Chapter 13: The Possessed and the Psychiatrist

3.6K 287 24
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Mag-aalas dose na ng gabi ay gising pa si Dr. Pilar Pontificano.

Nang umalis si Father Deng para sumama kina Jules at Hannah papunta sa Daigdigan, Quezon ay doon sa townhouse ng Aprikanong pari pinag-stay ang psychiatrist pansamantala.

Sa bedroom, nakaupo ang duktora sa kama suot ay t-shirt at pajamas na pangibaba. Nakabagsak ang mahaba niyang buhok, suot ay reading glasses. Sa paligid ng kama, nagkalat ang mga papel, pictures at articles sa laptop na kanyang binabasa. Patay ang ilaw ng kuwarto maliban sa table lamp, at naka-on na TV, na mahina lang ang sound. Late news channel.

Nag-ring ang kanyang cellphone. Tinignan ng duktora ang caller ID at siya'y napabuntong-hininga. Nagdadalawang-isip siya na sagutin ito at napilitan lamang.

"Roger..." sagot ni Dr. Pontificano.

"Pi..." sabi ng lalaki.

"Ano 'yon, Roger?"

"Nangungumusta lang," sabi nung Roger, mabait ang boses or nagbabait-baitan lamang. "May ginagawa ka ba?"

Tinignan ng duktora ang nagkalat na papel sa kama.

"Actually, oo, I'm busy," may taray na sa tono ng duktora.

"Usap naman tayo o, sige na."

"Tungkol saan?"

"Tungkol sa atin," mabilis na sabi ni Roger.

Napabuntong-hininga muli si Dr. Pontificano at pinarinig pa niya ito sa kausap, para sure na ma-gets na wala siya sa mood makipag-usap. Sa tutoo lang, wala na silang dapat pag-usapan pa. Lagpas na ng isang taon na siya'y hiwalay kay Roger na dati niyang asawa. Divorced. Mabuti na lamang at sa ibang bansa sila nagpakasal kaya't naging mabilis ang proseso.

"Please, Roger," pakiusap niya. "Tapos na tayo. It's over. Nag-move on na ako..."

"Pero, ako hindi pa," singit ni Roger, nawala nang mabait na boses. "Mahal pa rin kita, Pi."

"Pi," as in "pizza pie." Pet name ni Roger sa kanya. Para sa duktora, hindi na nga dapat siya tinatawag na ganoon. Awkward na.

"Please lang, Roger, 'wag na nating pahirapan ang isa't-isa. May mga sarili na tayong buhay."

Mapilit ang Roger, as if hindi niya narinig ang mga iyon.

"Pwede ba tayong magkita?"

"Roger..."

"Sige na, Pi, last time na. Gusto lang kita makausap para makapagpaalam ng mabuti," pagmamakaawa ng lalaki.

Makapagpaalam ng mabuti? What the fuck is that? Legal term ba iyon? Naiinis na naisip ng duktora. Alam niyang this is far from being the last time. Kilala niya si Roger. Kapag nagkita sila'y masusundan pa iyon ng isa pa, at ng isa pa, at ng isa pa. Modus operandi ito ng mga desperadong lalaki. Para saan pa siya naging psychiatrist, kundi niya alam ito. Pero, para matapos na lang ang usapan ay um-oo na lang siya.

Alagad ng Diyos, Kampon ng DimonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon