ACKNOWLEDGMENTS

4.5K 431 171
                                    


July 2017 nang madiskubre ko ang Wattpad.

Namangha ako sa dami ng magagandang istorya na aking nakita. Mas namangha na marami ang nagpupunta rito para magbasa ng mga akda, at sila'y aktibo sa pagbibigay ng mga komento at kritiko. May ilan akong screenplays na naisulat na at ito'y isinalin ko sa nobela para i-post, kabilang dito ay "Ang Bayang Naglaho," "Ang Pagaala-Kristo ni Manuel," at "Dugo sa Bughaw."

Pero mayroong istorya na kinatha ko from scratch. Nakita ko na marami ang mahilig sa horror at naisip ko ang premise na what if may bata na ipinanganak sa isang haunted house?

"Ang Batang Ipinanganak sa Haunted House" ay sinumulan kong isulat na hindi ko alam ang mga mangyayari sa gitna ng istorya, alam ko lang ay kung paano ito magtatapos. At ang alam ko lang ay mayroong exorcist, psychic at parapsychologist na nag-team up para imbestigahan ito, at na may mahiwagang artifact. Pinost ko ang set-up ng istorya at ikanga nga'y worked from there. Saka pa lamang nagsulputan ang ibang mga characters tulad ng bishop, mayor at pulis. Saka pa lamang dumagdag ang back story ng human experiments ng Hapon na surgeon. Naka-ilang chapters na'y hindi ko pa rin tiyak kung sino ang dimonyong sumanib sa bata.

Sa ganitong paraan din kung paano ko isinulat ang dalawang sequels. Sa "Ang Dalawang Anino ni Satanas," nauna ko nang naisip ang plot: dalawang kambal na na-possess, pero sino talaga sa kanila ang sinaniban? Alam ko na sa una pa lang na ito'y isang kaso ng twin telepathy. Pero, hindi ko pa naiisip na mapupunta ang istorya sa kuta ng mga Satanista o sa Astral plane. Hindi ko pa naiisip na isama sa istorya ang private detective.

At dito sa "Alagad ng Diyos, Kampon ng Dimonyo," ang tanging lead ko ay ang possession ni Father Markus at na may psychiatrist na kinuha para i-analyze siya. Pinost ko ang istorya bago ko pa naisip ang Trinity of Evil. Bago ko pa naisip na mapupunta ang adventure ng JHS sa Cebu at sa Palawan.

Iyon ang istorya ng trilogy na ito. Kung kayo'y nasabik sa bawat pagdating ng chapters and of course, laging nabibitin, ay ganoon din ako. Ganoon din ang excitement ko na ihatid ang istorya sa inyo. Sabik din ako na malaman ang inyong magiging mga reaksyon. May mga araw na tumagal ang pag-u-update ng nobela, at ito'y sa dahilang at the last moment, ay may naiisip akong twist na ikagaganda ng istorya. Ito'y hindi biro pagka't kailangan kong balikan ang ibang chapters para siguradong konektado ang lahat. Sa tingin ko nama'y nag-succeed ako dito.

Ito ang ikatlo sa trilogy ng JHS. Salamat sa inyong pagsubaybay at suporta. Sa magagandang sinabi n'yo ukol sa istorya. Sa pag-share ninyo ng inyong mga emosyon. Sa pagmamahal ninyo sa mga karakters. Sana'y magkikita-kita tayong muli.

Lubos na nagpapasalamat,

Ang inyong awtor.

Dec. 12

Alagad ng Diyos, Kampon ng DimonyoWhere stories live. Discover now