Chapter 6 - Finding You

9.4K 329 20
                                    

Gian's PoV

"Tayo na!" sabi ni Clarence, pupunta na kasi kami sa bahay niya.

"Sige!"  sabi ko naman dito.

At ayun, naglakad kami ng ilang minuto at pumunta sa isang building, dito siguro nakatira si Clarence. Sumakay kami sa elevator at umakyat sa 26th floor. Naglakad kami at tumigil sa isang pinto, ito na siguro yung unit nila. Nilagay niya yung parang password at ito ay bumukas, nang nangyari yun, namangha talaga ako kasi ang moderno palang ng mga condo ngayon.

"Oh, Clarence nandito ka na pala!" sabi ng isang babae, I pressume na nanay nito ni Clarence.

"Mama, eto pala yung kaibigan ko, si Gian!" sabi naman nito at tumingin sa akin.

"Good afternoon po ma'am!" sabi ko sa tonong halatang nahihiya.

"Ay nako, tita nalang! Tita Ellen" sabi naman nito sa akin. "Ang cute cute mo pala, alam mo itong anak ko hindi ito palakaibigan, napakamahiyain! Kaya natuwa ako nung sinabi niyang isasama ka niya sa bahay." patuloy nito.

"Sige mama, doon muna kami sa kwarto ko" sabi ni Clarence.

"Sige, magluluto muna ako ng merienda niyo" sabi naman ni Tita Ellen.

Pumasok kami sa isang kwarto, at ito ay simple lamang, walang decorations, pero sa ibabaw na bookshelf niya, maraming mga Pokemon na action figures.

"Mahilig ka ba sa Pokemon?" tanong ko dito,

"Ah, oo nakakahiya nga eh, tanda ko na eh" sabi naman nito.

"Ano ka! Ako nga kahit ngayon naglalaro pa rin ng Pokemon sa emulator, hindi ko na nga lang kilala yung mga bagong Pokemon" sabi ko dito.

"Ako kasi nung bata ako, binigay sa akin na regalo ng magulang ko ay gameboy advance, yung palapad pa, at ang kasamang bala na libre nun ay Pokemon Sapphire!" sabi naman nito na parang bata.

"Ako naman may gameboy din, yung parang sa iyo, yung sakin yung maraming laro, at isa na dun ang Pokemon kaya natuwa ako, kasi maganda pala yung laro"

"Alam mo special ang Pokemon sa akin kasi nung year din na yun nung iniwan kami ng tatay ko para sa ibang babae, simula noon parang Pokemon lang ang tinatakbuhan ko para makawala sa problema." sinabi nito. "Though, full support pa rin siya in terms of financial needs, nalulungkot pa rin ako, kaya siguro yung effect is naging loner ako" sabi naman nito sa akin.

"Alam mo dati, lagi ako kasing top sa klase kaya marami ang inggit sa akin, kaya madalas ay binubully nila ako kapag ayaw ko sila tulungan sa kanilang assignments, though may kaibigan ako dun, hindi ko sila macoconsider na friends till the end, kaya alam mo natuwa ako nung na-meet kita, kasi kahit papaano, alam kong may kasama ako dito" sabi ko naman.

"Talaga?! ako ang pinaka best friend mo?" sabi nito na parang nagulat at natuwa.

"Naman!" sabi ko tapos naka two thumbs up at nakangiti ng sobrang laki.

"Walang iwanan ah!" sabi nito sa akin at sabay yinakap ako nito ng mahigpit.

"OO" sabi ko. "Uhhhm Clarence, h-hindi na a-ako makahinga".

"Ay sorry!" sabi nito na parang napahiya.

"Wag ka nang maging malungkot ah, sayang ang pagkapogi mo" sabi ko at pinisil pisngi nito.

"Ta-talaga? Pogi ako" tanong nito na biglang namula.

"OO NAMAN!" sabi ko at mas pinisil ang kanyang pisngi "Parang ako lang" sabi ko naman ng pabiro.

"Weh?" sabi nito ng nakataas ang kilay.

"Bahala ka diyan" sabi ko at humiga ako kanyang kama.

Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako, naramdaman ko lang na medyo may malay ako at may dumampi sa pisngi ko na parang mga labi, pero baka panaginip lang, ewan.

Clarence's PoV

"Ang mundo ko ay isang mundong puno ng lungkot at kadilimani, pero nang dumating ka sa buhay ko, ikaw ang nagbigay sa akin ng liwanag, para ngumiti at maging masaya." sabi ko kay Gian habang tulog.

Sumimple ako ng halik sa kanyang pisngi, kung alam niya lang ang selos na naramdaman ko nang hinalikan siya ni Joshua sa harapan ng klase, at nang sinabi nito na sila na, tila ang puso ko ay napunit sa isang libong piraso.

"Hayaan mo akong mahalin ka na hindi alam, na umasa na magiging tayo balang araw, at na hangarin na mahalin mo ako sa pagdating na panahon" sabi ko sa isip ko.

Na love at first sight ako sa kanya, at bagama't kaibigan ang turing niya sa akin, at least napalapit ako sa kanya.

Gian's PoV

"Uy gising na! Kakain na tayo" sabi sakin ni Clarence

"Hmmmmm sige, sandali lang" at dahan-dahan na akong bumangon at lumabas ng kwarto. Umupo ako sa table at nakita kong inaayos na ni tita ang pagkain namin.

"Ay anak! Nakalimutan kong bumili ng soft drinks, bumili ka naman sa baba, may pera ako diyan sa may table." sabi ni tita at pumayag naman si Clarence, at malapit naman yung convenience store sa baba ng building nila.

Nang lumabas si Clarence nagsalita si tita "Alam mo si Clarence, mas na-depress kaysa sa akin nung hiwalayan kami ng papa niya" sabi nito.

"Naging malungkot at tahimik na tao siya, siguro kasi mahal niya yung daddy niya pero pinagpalit kami sa iba" patuloy ni tita.

"Kaya alam mo, laking tuwa ko nung dinala ka niya, kasi kahit papaano nung nalaman ko na may kaibigan siya, iba na ang ugali niya, yung mas naging madaldal at masayahin yan." sabi nito at ngumiti sa akin. Grabe ganito pala naging impact ko kay Clarence.

"Alagaan mo yan ah, lagi mong samahan, may tiwala ako sayo" huling sabi nito.

"Opo tita, salamat po, best friend ko yata si Clarence" at ngumiti ako.

Hindi na rin tumagal at dumating si Clarence at kumain na kami. Grabe ang sarap ng carbonara at fried chicken ni Tita Ellen, naubos namin halos ito. Nagkwentuhan muna kami at pagkatapos ay napansin kong gagabihin na ako, kaya nagpaalam na ako.

"Babalik ka ulit Gian ah!" sabi ni tita ay yinakap ako.

"Opo" sabi ko naman.

Hinatid ako ni Clarence hanggang sa baba, hinintay niya hanggang makapara ako ng taxi, tapos nang meron ay nagpaalam na ako.

"Salamat sa lahat at salamat din sabihin mo kay tita" sabi ko at yinakap to.

"W-walang anuman" sabi naman nito. "Ingat ka, kita nalang tayo sa Lunes" sabi naman nito.

"Oh paano ba, una na ako" sabi ko bago sumakay sa taxi.

"Sige!" at nagwave habang umalis na ang kotse sinasakyan ko.

Nang malapit na sa amin ang kotse ay bigla ito nasiraan.

"Kuya ito ang bayad salamat ah!" sabi ko

"Sir pasensya na talaga ah, salamat din" sabi nito.

Mga 5 minutes nalang ang layo ko sa bahay namin, nasa isang kanto na ako ng biglang umulan, kaya naisipan kong dumaan dun sa eskenita na shortcut, madalim pero konting takbo lang. Nang pumasok ako sa eskenita ay tumakbo ako nang bigla akong mapatid ng isang kamay.

"Joshua?" nakita ko tong nakahiga sa pile ng mga karton na walang malay.

Natakot ako at inakbay ko to sa aking balikat, kaya ang bagal ko, nabasa naman kami ng ulan kaya okay na siguro.

Nang nakarating kami sa bahay ay inalatag ko to sa sahig sa kwarto ko at pinalitan ko to ng damit at pinatungan ko muna ng kumot ang pambaba bago tanggalin at palitan ito. Wala si manag, siguro may binili ito sa tindahan, at si mama at papa ay may convention sa Subic, kaya ako ang nag-ayos kay Joshua.

Hiniga ko ito sa kama ko hinihintay ko tong magising na ako naman ay dinalaw ng antok at nakatulog.

A.N.~

Ayan, another UD, to the readers of this story magparamdam naman kayo :D your comments are very much welcomed :D vote and subscribe! thanks! :D

Mr. Popular and Mr. Nerd (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon