Chapter 17: Tawaga ang Pulis!

3.3K 279 101
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Alas-osto nang bumalik sila sa simenteryo. Sinigurado nilang madilim para walang makakita sa kanila. Sa daan paakyat ng bundok, wala ang mga batang nakausap nila. Tahimik ang lugar. Ang pinakamalapit na bahay na nakikita ay mukhang nagpapahinga na ang mga naninirahan doon.

"Perfect," sabi ni Mayor.

Binuksan ni Bruce ang likuran ng FX at inilabas nilang mga pala. Isa kay Mayor, isa kay Jules, nguni't nang inaabutan na si Father Deng ay tumanggi ito.

"What's the matter, father?" pagtataka ng alkalde.

"Grave robbing, it's bad juju," ani ng pari, lumaking mga mata.

"Let's go, father!" aya ni Hannah.

"You're suppose to bless the grave, remember?" paalala ni Jules.

Nguni't firm ang Aprikanong pari sa kanyang desisyon at winagayway ang kanyang mga palad, at paulit-ulit niyang sinabi na it's bad juju, it's bad juju.

"Okay, ikaw na lang sumama, Bruce," baling ni mayor sa driver.

"Oki, bay, no problem," ganado naman ang driver.

"Father, you just stay here, okay?" sabi ni Mayor sa pari.

"It's bad juju, it's bad juju."

"Yes, yes, we know," tango ni Mayor.

Mula sa kanyang malaking bag ay kinuha ng alkalde ang apat na flashlight at iniwan ang isa kay Father Deng.

"Okay, let's go, people!" hudyat ni Mayor.

#

Madilim ang trail paakyat ng bundok pagka't matataas ang mga puno. May ilang beses na nagulat si Jules nang may marinig na parang kaluskos sa damuhan. Ahas? Tuko? Panay naman ang tabi ni Bruce kay Hannah, at nakikipag-flirt ang binata.

"Pila imong idad, miss?" tanong niya habang sila'y naglalakad.

"Ano daw?" tanong ni Hannah.

"Ilang taon ka na daw," sabi ni Jules.

"28 na ko, boi," sabi ng psychic sa driver. "Masyado kang bata para sa akin."

"Mag-20 na ba ko sa January," sabi ni Bruce.

"Whatever," pagtaray ni Hannah.

Pagdating nila sa simenteryo ay naliliwanagan ito ng bilog na buwan, malalaki ang anino na ginagawa ng mga puno sa lupa. Agad silang nagtungo sa puno ng mangga kung saan nakalibing si Gatus.

Alagad ng Diyos, Kampon ng DimonyoWhere stories live. Discover now