Chapter 6: They're Cooming!

3.5K 280 32
                                    

"They're cooming? Who are cooming?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"They're cooming? Who are cooming?"

Nanlaki mata ni Father Deng nang ipaliwanag sa kanya ang naging takbo ng séance. Parating na sila, ang mensahe ng multo ng matanda at ng bata. At ito ang gustong malaman ng JHS. Nasa townhouse naman sila ni Father Deng ngayon, kung saan sila inanyayahan ng Aprikano para magpahinga, gather their thoughts...at matikman ang masarap niyang kape. Naupo sila sa dining table.

"How es de coffee?" ngiti ni Father Deng. "Not too strong?"

"Perfect!" sabi ni Jules, nag-agree rin sina Hannah at Father Markus.

Masarap ang kape, pero ang isipan nila'y nasa kakatapos pa lamang na séance.

"Tingin mo, Jules?" tanong ni Hannah. "Sino ang paparating?"

"Your guess is as good as mine," sabi ni Jules at nagsip ng coffee.

"May iba pa bang sinabi sa iyo ang mga multo, Hannah?" tanong ni Father Markus.

"Ito ang vibe ko..." sabi ng psychic. "Hindi sila nagpapakita para manakot. Actually, may something na tumatakot sa kanila. At 'yung sinabi ng matanda na "Umalis ka dito?"...isa 'yung warning."

"At ang tumatakot sa kanila ay 'yung paparating," intindi ni Jules.

"Exactly!" sabi ni Hannah.

"Which brings us back to the question, who is coming?" sabi ni Jules.

"Demons!" sabi ni Father Deng at nilakihan ang kanyang mga mata, puting-puti sa kanyang maitim na balat. Ikinagulat nila ito. Muntik pang matapon ang kape ni Hannah.

"Demons?" taas ng kilay ni Jules.

"Who els will scer de ghosts?" paliwanag ni Father Deng, at nilakihan muli ang kanyang mga mata, at may turo pa, "Demons are cooming!"

"Don't do that, please," sabi ni Hannah. Hindi siya takot sa multo, pero, nakaka-bother lang talaga ang isang itim na itim na Aprikano na nilalakihan ang mga mata.

"Well, we're not sure yet, father," sabi ni Jules kay Father Deng.

Biglang sumingit si Father Markus.

"Actually, Jules, tama si Father Deng."

Napababa sila ng mga hawak na kape. At kinuwento ni Father Markus ang nangyari sa kanya noong nasa bahay siya ni Bishop Israel—ang vision niya, ang nakitang mukha ng dimonyo. Dalawang beses pa itong nangyari. Pangalawa iyong mukha sa kape. Pangatlo, iyong paggising niya ng madaling araw na mabigat ang dibdib at pinagpapawisan. Iyon pala'y sa dahilang ang panaginip niya'y mukha rin pala ng dimonyo.

"Fuck lang," sabi ni Hannah, umiiling.

Sasabihan sana ni Father Markus si Hannah to watch her language, lalo na't may isa pang pari ang naroon, pero, hindi na niya tinuloy. Naisip ni Father Markus, na yes, fuck nga lang talaga ang nangyayari. Kung pwede lang, sasabihin din niya ito.

Alagad ng Diyos, Kampon ng DimonyoWhere stories live. Discover now