Chapter 18: Isang Kontrata

3.6K 269 28
                                    

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.


Matapos ang nangyari kay Dr. Pontificano ay nagtungo sa dungeon si Bishop Israel para kumprontahin si Father Markus. Patay ang ilaw sa loob ng selda, nakahiga sa kanyang kama ang pari at natatabunan ng dilim.

"Nasaan na si duktora?" sabi ng mga dimonyo sa katawan ni Father Markus. "Hindi na kinaya? Nag-resign na?"

"No, in fact, she wants to continue," sabi ng obispo. "The woman's very resilient. I'll give her credit for that."

"Then, let her. Pababain mo. I'm really beginning to like her. After all, hindi pa kami tapos."

"Not until you promise not to hurt her," madiin na sabi ni Bishop Israel.

"Sure, I promise," sabi ng pari. "But, remember, I'm not good at keeping promises, alam mo 'yan."

"If you hurt her, I'll have have you in chains, in shackles, blindfolded!" warning ng obispo.

"You'll do that to Father Markus, to your friend?"

Humusto ng tindig si Bishop Israel, "If it's necessary, oo. Iyon din ang sasabihin ni Markus kung nandito siya."

"But, he's here, bishop..."

At bigla, nagbago ang boses ng pari, sa tono na pamilyar sa obispo.

"Bishop..."

Napahakbang palapit si Bishop Israel.

"Markus? Is that you?"

"It's me..."

Tumayo ng kama ang pari at naliwanagan ng ilaw mula sa corridor. Nabahiran ng saya ang mukha ng obispo na marinig ang boses ng kaibigang pari.

"A-are you alright, Markus?" tone of concern mula sa obispo.

"I don't have much time, babalik din sila agad..." sabi ni Father Markus.

Lumapit ang pari sa rehas at inilabas ang kanyang mga kamay at ito'y inabot ni Bishop Israel. Malamig ang mga palad niya.

"Don't worry, Markus, we're doing what we can to help you," sabi ni Bishop Israel.

"Si Jules? Si Hannah? Kumusta sila?"

"They're okay..."

"Nasaan sila?"

"They're..."

Natigilan si Bishop Israel. Hindi siya agad sumagot.

"Nasaan sila, bishop?" anxious lang ang pari.

Napabitaw si Bishop Israel sa kamay ng pari at humakbang paatras. Alam niya, at kanyang sinabi:

Alagad ng Diyos, Kampon ng Dimonyoحيث تعيش القصص. اكتشف الآن