Chapter 12 - Something Something

6.9K 270 4
                                    

Gian's PoV

Kakatapos lang ng klase namin at ngayon nasa grocery na kami kasi naalala ko wala na palang pagkain at sina Clarence at Joshua daw ay magluluto, nagulat ako at marunong pala magluto ang dalawang ito. Pero ewan ko hindi ko alam pero may tension talaga akong nararamdamam between sa dalawang ito.

"Ano palang bibilhin natin?" tanong ko sa dalawa, ako kasi ang nagtutulak ng push cart at silang dalawa nasa likod ko, si Clarence is kanan at si Joshua sa kaliwa.

"Ikaw bahala" tugon ni Joshua.

"Ikaw naman ang kakain" sabi ni Clarence.

Medyo maayos naman na ang paa ko, nakakalakad naman na ako ng maayos at halos wala ng sakit.

"Okay ka lang ba?" bulong sa akin ni Clarence.

"Okay lang naman" bulong ko dito, pero nagtataka ako, bakit pa to lumapit at bumulong, pwede naman niya ako kausapin ng normal eh.

"Kasi akala ko nahihirapan ka at baka gusto mo i-piggyback ride pa kita eh" sabi nito ng super nakangiti.

Napangiti ako sa kakulitan nitong kaibigan ko at sabing "Wag na, baka mabali pa likod mo" at nag-tawanan kami.

Joshua's PoV

Ano kaya ang tinatawan ng dalawang ito, may kalandian din pala itong si Clarence sa katawan, akala mo kung sino at bumubulong pa kay Gian. Huy! Tigilan mo nga ang soon-to-be boyfriend ko.

Nagulat nalang ako nang tumigil kami sa chicken station nang biglang sabi ni Gian "Fried chicken nalang with gravy ang lutuin natin, tapos carbonara! Sige please, yun yung paborito ko!" Natawa naman ako kasi parang bata kung matuwa ang taong ito.

"Favorite ko rin yun!" sabi ni Clarence at parang excited silang pareho ng tuwang-tuwa.

"Ako rin" sabi ko lang, pero hindi naman, beef talaga paborito ko pero kailangan ko makarelate kay Gian para sabihin niya na may similarities rin kami sa preferences.

"Uy anong gagawin natin mamaya? Tutal naman wala tayong assignment?" tanong ni Clarence.

"Nood nalang tayo ng Pokemon!" sabay wink ni Gian kay Clarence, si Clarence naman dun ko lang nakita yung parang genuine happiness sa mukha niya.

"Naalala mo pa rin talaga na gustong-gusto ko ang Pokemon ah!" sabi ni Clarence.

Teka bakit ganun, ba't ang daming alam ni Gian tungkol kay Clarence, samantalang ako ang lagi niyang kasama. Kailangan ko na talaga gumawa ng paraan para mas mapalapit kay Gian.

A.N.

So Chapter 12 is here na haahahahahah ^_^ pasensya na at natatagalan ako mag-update vote and subscribe ^_^ thanks! hahahahaahah

Mr. Popular and Mr. Nerd (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon