Chapter 8 - Alone in Pain

8.3K 317 11
                                    

Gian's Pov

Pumunta ako sa library, kasi dito ko laging tinatagpo si Clarence, at pagkapasok ko ay nagtaka ako at wala pa siya, siguro late lang yun. Nakakapagtaka lang kasi siguro mas lagi siyang nauuna sa akin at ang lapit lang ng bahay niya kaya hindi ako sanay.

Nakaupo ako upuan nang may nagtext sa akin.

"Uy, hindi ako papasok ngayon ah, nilagnat ako kagabi =(" text ni Clarence sa akin.

"Okay lang, kaso mag-isa lang ako ngayon :'(" reply ko naman dito.

Naisipan ko nalang makinig ng music at hindi ko namalayan ay nakatulog na ako, wala pang librarian kaya siguro maaga pa, nagulat nalang ako at two minutes nalang at time na, kaya pala wala nang tao dito sa library.

Nagmadali ako ng takbo at ang library kasi nasa fifth floor kaya medyo mahaba pa ang babaain ko, kaya binilisan ko ang takbo.

Ang sahig ay masa-masa kasi may mga bukas ng bintana at umuulan ngayon, hindi ko namalayan ay namiss ko yung isang step, na skip ko siya kaya bigla nalang ako dumulas, na sprain ko yung ankle ko, at sumigaw ako ng "TULONG!!" kaso walang nakarinig sa akin. Ang sakit sobra ng sprain ko kasi ang grabe ng pagkakabagsak ko. Pisngi ko pa ay sumayad kaya nasugatan. Naawa ako sa aking sarili at hindi mapigilang umiyak, hindi lang siguro iyak, hagulhol, kasi ang sakit talaga ng nangyari sa akin.

Joshua's PoV

"Alam mo parang sumaya ka nung naging boyfriend mo si Gian" sabi sakin ni Luna.

"Eh, oo nga eh" sabi ko naman nang naiilang.

"Pero alam mo, na realize ko lang, kung ang pag-ibig ay sayo, sayo talaga, kaya alam mo ako hihintayin ko talaga si Mr. Right." sabi naman nito sa akin.

"Bakit?" sabi ko naman.

"Kasi, nung naging kayo ni Gian, na realize ko na yung love talaga can be found in unexpected ways, kaya siguro if ever mag break kayo, wag naman sana, hindi na kita hahabulin, kasi alam ko mayroon diyan naghihintay sa akin, or may destiny na nakalaan sa akin" sabi naman nito.

"Uh, ganun talaga, kaya keep the faith nga" sabi ko naman at ngumiti.

"Well ganun talaga, Salamat ah, good luck din sa inyo" sabi nito at bumalik na siya sa proper seat niya.

Hindi tumagal ay nagsimula na magklase si Ms. Ashley. Nagtataka ako at wala pa si Gian, sumabay naman ito sa school bus. Hindi tuloy ako mapakali parang lutang ako, habang nagdidiscuss ang teacher.

"Um, Mr. Vice President, pwedeng pakibalik sa nito sa AVR, binigay sa akin ni Ms. Ashley ang radio at remote nito, ito yung ginamit namin upang makinig sa isang istorya, na hindi ko naman pinakinggan. Isesearch ko nalang to sa internet.

"Yes ma'am" natuwa ako kasi pwede ko tong gamitin para hanapin o malaman kung ano ang dahilan at wala si Gian.

Nasa 4th floor ang AVR, kaya umakyat ako, at nagulat nalang ako at isang nakahilatang Gian ang sumalubong sa akin.

"Gian?" sabi ko sa kanya.

Umiiyak lang ito at tumingin sa akin, yung iyak niya yung iyak na takot sa nasasaktan na ewan ang pakiramdam, natakot ako kasi nakakaawa yung itsura niya.

"A-ano ang nangyari sayo?" tanong ko dito.

"S---s...ssppppp..rrraaaa....iiiiiinnnnn aaa-at ssusususugat sa piiiiiiiiiiisngi" hirap na sinabi nito sa kakaiyak.

"H-alika na, nandito na ako" sabi ko dito at yinakap ko muna to.

"A-aa-ka-la ko wa--lang ma-ma-ma-ka-kakita sa akin" sabi naman nito.

"Tahan na, hindi kita iiwan halika na dadalhin na kita sa clinic, intay ka lang ibabalik ko lang to sa AVR."

Tumakbo ako papuntang AVR at agad na bumalik kung saan nakaupo si Gian. BInuhat ko to ng mala bridal style at dinala sa nurse.

"Grabe ang spain niya, mamaga talaga to" sabi ng nurse.

"Make sure na lagi mo lalagyan ng yelo yan ah" sabi ng nurse ulit.

"Opo" sabi naman ni Gian.

Nang umalis na ang nurse pagkatapos gamutin ang sugat ni Gian sa pisngi ay kinausap ko na ito.

"Mag-ingat ka sa bahay ah, sabihin mo nalang sa manang mo alagaan ka niya" sabi ko dito.

"Wala si Manang, umalis papuntang Aklan kahapon, isang buwan siyang wala" sabi nito.

"Magulang mo?" sabi ko naman.

"Nasa convention, baka mga two days pa sila bago umuwi" sabi naman nito.

"So ikaw lang mag-isa ang nasa bahay?" sabi ko naman.

"Oo, ako lang" sabi nito.

"Naku hindi pwede yan, kailangan mo ng kasama" sabi ko naman

"SIno sasama sa akin?" tanong nito.

"Ako!" sabi ko naman ng nakangiti.

A.N.~

So meron nang chapter 8 =) please continue to support my story!  Vote and subscribe :D

Mr. Popular and Mr. Nerd (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon