Epilogue

6.7K 248 8
                                    

*15 year after


Joshua's PoV

Papunta na ako sa aming meeting. Naging Civil Engineer ako at si Gian naman ay naging abogado. Going strong naman kami kahit 15 years na ang nakakalipas. Pero kahit matagal kami, kung paano tumibok yung puso ko noon, ganun pa rin ang feeling kahit ngayon.

Nasa meeting na ako at ipakilala ko na ang sarili ko.

"Good day! I am Engr. Joshua Mercado-Estrada" pakilala ko sa sarili ko.

Ay, nakalimutan ko palang sabihin, nagpakasal kami ni Gian five years ago. Ako pa nga ang nagpalit ng last name sa amin eh.

Successful naman ang meeting.

Pababa na ako ng office namin ng biglang may tumawag sa akin. Ngumit ako kasi si Gian pala yun.

"Uy" sabi nito.

"Uy ka rin" sabi ko naman.

"Ano ginagawa mo?" tanong nito.

"Pababa na ako ng office" sabi ko.

"Ah sige una na ako, baka umuwi pala ako ng late ah" sabi naman nito.

"Sige bye bye, I love you" sabi ko.

"I love you too" sabi naman ntio at binaba ko na ang phone ko.

Paglabas ko ng office ay nagulat ako.

Si Gian ay nasa baba, naghihintay na may hawak na chocolates na case na hugis puso.

Hindi ko alam pero tumakbo ako sa kanya at yinakap ko siya.

Hindi ko na rin napigilan at hinalikan ko na rin siya.

"Bakit ka nandito" sabi ko.

"Umalis ako ng maaga para makapag date tayo" sabi nito.

"Nako, parang sixteen years lang tayo ah" sabi ko dito.

"Isip bata ka naman eh" tukso nito eh.

Tumawa lang kami at sumakay na sa kotse.

Nasa passenger seat ako at siguro, wala na akong mahihiling pa sa buhay ko.

Binigyan ako ng gwapong asawa at maayos na buhay.

Pinapanood ko si Gian habang nagda-drive at parang gumagwapo habang tumatagal.

"Gian" sabi ko.

"Bakit?"

"I love you" sabi ko.

Ngumiti ito at sabing "I love you too"

The End

A.N.

So after ng isang taon, maimamark ko na completed ang story ko :) Thank you guys and though hindi talaga ako yung best author sa wattpad, thank you pa rin sa supporta. Hindi ko talaga aakalain na ganito ang magiging pagtanggap niyo sa story ko. Kahit natagalan ako minsan sa pag-uupdate, thank you pa rin. So tapos na ang story ko at masayang masaya na ako ^_^ Thanks Guys! - Mr. Penpal

Mr. Popular and Mr. Nerd (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon