Chapter 35: Finale

4.1K 347 173
                                    

"We need to secure this place! Walang dapat makalapit sa tower!" sabi ni Bishop Israel kay Hepe

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.


"We need to secure this place! Walang dapat makalapit sa tower!" sabi ni Bishop Israel kay Hepe.

Tumango si Hepe, kinuha ang cellphone niya at nag-dial. Nag-ring at may sumagot.

"Santos!" sabi niya sa phone. "Pumunta ka dito sa Manila Cathedral ngayon na! Magsama ka ng tao!"

Habang kausap ni Hepe ang tauhan niya'y tinignan niya ang nangyayari sa paligid. Nagkakagulo ang mga tao. Nagkalat ang debris nang mawasak ang dome ng tower nang lumabas ang kulay pula na ilaw mula sa itim na ulap at bumulusok pababa. Alam ni Hepe kung saan papunta ang ilaw—sa dungeon kung nasaan si Father Markus. Kita niya sina Bishop Israel, Jules, Hannah at iba pa na tumatakbo patungo ng simbahan.  

Hindi makapaniwala si Hepe sa nangyayari. Isang bagay na iyong siya'y makakita ng taong nasaniban, pero ito, ibang usapan na ito. Ilaw mula sa itim na ulap? Aniya, nangyayari lamang ito sa pelikula.

"Kayo! Lumayo kayo d'yan!" sigaw niya nang makitang may ilang tao na lumalapit sa belfry tower.

Nakita niya ang matandang maintenance na dinadampot ang nasirang relo ng tower. Naiisip nito na paano na ang trabaho niya. Na ano pa ang ime-maintenance niya.

"'Tang!" turo ni Hepe sa kanya. "Lumayo ka na d'yan! Sige na!"

Nagsilapitan ang mga security guards ng Manila Cathedral, hawak ang kanilang mga armas. Pati ang mga panggabing security guards ng katabing mga gusali ay pumaroon na rin. Walo silang lahat na pawang mga nagulantang. Kilala na nila si Hepe.

Tinuro ni Hepe ang entrance ng belfry tower.

"Siguraduhin n'yong walang makakalapit dito."

Nagtanguan ang mga security guards.

"Sir, ano bang nangyayari?" tanong ng isa.

Nakikita naman ng mga sikyo ang mahiwagang itim na ulap at pulang ilaw, pero ang palagay pa rin nila'y:

"Terrorist attack ba, sir?" tanong ng isa naman.

Hindi alam ni Hepe kung paano sasabihin sa kanila na ang kalaban nila'y hindi tagarito sa mundo, kundi mga dimonyo na galing sa Netherworld.

"Basta, 'wag kayong magpapapasok sa tore, okay?" sabi na lang niya. "Parating na ang mga back-up ko."

Pagkasabi'y naglakad si Hepe tungo ng belfry tower habang kinordonan ng mga guwardiya ang lugar.

"Bawal na dito! Atras! Atras pa kayo!" sabi ng mga sikyo sa mga naguusisa.

Nang pumasok si Hepe sa loob ng belfry tower ay sinalubong siya ng malakas na hangin. Nakita niya ang pulang ilaw na nanggagaling sa itaas. Hindi ito ordinaryong ilaw. Para siyang energy na bumubulusok pababa. Nang makalapit ay nakita niyang may dinadalang putik ang ilaw—putik na nakita nila kanina dito, ang hell soil. At may butas sa sahig na nawarak kung saan dumadaloy ang ilaw. Sumilip si Hepe sa butas pero hindi niya maaninag ang ibaba, ine-expect niyang makita ang dungeon mula roon.

Alagad ng Diyos, Kampon ng DimonyoWo Geschichten leben. Entdecke jetzt