Chapter 29: Matakot Kayo sa Galit na Dimonyo

3.9K 289 58
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Maitim na mga kamay na nakahawak sa makapal na lubid. Naglalakihang mga ugat na para bang sa puno. Hila-hila ng matandang lalaking magsasaka ang kanyang kalabaw patawid ng aspaltong provincial highway. Pauwi na siya matapos pakainin ang hayop sa malagong damuhan malapit sa sapa kung saan hinayaan niya rin itong magbabad ng ilang oras. Siya man ay nangangailangan na ring magbuhos, at iyon ang nasa isipan niya patungo ng bahay, nangangati nang makatakas sa init ng araw.

Diyoskopo, kagabi lang ay umulan, ngayon nama'y sukdulan ng init, aniya.

Madalang ang mga sasakyan sa oras na ito, marahil marami'y ayaw bumiyahe sa kasumpa-sumpa at nakadedeliryong init. Well, maliban sa isang Toyota Hi-ace na natanaw ng magsasaka na paparating. Imbes na bilisan, siya at kanyang kalabaw ay nanatili sa kanilang normal na paglalakad. May yabang ang magsasaka, nasa utak na siya ay may karapatan rin sa kalsada.

Nguni't, sa kanyang pagtataka, hindi ata bumabagal ang Hi-ace.

                                                                                                #

"Well, we should be in Manila by 5PM."

Tinignan ni Mayor Arteza ang kanyang relo sa pagestima ng biyahe nila. Pasado alas dos na sila nakaalis ng Daigdigan gawa ng may mga inasikaso pa ang alkalde sa munisipiyo, mga bagay na naiwan niya nang mag-leave of absence siya para magpa-"check-up"-kuno sa Manila na ang tutuo'y para mag-hanap talaga ng mga artifacts sa Cebu at Palawan. Mainit, pero pabor sa kanila pagka't nasa likuran nila ang araw. Nasa number 3 ang lakas ng aircon.

Katabi ni Mayor sa gitna ng Hi-ace si Father Deng habang si Father Paul ay nasa pinakalikurang upuan. Sa harap, as usual, si Jules at si Hannah na nagmamaneho. Suot ang kanyang Ray-ban, masaya ang psychic na mahawakang muli ang manibela ng kanyang van, na-miss niya ito at ang magpatugtog sa kanyang car stereo. Scar Tissue ng Red Hot Chili Peppers. Feel niya ang tanawin ng mahabang provincial highway na pulos malawak na rice field ang nakikita. Parang sa video lang kaya't napapasabay si Hannah sa pagkanta.

Scar tissue that I wish you saw
Sarcastic mister know-it-all
Close your eyes and I'll kiss you 'cause
With the birds I'll share

Nahawa na rin si Jules at napakanta na rin.

With the birds I'll share this lonely view.
With the birds I'll share this lonely view..

At habang nagsi-sing-along ay nagkakatinginan pa sila. Sweet glances lang.

"Jules! Look!" biglang turo ni Hannah.

Sinundan nila ang tingin ni Hannah at nakitang tinuro pala niya'y isang scarecrow—nasa kalagitnaan ng palayan, gawa sa dayami at dinamitan, nakakabit sa tungkod na kahoy na tinusok sa lupa.

"In Rwanda, we oolso have scarecrows," ngiti ni Father Deng although pumupungay ang mga mata sa antok.

"Jules, ano bang scarecrow sa Tagalog?" tanong ni Hannah.

Alagad ng Diyos, Kampon ng DimonyoWhere stories live. Discover now