Bonus Chapter: Valentine's Special

5.5K 166 13
                                    

Joshua's PoV

Bwiset.
Yan lang talaga ang masasabi. Out of all the times na pwede kami mag-away ni Gian, ngayong Valentine's pa.

Ngayon, narerealize ko na kung bakit minsan, maraming naiinis tuwing heart's day. Kapag ikaw sawi or in my case, kaaway ang kanyang hubby, nakaka-inggit and at the same time nakakalungkot, kasi ang saya talaga ng Valentine's para sa iba, pero ikaw walang magawa kung hindi mainis and malungkot.

Bakit ba kami nag-away?

Well, ito ay mahabang kwento:
Flashback...
"Joshua, maaga mo ako ihahatid bukas ah, maaga yung hearing na pupuntahan ko!" sabi ni Gian habang busy na nag-aayos ng kanyang mga gamit para sa hearing bukas.

Coding kasi yung kotse ni Gian bukas, at day-off ko naman, so ihahatid ko na siya.

"I-check mo na rin yung mga gulong at makina ng iyong sasakyan, baka bukas magloko yan, ayokong magkakaproblema bukas, importante tong kasong hawak ko" sabi ni Gian na mukhang stressed na stressed na nga.

Ako naman, habang busy na nagbabasa ng Harry Potter and the Half-Blood Prince ay tumungo. "Chill ka lang babe, bago lang yung sasakyan, hindi yun magloloko bukas" tugon ko naman.

Confident naman talaga ako na ayos lang yung kotse kasi kakabili ko lang nun.

Bago lang ako sa pag-dadrive and feel ko naman maayos akong driver. Halos anim na buwan na akong nagda-drive, and everything is going smoothly naman.

Talagang na-aliw ako sa aking binabasa kaya halos late na akong nakatulog, mga alas-dos na ng umaga. Kaya ko naman gumising ng 5 am, kasi 7 yung hearing ni Gian.

Nag-take control na yung antok sa akin at ako ay nakatulog na.

"JOSHUA! GUMISING KA NA, KANINA PA KITA GINIGISING, NAGPUYAT KA BA NANAMAN? SABI KO SAYO IMPORTANTE TONG  HEARING NA TO,  ALA-SAIS NA!" galit na bungad sa akin ni Gian, kaya nagbihis na ako at hindi naligo.

Nakasakay na kami at habang umaandar yung sasakyan at kami ay nasa biyahe, naramdaman ko na biglang nag-flat yung gulong ko.

"Na-flatan ako ng gulong" takot kong sabi sa asawa ko.

"LECHE NAMAN JOSHUA! Sabi ko sayo icheck mo yan diba?" pasigaw niyang sabi sa akin habang galit na galit siya.

Hindi na umimik si Gian at nakita ko nalang na ito ay nag-book nalang ng Uber. Naiinis ako sa sarili ko kasi alam ko kung gaano kalaki ang kasalanan ko sa kanya.

Natapos na ang hearing, at nakauwi na siya. Tumingin lang siya sa akin na puno ng disappointment. Naguguilty ako, kasi minsan na nga lang siya humingi ng pabor sa akin, pumalpak pa ako.

Hindi kami nag-imikan mula kahapon. Tatlong araw nalang at Valentine's day, magka-away pa kami ng asawa ko.

End of Flashback.

So kahit ngayon, day-off niya, hindi niya ako pinapansin. Nagluluto pa rin siya ng umagahan at dinner, pero isang sagot lang siya kapag sinusubukan kong makipagusap. Nahihiya akong mag-sorry sa kanya, kasi baka mas magalit pa siya.  Magkatabi pa rin kami sa kama, pero hindi ko siya mayakap kahit sobrang nangungulila ako sa kanya, kasi alam kong may kasalanan ako.

Sa work ko, kakatapos ko lang lahat ng trabaho ko. Kahit sa trabaho, makikita mo yung epekto ng Valentine's, mga asawa na
lalaki ay nagpapadala ng special delivery na flowers at chocolate. Yung mga babae naman, nagpapaganda para sa dinner nila kasama ang kanilang partners. Ang hirap at lungkot talaga ng araw ko today.

Bumababa na ako kasi kaka sign-off ko lang. Pagkalabas ko ng building may narinig akong mga babaeng nagtitilian.

"Yiiiiiehhh! Ang gwapo niya, sino kaya ang hinihintay niya rito?" sabi nung isang clerk namin.

"Sana akin nalang si kuya! Mamahali ko yan forever!" sabi nung kausap naman niya.

Nung nakita ko kung sino yung pinag-uusapan nila.

Si Gian pala, na may dalang bulaklak, nakatulala lang ako kasi ang gwapo talaga ng asawa ko kapag seryoso

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Si Gian pala, na may dalang bulaklak, nakatulala lang ako kasi ang gwapo talaga ng asawa ko kapag seryoso. Nung nakita niya ako, bigla siyang ngumiti at tumakbo.

Ramdam ko yung mga mata ng babae sa akin, at sila talaga ay pinagmamasdan kami.

"Yan ba yung asawa ni Sir Joshua? Ang swerte niya!" sabi nung isang babae.

"Uwian na, may nanalo na!" sabi nung isa habang may halo ng lungkot.

Alam ko na hindi ko dapat marinig yun, pero ang lakas lang talaga ng boses nila.

"Uy" sabi nito. Napatingin ako sa kanya at hindi ko na napigilang mapaiyak at yumakap sa kanya.

"So-sorry talaga sa ginawa mo! Miss na miss na kita" sabi ko habang umiiyak.

"Napatawad na kita uy, mahal kita eh, nadisappoint lang talaga ako at nainis sayo." sabi niya at hinalikan niya noo ko.

"Huwag ka nang umiyak! Ano sa tingin mo, mag-Vavalentine's kang malungkot? Tayo na. may dinner reservation pa tayo sa isang restaurant!" sabi nito at hinawakan ang kamay ko papunta sa kanyang kotse.

Noong nasa loob kami ng kotse, nag-joke, "Kakahangin ko lang sa gulong ko, lumambot eh, baka ma-flat" sabi nito.

Hindi ko pinansin yung sinabi niya at sinunggaban ko nalang siya ng halik sa labi.

Ah this man never fails talaga.

"I love you so so much." bulong ko sa kanya.

Napangiti ito. "I love you too, kaya nga pinakasalan kita diba!" sabi naman nito.

Sa isip ko, masaya rin naman pala itong Valentine's day ko.

~~~
So Happy Valentine's day sa lahat! Hope you enjoyed this Valentine's gift from me to you guys! Di ko pa mapopromise na regular akong mag-upupdate kasi sobrang busy pa, pero I'll do my best! Love you and thank you guys!

Mr. Popular and Mr. Nerd (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon