Chapter 33: The Battle Begins

4.1K 294 63
                                    

                Para mabigyang kontexto ang bagay na ukol sa exorcism:

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Para mabigyang kontexto ang bagay na ukol sa exorcism:

500,000: Ang numero ng exorcism related-cases na nare-report every year sa Italy, nangunguna ang bansang ito sa buong mundo.

250: Ang numero ng mga pari na nagtre-train ng exorcism courses sa Vatican, Rome, Italy taon-taon.

67: Ang numero ng exorcism sessions na ginawa sa 23-year old na Aleman na si Annaleise Michael sa loob ng sampung buwan from 1975-1976. Namatay si Michel dulot ng malnourishment at dehydration at kinasuhan ang mga paring nagperform ng exorcism. Si Michel ang basehan ng 2005 na pelikulang The Exorcism of Emily Rose.

60: Ang numero ng exorcism na pinerform ng leading American exorcist na si Father Gary Thomas sa loob ng sampung taon. Ang buhay ni Fr. Thomas ang basehan ng 2011 na pelikulang The Rite na pinagbidahan ni Sir Anthony Hopkins.

50: Ang numero ng official priest-exorcist sa U.S. as of September 2016.

23: Ang numero ng araw na itinigal sa pag-exorcise kay Emma Schmidt noong 1928, ng Catholic priest na si Fr. Theopilus Reisinger. Isa ito sa mga sikat na kaso ng exorcism. Dalawa sa mga dimonyong sumanib kay Schmidt ay sina Beelzebub at Lucifer.

3: Ang numero ng exorcism na pinerform ni Pope John Paul II sa Vatican, sa mga taong 1978, 1982, at 2013—kung saan ang nasaniban ay isang 19-year old na babae. Ayon kay Father Amorth, ang chief exorcist ng Rome, kinutya pa ng dimonyo ang mahal na papa at sinabing "Not even your church head can send me away."

1: Ang numero ng reported case na ang pinosses ay isang pari.

#

Pinindot ni Mayor Arteza ang record button ng kanyang videocam at kanya itong itinutok kay Bishop Israel. Nag-thumbs up siya bilang senyas na siya'y nagre-record na bago nagsalita si bishop.

"Today we are going to perform a full exorcism of Father Sebastiano Markus," sabi ni bishop. "The time is 3:00 PM, Saturday."

Nakatayo si Bishop Israel sa loob ng kanyang opisina, sa may harap lamang ng kanyang desk, at nang-mag-zoom out ang lens ay na-reveal na nasa kanyang magkabila sina Father Deng at Father Paul. Tina-tower over ng Kastiloy na obispo ang dalawang pari na halos hanggang balikat lamang ang taas sa kanya. Naka-full vestments ang tatlo, kulay itim na robe na may white clerical collar, at kulay purple na stole.

"I will be assisted by Father Kayumba Ndengeyingoma and Father Paul Suarez," patuloy ng obispo. "And we will be using three blessed Roman Catholic artifacts in conjunction with the rite of exorcism. Ritus Exorciza Obsessos a Daemonio, based on the original texts of 1614."

Alagad ng Diyos, Kampon ng DimonyoOnde histórias criam vida. Descubra agora