Chapter 10 - Competition

7.6K 276 17
                                    

Joshua's PoV

"Bakit ka tumawag sa kanya?" sabi ko ng malamig sa kanya.

"Absent kasi ako kanina, tatanong ko sana kung ano mga homeworks" sabi naman nito sa kabilang linya ng cellphone.

"Ay, hindi siya naka-attend sa klase eh, kasi nahulog siya sa hagdan tapos na injured siya, ta...."

"ANO! ANO OKAY LANG BA SIYA?!" sigaw ni Clarence.

"Kalma lang, nandito ako sa bahay niya, wala kasi siyang kasama, kaya wag ka magaalala inaalagaan ko siya" sabi ko naman.

"ANO! Magkasama kayong dalawa?" sabi naman nito.

"Bakit?! Masama?! Boyfriend ko naman si Gian diba?" suplado kong sinabi.

"Wala naman akong masamang ibig sabihin nabigla lang ako" sabi nito ng mahinahon.

"Anyways, nasa facebook naman yung mga homework natin, nasa group page natin, tingnan mo nalang, pinost na nila yun" sabi ko naman.

"Sige salamat" sabi naman nito.

"Sige" at binaba ko na ang cellphone ni Gian.

Clarence's PoV

Ewan ko ba, pero medyo sumama pakiramdam ko nung nalaman ko na may masama na nangyari kay Gian, at mas lalo akong nalungkot nung nalaman ko na kasama niya si Joshua, parang binagsakan ako ng langit at lupa nung nalaman ko yun, siguro kasi nagseselos ako kasi alam ko magdamag na makakasama ni Joshua si Gian, pero alam ko naman na wala akong karapatan, kasi kaibigan lang naman ako, siya ang boyfriend.

Ginawa ko yung mga assignments ko and I was happy because the assignments were not that hard, kaya mabilis ko tong ginawa at ayun, lutang pa rin isip ko, ano kaya gagawin ko bukas, at most importantly, ano kaya ang mga mangyayari bukas?

Gian's PoV

Nagulat nalang si Kuya Wilson nang sabay kaming lumabas ni Joshua sa bahay ko, tinext kasi ni Joshua si kuya na huwag nalang siyang daanan sa kanyang bahay, pero nagulat ito nang makitang sabay kaming lumabas ng bahay ko habang ako ay nakaakbay sa kanya, masakit pa rin naman kasi itong sprain ko.

"Aba, ano meron?" sabi ni Kuya Wilson.

"Boyfriend ko kasi, na-sprain kuya" sabi ni Joshua na walang pag-aalinlangan.

"Boyfriend? Kayo na ba?" sabi ni Kuya Wilson na parang biglang-bigla.

Namumula na ako sa mga pinagagawa ni Joshua.

"Ano ba pinagsasabi mo!' bulong ko dito.

"Para mas realistic at believable" tugon naman nito.

Napa-facepalm nalang ako sa mga kabiliwan nitong si Joshua. Dumating na kami sa school at sabi ko kay Joshua na pupunta ako sa library kasi may kailangan ako kuhanin, nahihiya ako kasi na sabihin na si Clarence ang pupuntahan ko.

"Sige samahan na kita" sabi ni Joshua.

"Nako, huwag na, okay naman na ako, hindi naman namamaga paa ko eh" sabi ko at sabay rinotate ang paa ko para ipakita na medyo okay na ako.

"Ihahatid nalang kita sa library, may kailangan din kasi akong tapusin na report sa baba, baka magalit sila sa akin kapag hindi ako nag-contribute" sabi naman nito.

Hinatid ako ni Joshua sa pintuan ng library at nagpaalam ito, pumasok naman ako sa library na nakita si Clarence na nakapikit at nakikinig sa iTouch nito. Dahan-dahan akong pumunta papunta sa kanya hanggang makarating ako likod ng kanyang upuan. Tinakpad ko ang mata nito, kahit nakapikit at...

"Hulaan mo kung sino ako?" sabi ko.

Nagulat nalang ako at bigla nitong hindi ang isa kong braso papunta sa kanya at  napakandong tuloy ako sa kanya.

"Syempre, sino pa ba?" sabi naman nito ng nakangisi.

"SIra ulo ka naman! Nagulat tuloy ako" sabi ko naman

"Ako kaya ang nagulat nang may biglang nagtakip sa mga mata ko" sabi naman nito.

"Buti nalang wala ka ng sakit" sabi ko naman.

"Hindi naman ganun kalala lagnat ko, takot lang si mama na mabinat ako" sago naman nito.

"Tumawag pala ako sayo kahapon, kaso yung boyfriend mo nakasagot" sabi nito na parang nalulungkot. "Alam mo simula nung nag boyfriend ka, parang iniwan mo na ang best friend mo" sabi nito ng seryoso.

Naguilty ako sa sinabi niya, parang kahit hindi pa naman ganun katagal ang fake relationship namin, best friend ko pa rin si Clarence. "May sasabihin ako sayo, hindi ko naman talaga boyfriend sa Joshua eh" sabi ko.

"Talaga?!" sabi ni na parang nagulat.

"Kasi kilala mo yung bagong student na si Luna, mahabang kwento, nakipag-agree lang ako kasi wala naman mawawala eh, open-minded naman mga tao sa school, para lubayan ng mga babae si Joshua, yun ang gusto niya, ako naman para kapag may kailangan ako sa school, wala na akong problema" hindi ko masabi na may crush ako kay Joshua, nakakahiya kaya yun nalang sinabi ko.

"So single ka pa rin talaga?" sabi nito na parang natutuwang ewan.

"Oo, kaso wag mo sasabihin sa iba ah, pati na rin kay Joshua, agreement kasi namin na hindi namin sasabihin sa iba, kaso syempre best friend kita" sabi ko rito nang nakangiti.

"Salamat at pinagkatiwalaan mo ako, so mamaya, kasama mo pa rin si Joshua sa bahay?" tanong nito.

"Oo, two days kasi wala magulang ko, bukas pa sila ng gabi uuwi, tsaka wala akong yaya, nag-leave ng isang buwan" sabi ko naman. "Nakakanibago nga, kasi nalulungkot ako kapag konti kasama ko" sabi ko naman.

Hindi umimik si Clarence at tila may iniisip ito na malalim.

"Teka! Best friend kita pero hindi mo pa ako sinasama sa bahay mo, punta ako mamaya pwede?" sabi nito na parang batang excited.

"S-sigee, kaso dapat magpaalam ka sa mama mo" sabi ko naman, natuwa ako kasi si Joshua at Clarence ay makakasama ko if ever.

"Sige! Itetext ko na siya! Papayagan naman ako nun, tuwang-tuwa kaya sayo yun" sabi nito.

Natigil nalang ang pag-uusap namin nang bumukas ang pinto ng library, si Joshua pala ang pumasok. Nang tumingin siya sa amin parang nagulat at hindi makapaniwala ang expression sa kanyang mukha, dun ko lang naalala na nakakandong pa rin pala ako kay Clarence.

"Bakit ka nakakandong diyan?" sabay turo kay Clarence.

A.N. ~ 

So another U.D. :D hahahahahahahahaha thank you! :D

Mr. Popular and Mr. Nerd (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon