Chapter 70 - Game Over

3K 37 1
                                    

 .

 .

Nasa loob pa rin ako ng taxi. Naipit kami sa traffic kaya hindi kami makausad pero mula sa kinalalagyan namin, kita ko na yung tuktok ng clock tower. Ibig sabihin, malapit na kami. 

Kita rin mula doon kung anong oras na.

8:24 PM

Anim na minuto na lang.

Bumilis yung kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko. Sa bawat minutong lumilipas, mas lalo pa akong kinakabahan.

Buti na lang rin at medyo humina na yung ulan, halos ambon na lang.

Naisip ko tuloy si Erik. Naalala ko kasi noon, may pagkakataon na dapat magkikita kami pero hindi ako nakapunta. Nakatulog kasi ako kaya ayun, hindi ako nakarating sa meeting place namin. Umulan rin ng malakas noon at hindi siya umalis. Hinintay niya lang ako kahit mabasa pa siya ng ulan at magkasakit. 

Hay, Erik.

 .

 .

Ilang sandali pa, umusad na rin kami at sa wakas, narating na yung mismong park. 

Kumuha na ako sa wallet ko ng pambayad kay manong, dinagdagan ko na yun dahil mabait naman ito at pinilit niyang makaabot ako dito kahit traffic.

"Manong, eto na po yung bayad ko," sabi ko sabay abot ng pera. 

Tumingin naman sa akin si Manong at umiling, "Naku Ma'am, huwag na po."

"Po? Ano pong huwag na, bayad ko po ito," sabi ko naman.

"Okay na Ma'am, libre ko na po yun sa inyo. Isa pa, dito rin naman po talaga ako papunta kasi susunduin ko na yung misis ko." Sagot sa akin ni manong sabay hawi sa kamay ko.

"Manong, tanggapin niyo na po ito," pagpipilit ko pa rin.

"Okay lang po talaga Ma'am, ginawa ko lang po yung trabaho ko para maihatid kayo dito. Tulong ko na po yan sa inyo,'' sabi ulit sa akin ni manong sabay ngiti.

 .

Ginawa yung trabaho?

Ano daw? Alin dun?

Tsaka tulong sa akin? 

Huh?

Medyo naguluhan tuloy ako ng konti.

 .

Magsasalita pa sana ako nang magsalita si manong.

"Ayun na rin pala yung asawa ko e," sabay turo sa isang babae na nakatayo sa entrance ng park. Hindi ko makita yung mukha nito dahil natatakpan ito ng pulang payong niya.

 .

Ilang sandali pa, bumaba na si manong at binuksan yung pinto ko.

"P-pero yung bayad ko po kasi Manong," sabi ko ulit.

Ngumiti lang si Manong, iniwan ako at dumiretso na sa tinuturo niyang asawa niya.

Sakto namang pagbaba namin, tumigil na rin yung ambon. 

Hawak hawak ko pa rin yung pera na ibabayad ko sana kay Manong. 

 .

Ano ba yan? Bakit ba ayaw niyang tanggapin? -__-

Wala na kayang libre sa mundong ito. Grabe naman, ang bait niya ah!

 .

Wala na akong nagawa kundi ibalik yung pera sa wallet ko. 

A Player + A Manhater + A DARE = TROUBLE (COMPLETED)Where stories live. Discover now