Chapter 12: The First Artifact

3.7K 290 73
                                    

Pasado ala-una nang umalis sila ng Manila, at hapon na sila nakarating sa Quezon Province dahil sa traffic at stop-over sa gasoline station

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pasado ala-una nang umalis sila ng Manila, at hapon na sila nakarating sa Quezon Province dahil sa traffic at stop-over sa gasoline station. Wala namang naiihi sa kanila, hindi rin naman sila gutom, bumili naman na sila ng provisions sa supermarket bago bumiyahe at puno naman ang tangke ng gas ng van, kung bakit kailangan pa rin nila talagang huminto sa gasolinahan sa expressway. Naisip nila ito, at sabi ni Jules, nakasanayan lang ang feeling na kapag mahaba ang biyahe, kailangan ng buwelo.

As usual, after ng stop-over ay nagsipagtulugan na ang mga sakay ni Hannah. Okay lang. Sanay naman ang psychic, in fact, gusto niya ito pagka't nakakapagyosi siya habang nagre-reflect sa life.

Nang makarating ang Hi-ace sa arko ng Daigdigan ay ginising ni Hannah ang mga sakay ng kanyang usual na:

"Gising na mga pare at pari, nandito na tayo."

Medyo nanibago lang siya pagka't nang tumingin siya sa rear view mirror ay si Father Deng ang nakita at hindi si Father Markus. Medyo nalungkot si Hannah dito, at parang naiiyak, at nang humikab si Jules na nasa kanyang tabi sa harapan ay itinago agad ang namumuong luha. May pusong mamon din naman si Hannah, magaling lang siyang magtago ng emosyon sa likod ng mga biro at sigarilyo.

"Gising na sleeping beauty!" sabi niya.

"Sleeping beauty ka diyan," pag-unat ni Jules.

We are here alredeh?" tanong ni Father Deng mula sa likuran.

"Yes, father," sagot ni Hannah.

Pumasok sila bayan ng Daigdigan at nakita ang mga pamilyar na lugar tulad ng Daigdigan Inn kung saan sila nag-stay during exorcism ni Berta, ang batang na-possess ng dimonyong si Berith. After almost 2 years, nabakbak na ang kulay pink na pintura nito, may water stains sa simento at nag-degrade na ang kabuuang hitsura.      

"Look, Jules!" turo ni Hannah. "Paborito mong motel!"

"Of course," sarcastic na remark ni Jules.

Ang hindi lang nagbago sa motel ay naroon pa rin 'yung madaldal na security guard na sloppy kung magdamit. Sablay ang tuck-in ng uniporme at nakalaylay ang utility belt. Natawa sina Hannah at Jules nang makita siya. Gusto sana nilang kawayan at tignan kung natatandaan pa sila, pero naisip nilang huwag na lamang. Nilampasan nila ang bayan proper at nagpatuloy sa mausok na main road na daanan ng mga jeepney at tricycle.

"Text mo na malapit na tayo," sabi ni Hannah.

                                                                                                #

]"Jules! Hannah!"

Ganoon na lang ang tuwa ng kanilang kaibigan na makita sila, at agad itong napatingin sa kasama nilang foreigner na nakasuot na pampari.

"Ah em Father Ndengeyingoma," pakilala ng pari.

"Ndenge...what again?" sabi ng lalaki.

"Father Deng na lang," sabi ni Hannah.

Alagad ng Diyos, Kampon ng DimonyoWhere stories live. Discover now