Chapter 4 - The Big Revelation

11.5K 375 13
                                    

Gian's PoV

Kinuwento sa akin ni Joshua ang lahat-lahat, at yung sinabi niya kay Luna na i-mimeet niya yung taong naging dahilang kung bakit siya ay taken na, and of course alam ko naman na excuse niya lang yun kasi ayaw niya dun sa girl, parang stalker lang pala yun kasi.

"Ah, I understand, pero siguro hindi na mauulit yun." sabi ko naman nito na kahit papaano, dumbfounded sa turn of events.

"Uhhhhm" bigla niyang hinawakan kamay ko ikinagulat ko "Kapag nandiyan si Luna, pwedeng kunyare tayo? Hindi kasi ako titigilan nun" nagulat ako sa sinabi niya.

 "A-Ah sige, pero hindi naman natin madalas makikita yun diba?" sabi ko naman kasi naman, BOYFRIEND? Wala pala talaga sa isip ko yung makipag relasyon at with the same sex pa!.

"Hindi ko rin alam, kaya dapat alert lagi tayo" sabi naman nito sa akin.

"O-Okay..." Wala na akong masabi, kunyare lang naman eh...

Tinuloy namin ang pagkain na natigil sa pagdating ni Luna, ang creepy na babae na may gusto kay Joshua, kaya inubos ko na ang pagkain ko at sabay na kaming umiwi ni Joshua, malapit naman ang bahay namin eh.

"Sige bukas nalang, salamat din sa libre ah" sabi ko nung nasa tapat na kaming ng bahay ko.

"Okay lang yun! Uy, pasensya na sa abala ah!" sabi naman nito, at nag-nod nalang ako at pumasok sa bahay.

"Why do I have the feeling that things will be totally different" sabi ko ng mahina sa sarili ko, parang maraming gulo ang papasok sa buhay ko, parang uneasy ako ngayon, siguro pagod lang to.

Kinabukasan, parang normal lang ang magiging araw ko, sumakay ako ng school bus at nakita ko si Joshua.

"Good morning!" bati nito na may kaakibat na ngiti.

"Morning din" sabi ko naman ng mahinahon. Makalipas ang ilang minuto, dinalaw na ako ng antok at nakatulog na ako hanggang makarating kami sa klase.

As usual dumidiretso ako sa library, at nakita ko naman si Clarence, hindi naman ito nagbabasa pero naglalaro ata ito sa iTouch niya.

"Good morning Mr. Perez, mukhang busy na busy ka diyan ah!" sabi ko sabay ngiti. Sa nakaraang buwan, naging close talaga kami ni Clarence, siguro kasi nga pareho kami ng personality, at everyday routine na namin na magstay dito sa library.

"Morning din Mr. Estrada, how are you?" sabi naman nito. "Actually hinihintay lang kita, kaya ako naglalaro, nagpapalipas" sabi naman nito.

"Kung alam mo lang, marami nangyari kahapon" sabi ko naman.

"Like what?" tanong nito.

"Basta, wala lang, may nakasalubong lang akong creeper sa Mcdo" sabi ko naman, kasi nahihiya ako sabihin yung agreement namin ni Joshua.

"Ah, mag-ingat ka, baka ma-ano ka pa" sabi naman nito. "Anyways, may plans kaba this afternoon, pinipilit kasi ako ng mom ko na iinvite ka sa bahay namin, kasi sabi ko may kaibigan ako, bigla siyang natuwa at lagi akong kinukulit, first time ko kasi magkaibigan na ganito ko ka-close.

Kahit papaano na-touch ako, kasi ganun pala ang tingin sa akin ni Clarence "Sige, saan ba bahay mo? Papaalam lang ako sa magulang ko."

"Malapit lang dito sa school, walking distance, nasa condo kasi kami nakatira" sabi naman nito, habang tinext ko ang nanay ko.

*Beep

"Okay anak, mag-ingat ka ah, wag masyadong late" reply ng nanay ko sa akin.

"Uy pumayag si mama!" sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Talaga, sabay na tayo sa uwian ah!" sabi naman ito ng galak na may sabay palakpak pa.

"Malamang! Hindi ko naman alam bahay mo eh" sabi ko ng pabiro at may kasamang tawa.

Tumawa kami at hindi na namin namalayan ang oras.

"Uy punta na tayo sa classroom, five minutes nalang time na!" sabi ni Clarence.

At pumunta kaming classroom, hindi tumagal ay kumpleto naman kami at dumating na rin si Ms. Ashley, aside from being our adviser, siya rin ang English teacher namin, which happens to be our first period everyday.

"Before we start the class, I have some news for you. We have a new student, she came all the way from the US of A and since the number of students in our class is lesser compared to the other sections, the school decided to place her in here." sabi ni Ms. Ashley, bigla kong naisip si Luna na galing sa US, hindi naman siya siguro to, baka coincidence lang.

"Please welcome her, your new classsmate, Luna Cruz!" at hindi ako makapaniwala, tumigin ako bigla kay Joshua, and as expected, tila hindi ma-ipinta ang expression sa mukha niya.

"Please introduce yourself" sabi ni Ms. Ashley.

"Good morning everyone, my name is Luna Cruz, and I came all the way from the US. I was born and raised here in the country, but because my parents were assigned to work in the US, we have no choice but to move, and that is why I left for the states a few years ago, but now I am back, and the reason why I chose this school is because I used to have a friend and began to fall for him, and I wanted to be with him, but since Mr. Joshua Mercado here already has a boyfriend, there's nothing I can do." sabi nito na ikinagulat ng lahat.

"BOYFRIEND?!" sabi ng karamihan sa amin.

"Yes, in fact his boyfriend is sitting right next to him" at tinuro niya ako!

"GIAN?!" sabi naman ng mga babae.

At maraming akong narinig na bulungan.

"Mr. Mercado, is it true, you and Mr. Estrada are in that kind of relationship?" sabi ni Ms. Ashley na parang gulat na gulat.

Tiningnan muna ako ni Joshua at hinawakan ang kamay ko, na laking ikinagulat ko.

"Yes ma'am, Gian is my boyfriend!" akala ko tapos na ang lahat, nang biglang hinalikan niya ako sa pisngi.

"WAAAAAAAAHHH" sabi ko sa sarili ko.

At sa isang saglit lamang ay ang tahimik kong mundo ay biglang nagulo.

A.N.~

Wahahahaha Chapter 4 is done :-) sana po nag-eenjoy man kung sino yung bumabasa nito! I'll do my best para maging interesting ang story na ito :D

Clarence pala yung nasa media :D hehehe

THANKS FOR READING :D

Mr. Popular and Mr. Nerd (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon