Chapter 14: The Wheels Are in Motion

3.9K 302 145
                                    

                "Re-forge the cross?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Re-forge the cross?"

"Sorry, Jules, na-carried away lang ako," sabi ni Mayor Arteza.

After ipakita sa kanila ang holy artifact na crucifix na pagmamay-ari di-umano ng 16th century Spanish missionary na si Father Luis Diego San Vitores, ay niyaya sina Jules, Hannah at Father Deng ng mag-asawang Arteza na maghapunan. Ang handa ay iba't-ibang seafood dishes: Inihaw na tuna belly, sinigang na hipon, rellenong bangus, ginataang alimasag at calamares.

Sarap na sarap sila sa pagkain. Hindi magkandamayaw si Father Deng sa mga ulam. Minsan lang daw siyang makakain ng seafood pagka't napakadalang nito sa Rwanda.

"We don't hab mene fish in Rwanda," ani ng pari. "What we hab are Matoke, which es green bananas, and mene potatoes."

"Why? What happened to the fishes?" tanong ni Karen.

"In 2007, Rwanda ran out of fish," mulat ni Father Deng. "We had to import them from Uganda. Dat es why in Rwanda, fish es very expensive! So, mene families don't eat fish!"

Aliw sila sa kuwento ni Father Deng at sa animated way kung paano siya magsalaysay. Laking gulat nila na malaman na ang paborito pala niyang isda ay tilapia.

"Oh, my God! Hindi nga? Really? Tilapia?" sabi ni Hannah na napatigil sa pagbabalat ng hipon at bumaling pa sa katabi, "Jules, alam mo bang tilapia rin ang tawag nila sa tilapia?"

"Tuwang-tuwa ka naman," taas ng kilay ni Jules sabay sipsip sa baked mussel.

"Father Deng, we have something in common!" aliw na sabi ni Mayor Arteza.

Tinaas ng pari ang kanyang hintuturo na tila nagpapangaral.

"You see, mayor, we hab mene things in common," aniya. "We all come from de same parents, Adam en Eve, we all worship de sem God, we all believe in Jesus. And most important reyt now es, we all love our friend Father Markus en we cannot lose hem to de devil. We must help him."

Natahimik ang lahat.

"Amen, father," siryosong tugon ng alkalde, at nag-Amen din ang iba.

At iyo'y naging segue para pag-usapan muli ang pakay nila.

Okay, so iyong sinabi pala ng mayor na "It's time to re-forge the cross," ay isa lamang exaggeration. Gusto lang niyang maging dramatic. Ang tutoo'y simpleng welding lang ang gagawin para ipagdugtong ang dalawang piraso ng nabaling crucifix. Tinanong ni Mayor Arteza ang kanyang bodyguard/driver na si Gerry, better known to Jules and Hannah as "Manong Driver," kung may kilala itong welder na mapagkakatiwalaan. Meron daw, sabi ng driver, at ito'y ang kanyang pinsan na taga-Dinagatan. Bukas na bukas ng umaga raw ay papupuntahin niya ito.

Alagad ng Diyos, Kampon ng DimonyoWhere stories live. Discover now