Chapter 9 - Two is Better Than One

8.5K 288 11
                                    

Gian's PoV

Well I have to say na I am really shocked sa decision na ginawa ni Joshua.  Well the first thing that came out of my mind was that paano siya papayagan ng kanyang magulang, because of course, two days daw siyang mag iistay sa bahay ko, pero sabi niya nakapagpaalam na siya, aalis daw kasi parents niya, may cruise na sasakyan for work daw yun at sinama na daw ng papa niya mama niya kasi their anniversary is coming so it's like killing two birds with one stone.

I have to admit na I'm secretly happy on the inside, kasi first of all, crush ko si Joshua, yes, I, Gian Estrada has a huge crush toward Joshua Mercado. When did it happen? I actually don't know, pero like him being always with me kasi makes me feel comfortable and happy, kahit na super awkward nung situation namin ngayon, kaya siguro madali na rin akong pumayag na maging fake boyfriend niya. Hindi ko lang ma-admit na crush ko siya kasi hindi naman talaga ako sanay makaranas ng ganitong pakiramdam, pero being alone, injured pa ako, crying because I feel so helpless, hindi ko aakalain na out of the people that could see me, he was the one pa who came to my rescue, kaya siguro tumaas yung admiration level ko sa kanya.

Though I am being open towards my feelings, I have to conceal it, kasi I know naman na iba ang tingin sa akin ni Joshua. Siguro crush lang kasi I am happy na makasama ko siya and I am not expecting more from him. So ayun, I am here inside my house, sitting on the sofa, watching television, actually cartoons pinapanood ko, kasi parang I feel so happy kapag ganun ang mga pinapanood ko, walang problema at laging masaya ang mga plot, hindi siya ganung kakomplikado.While I was watching, Joshua sat beside me and asked if I needed anything and I said na wala, while we were watching, pinahiga niya ako at ako naman ay nagcomply, yung paa ko daw ipang ko sa lap niya, siya naman ay nakaupo sa paanan ko, so ayun sinunod ko naman and linagyan niya ito ng ice pack. Honestly, I feel so touched, na may nagaalaga sa akin ng ganito, kasi usually kapag may sakit ako, si manag lang lagi nandiyan, siya yung nagaayos sa akin, and I'm not hating on my parents or anything pero kasi, busy sila sa work and I understand naman na that they are doing all of the because of me, so it's my responsibility na huwag umangal nalang. Honestly, yung mga friends ko sa Cebu, yung mga friendship lang na hindi tatagal, hindi matatag nga, pero I'm actually feeling na may kaibigan na nagaalala sa akin dahil kay Joshua, at of course kay Clarence, best friend ko kaya yun.

Through the hours na magkasama kami ni Joshua sa sala, marami kaming nalaman sa isa't-isa, ang mga usapan namin ay tila smooth at walang ilangan, siguro kasi we're comfortable with each other. Dinaanan na ako ng antok at ito ay sinabi ko kay Joshua.

"Antok na ako Joshua" sabi ko.

"Ah sige tulog na tayo, saan ba kwarto mo?" tanong nito sa akin.

"Sa second floor" sabi ko naman.

"Paano ka aakyat? May sprain ka kaya" sabi nito sa akin.

"Okay lang, basta dahan dahan nalang" sabi ko naman.

"Ay wag na! Hindi ka pa makapasok bukas, gawin nalang natin is bubuhatin nalang kita" sabi nito na parang tuwang-tuwa.

"Ay wag NAAAAAAAAA..." naputol ako nang tumayo siya at binuhat ako nang mala bridal style.

"Alam ko naman kung nasaan ang kwarto mo, kaya tayo na!" sabi ni Mokong na tuwang tuwa talaga.

Pinasok na niya ako sa kwarto namin at hiniga ako sa kama.

"Saan pala ako matutulog?" tanong nito sa akin.

"Ay dito ko nalang sa kama, dito nalang ako sa sahig, para comfortable ka sa tulog mo" sabi ko naman.

"Ay nako, magtabi nalang tayo, para kapag may naramdaman ka tatawagin mo nalang ako!" sabi nito.

"S-sige" tugon ko

"Teka lagyan natin ng gamot yang sugat mo sa pisngi, may gamot ba kayo?" tanong nito sa akin.

"Meron, dun sa may medicine cabinet sa wash room sa baba" sabi ko naman.

"Sige intayin mo lang ako ah" sabi nito.

"Okay..." sabi ko habang pinanod itong lumabas ng kwarto.

Joshua's PoV

Hay nababaliw na talaga ako kasi marami na akong nagagawang kalokohan kay Gian, una na rito ay buhatin siya, kita sa mukha nito na gulat na gulat siya nung binuhat ko siya, pero ako naman talaga deep inside tuwang-tuwa sa reaksyon ng asawa ko. ASAWA? Hay, tapos yung pag susuggest na tabi kami matulog, yun talaga masaya ako, at ayun, lalagyan ko na ng gamot si Gian sa pisngi kasi may sugat ito, pero hindi naman ganun kalaki, kumuha ako ng ointment at bandage para sa sugat niya at pagpasok ko sa kwarto niya ay tulog na ito. 

Linagyan ko ang pisngi nito ng ointment nang dahan-dahan at saka ito naman ay tinapalan ko ng bandage para hindi ma-expose sa maduduming bacteria, medyo sariwa pa kasi eh. Nang matapos na ako ay pinagmasdan ko ang mukha nito at nakita ko ang orasan ay maaga pa pala, alas-otso lang pala. Nagulat nalang ako nang biglang may tumawag sa phone niya.

"Hello" sinagot ko ang tawag.

"Hello, Gian?" sabi naman nito.

"Sino to? Tulog na siya" sabi ko naman.

"Teka, sino ka? Joshua ikaw ba yan, ano ginagawa mo kay Gian, bakit nasa iyo ang phone niya?" sabi naman nito.

"Clarence?!" tanong ko naman dito.

A.N.~

So another UD, pasensya na at natagalan ah :D

 

Mr. Popular and Mr. Nerd (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon