbalik ko e, sabi naman ni Erik sa isip niya.

"Kumusta na?" tanong ni Erik.

Eto, hindi pa rin okay. Di mo alam kung gaano mo ako nasaktan nung umalis ka. At di mo rin alam kung gaano kita gustong gustong makita, sa isip ni Alexa.

"I'm doing much better" sagot ni Alexa.

Kung alam mo lang, walang araw na hindi kita naisip, sa isip ni Erik.

"That's good to hear" sabi naman ni Erik.

....

Ilang sandali pa, isang babae ang lumapit sa kanila at pumulupot sa braso ni Erik...

"Andito ka lang pala e" sabi nito sabay tingin kay Erik at kay Alexa.

"A-Alyanna, diba sabi ko pupuntahan na lang kita?" sabi ni Erik na halatang nagulat.

"E kanina pa ako naghihintay dun e." sabi naman nito.

Napatingin si Erik kay Alexa.

"A-Alexa, let me explain" sabi ni Erik.

"Look, you don't need to explain anything. We should all move on. Kung ano man yung nangyari dati, kalimutan na lang natin lahat" sabi naman ni Alexa.

"Wait, Alexa, you don't understand. It's not what you think it is" sabi ni Erik.

"It's good to see you again Erik" sabi ni Alexa sabay talikod.

Hindi niya alam kung ano yung naramdaman niya nung mga oras na yun. Nakita niya sila Rhea na nakatingin sa kanya. Nagkaintindihan na silang apat.

"Tara na" narinig niya sabi nito, at lumakad na sila palayo.

Narinig niyang nagsalita si Erik...

"Alexa teka lang..." habol nito pero patuloy pa rin siyang naglakad palayo.

"Hayaan mo na siya. Tsaka, sino ba yun ha?" tanong ni Alyanna sabay hila sa braso ni Erik.

Hindi sumagot si Erik.

"Let's go na EJ." narinig niyang sabi ni Alyanna.

Napatigil si Alexa sa paglalakad.

A Player + A Manhater + A DARE = TROUBLE (COMPLETED)Where stories live. Discover now