Chapter 25: The Wrath of Belial

3.9K 296 73
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"May ideya po ba kayo kung bakit pinagtangkaan ang inyong buhay?"

Kaharap ni Bishop Israel ang hepe sa kuwarto nito sa himpilan ng pulisya. Inimbitahan siya ng pulis para mabigyan ng karagdagang linaw ang pagpapakamatay ni Roger at ang assassination attempt nito. 

"Like I told you," ani ng obispo. "I have no idea. Hindi ko kilala personally ang assailant..."

"Bukod sa dati siyang asawa ni Dr. Pontificano," tukoy ng hepe at binasa ang papel na nasa ibabaw ng kanyang mesa. "Dr. Pontificano na currently ay employed ng inyong office..."

May edad na si Hepe. 52 years old, puti na ang buhok sa tagiliran. Isang beterano at experienced na pulis na halos 30 years na sa serbisyo. Kalmado magsalita pero straightforward, sa pagtatanong at sa pag-iisip. Tuwid, honest—ito ang immediate impression sa kanya ng obispo kaya na rin pinaunlakan niya ang imbitasyon nito. Pinakitaan din naman ni Hepe ng kaukulang galang ang bishop, thus, the "po," alam niyang mataas itong pinuno ng simbahan at kung maaari'y hindi na niya ito aabalahin pa nguni't kailangan lang talaga niyang sundin ang tamang protocol.

"Ano po ba ang trabahong ginagawa ni Dr. Pontificano sa simbahan?" tanong ng hepe, ready na isulat ang sasabihin ng kausap.

"Dr. Pontificano is a licensed psychiatrist," sagot ni bishop. "She was hired to make some evaluation ang psychoanalysis."

Kumunot noo ng hepe sa sinabi.

"Psycho..." in-attempt niyang isulat ang term pero hindi na lang itinuloy.

Dalawa lamang sila sa kuwarto, magkaharap sa malaking desk. May flag ng bansa sa wall at litrato ng presidente. Dahil high-profile ang kaso, ay si hepe na mismo ang gumagawa ng report. Dinig nila ang ingay sa labas, busy sa himpilan.             

"Hindi po malinaw ang motibo ni Roger," sabi ni Hepe. "Wala rin kaming nakikitang maaaring koneksyon ang simbahan sa mga aktibidad niya. Ang alam lang namin ay gusto niyang makipagbalikan kay duktora ayon na rin sa salaysay. Maaaring isa itong tinatawag na "crime of passion." Maaaring si duktora talaga ang pakay niya. Maaring siya talaga ang sinusundan ng biktima. Nagkataon na bisita n'yo ang duktora nang mangyari ang insidente."

"Yes, most probably," tango ni Bishop Israel.

"Ang concern po namin ay ang safety n'yo, bishop," sabi ni Hepe. "Kung gusto n'yo ay bibigyan namin kayo ng security...bodyguard..."

"No, it's not necessary, hindi na kailangan," winagayway ng obispo ang kanyang kamay.

"Sure po ba kayo?"

"Yes, I am sure," firm ang obispo. "After all, the killer is dead, right? And we both believe he was acting alone."

Tumango ang hepe. Pero may hindi pa rin siya mawari. Ang tutoo'y hindi pa siya kuntento sa conclusion ng report. Pero, mukhang it is what it is. Binaba niya ang kanyang bolpen, sinara ang folder na naglalaman ng mga papel at nagpasalamat sa bishop sa pagpunta nito. Tumayo sila at nagkamay. Binigay ni Hepe ang kanyang calling card at sinabi na kung may kailangan ang obispo'y huwag magatubiling tumawag.

Alagad ng Diyos, Kampon ng DimonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon