Chapter 5 - In A Relationship

10.3K 365 14
                                    

Gian's PoV

Hindi pa rin ako makapaniwala na hinalikan ako ni Joshua sa pisngi. Marami ang nagtiliaan at marami rin ang halatang hindi makapaniwala sa turn of events, pati rin ako. Hindi ko alam ang gagawin ko sa aking disposition ngayon. Nandito lang ako nakaupo, nakatameme at nag mistulang estatwa.

"I am going to be honest, I was not expecting this, but since this is already happening, I wish you guys nothing but the best. Now, it takes guts to do what you did Mr. Mercado, but may I ask you to avoid the display of public affection, we still need to look discreet in the eyes of others. I do believe that being in that position is truly difficult, but I personally consider that living that way is a legitimate lifestyle. Now, this is the Liberal Arts Academy, which is why we don't forbid relationship, but rather, we appect. Good luck to you two, and Ms. Cruz, welcome to Class A, you are now part of our family." isang speech na sinabi ni Ms. Ashley with emphasis, para sabihin sa amin na okay lang ang lahat.

Though hindi naman totoo ang relationship namin, nakakagaan ng loob kasi ganito lang ang naging reaksyon ng isang tao towards someone who is believed to be living in the third sex.

"Ma'am and guys, we're still new to this kind of relationship, that is why I ask you guys to do us a favor, and not tell the others that we are an item, but slowly we will come out and let the truth set as free" sabi ni Joshua habang nakatayo na ikinagulat ko rin. Pumayag naman ang klase at umupo ito at kumindat sa akin.

"Ano kaya plano nitong mokong na ito sa kanyang buhay?" Sabi ko naman sa sarili ko.

Natapos na ang first set of classes namin at ngayon ay recess na, papaalis na ako ng room namin ng biglang may tumapik sa aking balikat at yun pala si Luna.

"Uhm, hi, I know na hindi ganoon kaganda ang pagkakakilala natin, and though I really really like your boyfriend, hindi naman ako yung klase na taong makikita mo sa mga drama series na gagawin ang lahat para maghiwalay kayo, kaso kapag nag-break kayo, hahabulin ko siya!" sabi niya ng pabiro, kaya natawa ako. "Alagaan mo siya ah!" sabi naman nito sa akin.

"Uhhmm, s-sige?!" sabi ko naman.

"Uhm, friends?" Sabi niya at inabot niya ang kanyang kamay.

"Friends" at ngumiti naman ako.

Ewan ko ba pero parang feel ko okay lang ang mga nangyare sa akin kahit ang tingin sa akin ng mga tao ay bakla, parang okay lang, at feel ko naman ang pretend relationship na ito ay magiging beneficial sa amin.

Joshua's PoV

Alam ko naman na titigil si Luna kapag ginawa ko to, at mabait naman yun, kaso kapag natipuhan ka nito, patay ka na, at may respeto yun sa mga taong taken, linapitan ako nito kanina at gusto niya raw na maging katulad ng dati ang relationship namin, pumayag naman ako.

Marami rin akong dahilan kung bakit kailangan ko na rin si Gian bilang fake boyfriend, para mawala na ang mga umaaligid sa akin na babae, at siguro mahihirapan na ako sa mga group projects, kaya kailangan siguro gagawin ko na talaga yung fair share ko.

Hindi ko alam pero talaga natutuwa ako kay Gian, at nung lunch nakapagusap kami, pero parang medyo hindi na siya mahiyain, siguro kasi sa ginawa ko kanina, nawala medyo nainis siya sa akin.

"Alam ko na mahirap ang sitwasyon mo, at hindi ko alam kung bakit ka pa nag result sa ganoong paraan pero wala na akong magagawa, kasi nandito na, pero hindi lang ikaw dapat ang makinabang, ako rin" sabi nito.

"Ito yung mga terms and conditions ko, basahin mo nalang kung hindi ka payag, the deal is off" sabi naman nito, nagulat ako kasi ngayon ko lang nakita ang side niya na ganito.

"Pag-usuapan nalang natin to bukas, pupunta pa kasi ako sa bahay ni Clarence eh" sabi naman nito.

Ewan ko pero nalungkot ako dun, pero ayoko naman ipahalata.

Natapos ang klase at parang nahihilo ako, siguro kasi hindi lang ako nakapag lunch, hindi pa rin ako sumabay sa school bus kasi kailangan ko bumil ng mga materials para dun sa project namin, kinulang kami, ako nalang nag-volunteer, naka-bili na ako at sa pauwi sa amin may dadaanang madilim na eskenita, konti lang dumadaan dito, kasi nakakatakot, pero mas mabilis rito, kaso nga lang sa side ang daming mga karton, kasi factory ang tabi nito.

Sobrang sakit na ng ulo ko at habang dumadaan ako ay biglang nag blur paningin ko, at ramdam ko ang pagtumba ko sa mga karton.

Hinang-hina ako at nawalayan nalang ako ng malay.

Nagising ako na nakahiga sa kama, masakit pa rin ang ulo ko at parang may sinat ako, nagulat nalang ako at iba ang suot ko at nakita ko si Gian nakaupo sa upuan sa tabi ng kama at nakayuko sa kama, nakatulog ata ito, para pala siyang anghel, at dun ko na realize, nasa bahay na pala niya ako. Gigising ko sana siya kaso ang himbing ng tulog niya.

A.N.~

Update =) next chapter makikita natin kung anong nangyari sa bahay nila Clarence at paano nakita ni Gian si Joshua. Uhmm paramdam naman kayo :D ahahahaah Please Vote and Subscribe! Thank you!

Mr. Popular and Mr. Nerd (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon