"I was starting to wonder if I pissed you so much ayaw mo na ako papasukin."

Uminom muli si Louisse sa vodka gun niya.

"Bakit nagiinom ka? May pasok pa tayo bukas--este, mamaya pala." Paalala ko sa kanya.

"Sa isang araw na ako papasok. Ayoko rin muna magpakita sa school after what happened." Naupo si Louisse sa sofa.

"Nakausap mo na ba si Leone?"

Umiling siya.

"You should talk to her."

"Galit pa ako. Magpapalamig muna ako."

Naiintindihan ko naman siya pero sana si Leone muna kinausap niya. Pakiramdam ko tuloy masyado na akong nadadawit sa problema nilang dalawa.

"San nakuha ni Leone yung ideya na ligawan ka?"

"Hindi ko rin alam sa kanya,"

"So, hindi mo siya nilalandi kapag wala ako?"

"Bakit ko lalandiin si Leone?" Pagdedepensa ko. "Kaibigan ko siya."

Tumango tango si Louisse. "I'm sorry pala sa pagsampal ko sayo, nadala lang ako sa emosyon ko. Dapat pala si Leone na lang sinampal ko."

"It's fine. Mas malapit din ako eh."

Natawa kami pareho sa sinabi ko.

"Pero seryoso, sorry."

"Ikaw pa lang nakakasampal sa akin--"

Sabay kaming napatingin ni Louisse sa pinto nang may kumatok.

"Baka yung driver ko, ako na." Agad na tumayo si Louisse at sumenyas sa aking manatiling naka upo.

Binuksan ni Louisse yung pinto pero nagulat siya sa nakita niya. Agad naman akong napatayo at tiningnan kung sino yung kumatok.

"I wanted to check kung okay ka lang, hindi ko alam na may bisita ka pala." Mahina ang boses ni Alec. May black eye siya at putok din ang labi niya.

"Anong nangyari sayo?" Agad akong napalapit sa kanya. Kakagaling lang niya ng sakit pero nagawa niyang makipagaway.

"Wala to. Sige na. You look like you're fine." Tumalikod si Alec at nagsimula nang maglakad palayo.

Napatingin ako kay Louisse saglit bago ko hinabol si Alec. Gusto niya siguro ako makausap ng mag-isa. Hindi niya lang inaasahang makita rin si Louisse sa apartment ko.

"Teka lang, anong nangyari sayo?" Napigilan ko si Alec sa tapat ng apartment ko. 

"Wala nga kasi eh," pilit niya.

"Wala ba yang may black eye ka?"

"Isang grupo sila, okay? Pinagtulungan nila ako." Iritang sagot ni Alec. Umiwas siya ng tingin sa akin.

"Isang grupo? Hindi mo ba binibilang kung ilang tao lang kaya mong galitin sa isang gabi? Bakit ba palagi kang naghahamon ng away?"

"Wala akong ginagalit. Naglalakad ako pauwi nung inabangan nila ako."

Natigilan ako. "Naholdup ka?"

"No," umiwas na lang siya ng tingin at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Hinabol ko ulit siya at hinawakan sa braso para mapatigil. "Eh ano lang? Anong nangyari?"

Tiningnan ni Alec yung kamay ko sa braso niya bago niya ito hinawakan para hilahin ako papunta sa kanya. Bago pa ako maka-react ay naramdaman ko na lang yung braso niyang nakayakap sa akin.

Polar OppositesWhere stories live. Discover now