Chapter 19: The Third Artifact

4K 317 43
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"What do you mean pupunta kayong Palawan? Sonny, you better get back here or else!"

Tumaliling ang matining na boses ni Karen kaya't inatras ni Mayor Arteza ang tenga niya sa cellphone. Ganoon na lang ang alma ng kanyang asawa nang sabihin niyang after ng Cebu ay bibiyahe naman sila papunta ng Palawan, kung saan ayon sa alkalde, ay itutuloy nila ang quest para sa ikatlong artifact.

Kasalukuyang nasa plasa sila sa Magallanes Street kung nasaan ang Magellan's Cross, tulad ng ipinangako ni Mayor Arteza na magpupunta sila roon. At ngayon ay hinahangaan na ni Father Deng ang nasabing landmark, although may napansin lang siya.

"Et looks smaller than en de picture," sabi ng pari. Para sa pagbisitang ito, suot niya ang kanyang itim at ngayon ay panay ang papicture kay Hannah.

"O, pose pa, father! Smile!" sabi ni Hannah hawak ang cellphone ng pari.

Nilabas ng pari ang kanyang pearly white teeth.

"O, K-Pop naman, father! Finger heart!" sigaw ni Hannah.

"What es dat, Hennah?"

Samantala:

"Sonny! Are you there?!"

Ibinalik ng mayor ang cellphone sa kanyang tenga na may one inch na pagitan.

"Eh, dear, nandito na rin naman kami sa Cebu, eh 'di mabuti pang tumuloy na kami sa Palawan," mabilis na paliwanag ng alkalde sabay alis ng cellphone sa tenga.

"Nakakalimutan mo ata na kabuwanan ko ngayon!"

"I know," sabi ni Mayor sa cellphone. "Eh, since nasa amin na ang holy water ni Pedro Calungsod, isa na lang mabubuo na ang trinity ng artifacts..."

Nagbago ang boses ni Karen nang marinig iyon.

"Really?" sabi niya, excitedly. "Nakuha n'yo? Anong histura? Genuine? At nandun nga sa libingan ni Gatus?"

"Yes, it's the real thing! We snatched it from the very arms of M. Gatus!" ma-dramang kuwento ni Mayor. "At muntikan pa kaming mahuli ng isang angry mob, with bolos and guns!"

"Buti nakatakas kayo!" gulat na sabi ni Karen sa phone.

"We escaped within an inch of our lives!" dagdag ni Mayor. "Si Jules nga nabaril sa paa, and he lost a toe!"

"Oh, my God!"

Malapit lang si Jules at nagtaka sa narinig.

"Ha? Anong...?" taas ng kilay ni Jules.

Alagad ng Diyos, Kampon ng DimonyoWhere stories live. Discover now