Prologue

6.7K 402 185
                                    

Basa ang simento nang bumaba ang babae mula sa kanyang 2008 Nissan Sentra na kulay gray

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Basa ang simento nang bumaba ang babae mula sa kanyang 2008 Nissan Sentra na kulay gray. May mga maliliit na pool ng tubig sa parking lot ng Manila Cathedral na sumasalamin sa makulimlim na kalangitan. Katatapos pa lang ng ulan nguni't tila nakahilera na ang mga ulap sa langit para sa panibagong pagbuhos. Tinatakluban nila ang sikat ng araw kaya't alas-otso y medya pa lang ng umaga ay parang dapit-hapon na.

Iniwasan ng babae na hindi mapaapak sa tubig sa kanyang paglalakad tungo sa simbahan. Ang kanyang high heels ay tunog takatak sa kulay alikabok na simento. Pormal ang kanyang kasuotan. Light blue na long sleeves na may itim na blazer sa ibabaw, brown na slacks, at hawak niyang brown leather na briefcase. Nang malapit na sa entrance ay in-adjust ng babae ang salamin sa kanyang mata at siniguradong ayos ang kanyang buhok na nakatali. Importanteng tao ang sadya niya sa Manila Cathedral, kailangan niyang magpa-impress.

Binati siya ng lalaking sekretarya na naka-barong at pinaghintay sa lobby. Habang naroon ay pinagmasdan ng babae ang eleganteng interior. Ang barnisadong kahoy at mataas na kisame. Dama niya ang pagiging-solemn ng lugar. Ang kabanalan ng bahay ng Diyos. Hindi pa niya sagad na na-aabsorb ang feeling nang bumalik ang sekretarya.

"Ma'm, the bishop will see you now."

Agad na tumayo ang babae at sinundan ang sekretarya tungo sa mahabang hallway. Muli, ang high heel shoes niya ay malakas na takatak sa floor tile kaya't para siyang nahiya at iningatan ang bawat hakbang. May mga lumang paintings sa hallway na kanilang dinaanan, mga litrato ng mga, sa palagay niya, mga yumaong alagad ng Diyos. Nakarating sila sa dulo ng hallway kung saan binuksan ng sekretarya ang isang pintuan at doon sinenyasan ang babae na pumasok.

"Good morning, Ms. Pontificano."

Hindi inaasahan ni Dr. Pilar Pontificano, isang psychiatrist, na ang sasalubong sa kanya ay isang 60-something na matangkad na kastiloy na obispong nakasutang puti. Sa estima niya, mga 6 hanggang 6 foot 2 ito. Matangos ang ilong, ang puting buhok sa tagiliran ng ulo'y nagpapa-regal dito. Nanliit ang duktora na 5 feet 4 inches lamang...kasama na ang high heels.

"Bishop Israel..." bati niya at sila'y nagkamay.

"Please, have a seat," alok ng obispo.

Naupo ang duktora sa naghihintay na wooden chair sa tabi ng malaking office table na gawa sa mahogany. Dinaanan niya ng tingin ang loob at nakitang napapalibutan ito ng mga libro. Dalawang malalaking bookcases ang puno ng mga hard-bound books. Palabasa ang bishop, wari niya.

"How was your trip? You must be tired," tanong ni Bishop Israel habang naupo sa tapat ng duktora.

"The trip was fine, your excellency," ngiti ni Dr. Pontificano.

Ngumiti rin ang bishop pagka't alam ng duktora kung paano siya iproperly address...just as he expected. Alam niya ang kalidad ng duktora at habang inofferan niya ito ng tea na nakahanda na sa mesa ay kinuha niyang CV nito mula sa cabinet.

Alagad ng Diyos, Kampon ng DimonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon