Chapter 13 - Party in the House

6.7K 263 7
                                    

Joshua's PoV

Akala ko ba tutulungan ako ni Clarence na magluto ng pagkain, pero bakit ganun? Ako lang ang nagluluto at nandoon siya sa sofa kasama si Gian at nakikipaglandian? Paki-explain naman.

Nanonood sila ng Pokemon, kasi si Gian pala ay addicted sa laro at palabas, kaya kumpleto niya ang set ng Pokemon Series.

Natapos na akong magluto, tutal madali naman magprito ng manok, ilagay mo lang sa breadings at pritohin, okay na. Yung carbonara naman yung ihahalo mo nalang yung noodle, kaya madali rin lutuin.

Tatawagin ko na sana sila,  pero habang nagluluto ako, yung ingay at harutan nila kanina, nawala, bigla silang tumahimik.

Papunta na ako sa sala at bigla akong nagulat sa view na nag-aabang sa akin...

Si Gian tulog, na nakapatong ang ulo sa balikat ni Clarence na tulog din at nakapatong ang ulo sa ulo ni Gian.

KALMA LANG JOSHUA...KALMA LANG

Lumapit na ako sa kanila pero hindi nagpapahalat ng selos...

"Uy gising na, luto na yung hapunan natin" sabi ko habang ginigising si Gian.

"Hmmmmmm" tugon naman nito habang kinukuskos ang mata, grabe ang cute niya talaga kaya hindi ko matiis ang lokong ito eh.

"Clarence, gising na" at biglang nagising naman si Clarence

Tahimik naman ang dinner, bago kami kumain ay nakaupo kami habang ako ay naghahain ng plato at kutsara, bangag pa ang dalawa eh.

Nagseselos at naiinis ako sa kanila pero hindi ko pinapahalat.

Nakaupo na kami sa table, maliit lang naman yung table nila Gian.

Magkatabi kami ni Gian habang si Clarence ay nasa tapat namin.

"Kain na!" sabi ko at kinagatan ang manok, maayos naman ang laso, edible naman or kaya puwede na.

"ANG SARAP!" biglang sabi ni Gian

Yinakap niya ako at sinabing "Akala ko hindi ka marunong magluto, at naghanda na ako ng pera para magpadeliver, pero ang sarap, sana ikaw nalang cook ko!" sabi ni Gian habang yinayakap ako.

Para namang nagulat si Clarence sa kanyang nakikita, ako rin hindi makapaniwala, pero nung narealize ko na ang nangyayari, tumingin ako kahit papaano kay Clarence at nagbigay ng "Ako ang nagwagi" look, natatawa ako kasi naiinggit ako kanina pero just like that, the tables were turned.

Natutuwa ako kasi si GIan, nakita ko na kung paano kumain, at halata ngayon na super ganado siya sa kanyang kinakain. Alam ko na hindi ako ang best chef sa mundo, pero kung mapapaligaya ko si Gian dahil sa pagluluto ko, willing na ako maging cook para lang sa kanya.

Nung gabi na iyon, umulan ng malakas at napansin ko na ang lakas talaga, nang tiningnan ko ang labas, binabaha na pala kami, pero buti nalang medyo mataas itong bahay ni Gian, kaya hindi kami pinasok ng tubig.

"Uy baha na pala" sabi ni Clarence.

"Oo nga eh" tugon ko naman.

"Uy guys kakasabi lang sa news, suspended daw clase natin, sinuspend ng mayor" sabi ni GIan.

"Kaso paano ako makakauwi niyan" sabi ni Clarence, alam ko namang natutuwa siya at fake lang yung gusto niyang pag-uwi.

"Eh di dito nalang kayo matulog, tutal naman Friday na bukas at wala ng pasok kinabukasan kasi weekends" sabi naman Gian. "Pero magpaalam muna kayo" pahabol nito.

"Saan kami matutulog" tanong ni Clarence

"Nakalock kasi yung kwarto ni Mama at Papa, pero may comforter akong matress na pang-isahan lang, yung isa nalang sa kama, o gusto niyo tabi nalang kayong dalawa" sabi ni Gian.

"Tabi nalang tayo!" sabi ko na walang hesitation.

"S-sige" sabi ni Gian.

"Okay lang ba yun sayo Clarence?" tanong ko kay Clarence.

"O-okay naman" sabi ni Clarence

Ano ba ako, ano na ang nangyayari sa akin? Nagiging possessive na ako kay Gian!

A.N.

So ayun, chapter 13 is here na hahaahahah! Vote and subscribe ! <3 thanks

Mr. Popular and Mr. Nerd (boyxboy)Where stories live. Discover now