Chapter 27: ...Tatlo sa Diyos

3.6K 310 84
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Sharks?! Perfect Storm?! And you expect me to believe that?!"

Nilayo ni Mayor Arteza ang cellphone sa kanyang tenga sa malakas na boses ni Karen. Kinaumagahan, matapos nilang magalmusal ay tinawagan niya ang asawa upang magreport. Naka-shades ang alkalde at suot ay swimming shorts at kasalukuyang nasa beach sila ng marina para makapag-swimming bago bumiyahe pabalik na ng Manila, and from there, to Quezon Province. Kasama ni Mayor na nakaupo sa beach chairs na nagre-relax sina Jules, Jean-Pierre at Vic na naaaliw sa nangyayaring usapan sa telepono.

""Yun ang tutoo, dear," sabi ni Mayor sa phone at nag-ready sa bulyaw ng asawa.

"Sonny, you better be telling the truth! Honestly, 'yung sinabi mong nabaril si Jules sa paa and he lost a toe, medyo duda ako dun!"

"Well, about that, I actually made that up..."

"What?!"

"Baka kasi hindi ka pumayag..."

"Sonny! You better get back here right now or else!"

Malakas ang boses ni Karen sa cellphone at dinig ito ng iba. Sumenyas si Jean-Pierre sa alkalde na ibigay nito ang cellphone sa kanya.

"Bonjour! Karen!" bati ni Jean-Pierre sa phone.

"Jean-Pierre?"

"Oui! C'est moi!" sabi ng Pranses. "Comment ca va?"

"Ca va bien," sagot ni Karen, nagulat na marinig ang boses ni Jean-Pierre. "How is Tulsa?"

"She is okay," ani ni Jean-Pierre.

"Jean-Pierre, is Sonny telling the truth?" tanong agad ni Karen.

Tumango ang Pranses, at nagthumbs-up kay Mayor.

"Oui. That is what has happened. Sharks and very big storm. Hannah nearly drowned."

"Oh, my God!" bulalas ni Karen. "Is she alright?"

"Oui, she is alright," aniya. "All this trouble for an old piece of metal, yes?"

"The artifact?" na-excite si Karen, mood swings lang ang buntis. "You have the artifact?!"

"Oui, oui," tango ni Jean-Pierre at ibinalik kay Mayor ang cellphone.

"Hello, dear?" sabi ni Mayor.

"Oh, my God, Sonny!" exclaim ni Karen. "Nakuha n'yo ang spearhead? Ba't 'di mo sinabi kaagad? Ano, tutoo ba? Genuine ba?"

Kinonfirm ito ng alkalde, at kinuwento pa niya na ginamit ni Tulsa ang spearhead para labanan ang mga pating. Sa sobrang saya sa balita ay napa-ire tuloy ang buntis. Naalarma si Mayor Arteza, pero, okay lang naman daw siya sabi ni Karen. Masaya rin lang daw ata yung baby kaya nanipa. At sinabi ni Mayor na pauwi na rin sila mamayang hapon, 1:40PM ang flight nila pabalik ng Manila. Pagkatapos, ay nagpaalam na si Mayor sa asawa.

Alagad ng Diyos, Kampon ng DimonyoWhere stories live. Discover now