Chapter 34: The Summoning

3.8K 303 36
                                    

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.


"What is it?" tanong ni Dr. Pontificano. "It's like black tar."

"Parang putik," tingin ni Father Paul.

Nasa itaas sila ng belfry tower at nakatingin sa kulay itim na bagay na bumalot sa kisame nito. Naroon sina Jules, Hannah, Mayor, Duktora, Father Deng, Father Paul at Bishop Israel. Maya-maya'y dumating si Hepe. Tinawagan siya ng obispo para makita rin ito.

"Parang grasa..." sabi naman ni Hepe.

Totally weird, sabi ni Mayor Arteza, pagka't hindi naman umulan ng mga nagdaang araw. Ayon sa matandang maintenance na unang nakakita nito ay wala pa ito last week noong siya'y magpunta. Hindi ito bagay na bigla na lamang naga-accumulate ng ganoong kabilis. Walang dudang lumabas ito around the time na ginagawa nila ang exorcism. 

"So, what es et?" nagtatakang tanong ni Father Deng.

Nagsindi ng yosi si Hannah at bumuga ng usok. May idea siya at si Jules kung ano ito, nakita na nila ito before.

"Tell them, Jules," aniya at bumuga ng usok.

Bumaling si Jules sa obispo.

"Bishop, may sinabi ka noong bumaba tayo sa dungeon, tungkol sa lamig at amoy sunog..."

"Yes," tango ng bishop. "Na napapalapit na ang impiyerno doon."

Tinuro ni Jules ang putik sa kisame.

"That is hell soil," aniya.

Nagulat sila.

"Hell soil?" ulit ni Dr. Pontificano, itinaas pang mga balikat at tumingin sa lahat. "What the hell is hell soil?"

"It means what it means," sagot ni Jules.

"Ibig mong sabihin, Jules," turo ni Mayor sa kisame. "Lupa 'yan na galing sa..."

"Yes, Sonny, nagmamanifest ang impiyerno dito, at ito ang sign niya."

"My God!"

Kinilabutan sila. Nakatitig si Father Paul sa kisame, may naalala siya na parang pamilyar dito.

"Jules, parang 'yung portal nung kay Berta," aniya.

"Oo nga!" realize ni Hannah.

"Yes," confirm ni Jules. "Most probably, isa itong portal."

Nanginig sila nang madinig ang katagang portal. Hindi nila inaasahang may magbabanggit nito. Ang tinutukoy ni Father Paul ay iyong portal na lumabas noong ine-exorcise nila si Berta. Isang butas papuntang ibang dimension na may hanging humihigop paloob. Binuksan iyon ng dimonyong si Berith para kunin ang bata.

Alagad ng Diyos, Kampon ng DimonyoWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu