Chapter 7 - Terms and Condition

8.1K 312 9
                                    

Joshua's PoV

Nagising ako habang tulog si Gian at nang may marinig akong ungol mula sa kanya ay naramdaman ko na gigising na ito kaya ipinikit ko muna ang aking mga mata, para siguro hindi muna niya ako makita na gising at tingnan ko rin kung ano gagawin niya sa akin.

Nakarinig ako ng hikab at tunog nag pag-unat, gising na nga si Gian. Naramdaman ko na lumapit sa akin to at hinawakan ang aking noo gamit ang kanyang palad.

"Nako, mainit ka" sabi nito nang mahina sa akalang tulog na ako. Narinig ko ang pinto niya na bumukas at naramdaman ko na ito ay umalis, binuksan ko ang mga mata ko, "Saan kaya pupunta yun?" tanong ko sa sarili ko. Nang pakiram ko na may footsteps na, bigla kong pinikit ang mata ko.

Naramdaman ko nalang na may tuwalyang ubod ng lamig, at pinunas sa akin ito. Kada punas, mula sa ulo hanggat paa, isinasawsaw ata ito sa tubig na may yelo. Pagkatapos ay linagyan niyo ako ng Kool Fever sa noot, at nakaramdam ako bagay sa tenga ko, thermometer ata ito.

"Hay, kahit papaano hindi ganung kataas" sabi nito sa sarili. Natuwa ako sa pagmamalasakit sa akin ni Gian, pero naramdaman ko na inaantok na ako kaya ako ay nagpadala na rito.

Gumising ako ay maaga na, tinext ko ang aking magulang nang makita ko na wala pa si GIan sa kwarto ko, nagsabi kung bakit hindi ako nakauwi at hindi ko na sinabi na may lagnat ako, hindi naman sila mahigpit pagdating sa mga ganitong bagay.

"Gising ka na pala" sabi ni Gian habang may dalang tray.

"Kumain ka na, nagpaluto ako ng lugaw kay manang, masarap yun gumawa ng lugaw eh" sabi nito nang hindi nakatingin sa akin.

"Ah, salamat" sabi ko.

"Bakit ka pala walang malay sa may eskenita?" tanong nito sa akin.

"Kasi diba nung lunch hindi ako kumain, siguro sobrang gutom kaya mahilo ako at hindi kinaya ng katawan ko" sabi ko naman.

"Ay sorry, pero dapat sumubo ka pa rin kahit papaano, anyways nabasa mo na ba yung papel na binigay ko sayo?" sabi nito sa akin.

"Well, actually hindi pa." sabi ko naman. "Baka nasa damit ko yun" pagpapatuloy ko.

"Uggm, siguro ganito nalang ang gawin natin, verbal agreement nalang ika nila" sabi nito sa akin.

"Uhhm, s-sige" sabi naman nito.

"Sa akin lang naman, wala lang makakaalam sa pamilya natin, kasi ayoko lang kasi na lagi akong napaliligiran ng mga babae" sabi ko dito. "Kailangan ko rin ng time sa sarili ko, at sorry kasi feeling ko ako lang magbebenefit sa deal natin" sabi ko naman.

"Well, sakin agree ako na walang makakaalam sa pamilya natin, ayoko lang ng PDA, yung kiss at hugs, pero in case of emergency at no choice, dun na lang siguro, pero imposible naman yun." sabi nito sa akin.

"Okay" sabi ko.

"Tsaka, marami akong kailangan bilhin, siguro para mutual ang agreement na ito, kapag may kailangan ako, okay lang ba kung sayo ko ipapabili?" sabi naman nito sa akin.

"Sige" sabi ko naman.

"At wala naman sa ating maiinlove no, I mean sa isa't-isa?" sabi nito.

"Ay, w-ala naman" sabi ko.

"So deal?" sabi ko sa kanya.

"Deal" sabi nito sa akin.

"Umuulan pala ng malakas, mamaya ka nalang umalis" sabi nito. "Nakakapagpaalam ka pa ba?" tanong nito sa akin.

"Oo naman"

"Pahiga muna ah" sabi nito sa akin at humiga sa tabi ko. "Hindi pa kasi ako nakakatulog ng maayos eh" sabi nito.

"O-okay lang" sabi ko.

Inubos ko na yung pagkain at ng tiningnan ko si Gian, ito ay nakatulog na ng mahimbing. Yinakap ko ito, hindi ko alam kung bakit, pero ang sarap niyang yakapin, nang biglang...

"TUG TUG TUG TUG!"

"Ano ba ginagawa mo sa akin Gian?" tanong ko sa sarili ko.

A.N.~

Another boring update, hahahahahaa sorry talaga, babawi ako sa ibang chapters.

Mr. Popular and Mr. Nerd (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon