Bonus Chapter: Possessive

6.2K 188 17
                                    

Joshua's PoV

Nandito ako sa kwarto namin ni Gian at ako ay nagsusurf sa Facebook, oo buhay pa rin ito kahit 15 years ang lumipas.

Gamit ko account ni Gian kasi siya ay tulog na at walang charge yung phone ko.

Habang ako ay nagbobrowse, nakita ko na ni-like ni Gian yung photo ni Clarence, pero pinalipas ko na ito, tutal naman kasal na kami at kasal na rin si Clarence sa kanyang asawa na si Gary. At yung linike niya na picture ay yung vacation ni Clarence at ni Gary sa Germany.

Nagbobrowse ako at biglang may nag-chat kay Gian. Pangalan nito ay Tommy. Tiningnan ko ang profile nito at pucha, yung profile picture niya, magkasama sila ni Gian.

Leche, inistalk ko ito at tiningnan ang mga chat nila sa isa't-isa.

Napagkaalaman ko na kakapasa lang pala ni Tommy sa bar, at nakaka-tatlong araw palang ito sa kumpanya nila Gian.

PUCHA! GUSTO RIN NITO SI GIAN. NAKAKAGULAT ANG CHAT, HINDI ALAM NI GIAN NA SIYA AY NILALANDI.

Tommy: Gian, than you for orienting me ah! I am really glad na ikaw ang na-assign sa akin mag-orient sa company. Feel ko talaga na second home ko na ang company natin.

Home mo mukha mo, glad mo mukha mo.

Gian: It's nothing Tommy. :)

Teka lang, ba't nag-eemoticon siya, sa akin lang dapat siya naka-emoticon.

Tapos ito pa,

Tommy: Are you free tomorrow, pwede ba tayong mag-dinner? May italian restaurant kasi na bagong bukas. Gusto ko sana magpasalamat sa lahat.

ORIENTATION LANG DINNER NA AGAD SA ITALIAN RESTAURANT? HUWAG AKO TOMMY!

Gian: Sorry Tommy, I can't! Day-off kasi ng husband ko bukas, I need to spend time with him.

Tommy:  Kahit huwag ka na magpaalam, he doesn't have to know ;)

ABA GAGO PALA ITO EH, I DON'T HAVE TO KNOW! Pero buti nalang sinamahan ako ni Gian ngayon, ibig sabihin, priority pa rin niya ako eh.

Gian: I can't talaga. Sorry.

Natuwa naman ako sa reply ni Gian.

At ito naman yung bagong chat.

Tommy: Gising ka pa ba? Ako kasi I can't sleep kasi naiisip kita.

AY NAKO, SINUSUBUKAN NITO ANG PASENSYA KO.

Yinakap ko si Gian at nag-selfie ako kahit ito ay tulog. Sinend ko kay Tommy.

" I can sleep naman kasi I have husband na kayang pumatay ng taong maglalandi sa akin ;)" sabi ko kay Tommy.

Subukan niya lang.

Dinelete ko na rin ang messages ko kay Tommy.

**

Kinabukasan ay nagkita kami ni Gian at kumain sa labas.

"Nga pala, yung bagong kong office mate na si Tommy, biglang nagpalipat ng branch, sabi niya mas convenient, eh mas napalayo pa siya sa kanyang tinitirhan."

Ngumiti lang ako, "Ah, baka kasi mas safe siya dun" sabi ko naman ng pa-inosente.

"What do you mean?" tanong ni Gian.

"Wala lang, hayaan mo na yun, let's eat na!" sabi ko.

Subukan lang ng iba landiin si Gian, makikita nila.

"I love you!" sabi ko dito at biglang umagaw ng halik nang nasa kotse na kami.

"I love you too!" sabi nito at nakatulog habang ako ay nagdadrive.

Let's just say, na mapagbigay akong tao, pero si Gian is mine.

**

So another bonus chapter!

And also, may bago akong story, and title ay "My Boss"

Please support my new story and thank you very much sa lahat ng suporta niyo sa MPMN! Thank you!






Mr. Popular and Mr. Nerd (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon