Chapter 2 - Mr. President

15.3K 406 6
                                    

Gian's PoV

"Sir, gising na po kayo, luto na ang breakfast niyo" kumakatok si Manang Nene sa aking pintuan.

"Hmmmmm sige manang, bababa na ako" sabi ko naman, pero sa totoo lang, gusto ko pang matulog.

Naninibago ako sa mga surroundings ko, ibang-iba talaga ang Quezon City sa Cebu, pero feeling ko naman ay kakayanin ko, iniisip ko nalang na mas maraming opportunities dito, kasi nga nasa NCR lahat, kaya masasanay din ako.

Yung bago ko namang school parang okay lang, kaso syempre, namimiss ko pa rin yung dati kong school kasi doon na ako lumaki at nandoon na rin ang kaibigan na naging malapit sa akin, and doon sa dati kong school, scholar ako, ako kasi yung rank 1 sa klase namin kaya 100% scholar ako, and kahit may kaya naman kami, malaking bagay na yung walang inaalalang tuition fee magulang ko, kaso nga lumipat kami sa Quezon City, though mas mataas ang kanilang sweldo, nakakahinayang kasi magbabayad pa sila sa school ko, pero maganda naman daw talaga ang LAA.

Dumating na ang school bus at nakatabi ko nanaman si Joshua, tulog ito at hindi rin tumagal ay dinatnan na ako ng antok.

"Uy, Gian, gising na, nasa school tayo" sabi sakin ni Joshua habang tinatapik ako para magising.

"Thank you" sabi ko sa kanya na medyo may pagkabangag ang tono.

"Walang anuman" sabi niya sakin at pinisil ang aking mga pisngi.

Nagulat na lamang ako, pero naisip ko, baka sadyang touchy lamang si Joshua, at patuloy na akong pumunta sa high school building, maaga pa naman at ayoko naman magstay sa classroom kasi wala akong kakilala rito, so naisipan kong pumunta sa library ng school.

Nang pumunta ako sa library, bilang lamang ang nandito, at natuwa ako kasi ayaw ko naman kasi ng lugar na maraming tao. Nabighani ako kasi ang dami kong libro nakikita, at naisipan kong umupo nalang at magpahinga, tinatamad naman kasi ako magbasa, yumuko ako nang biglang may naramdaman akong bumalagbag sa table, nagulat ako.

"Ay sorry, hindi ko sinasadya!" sabi niya na may pagka-aburido.

"Okay lang!" sabi ko naman para kumalma to.

"Pasensya na at nabalabag ko ang bag ko, talagang medyo careless ako" sabi naman nito.

"Okay nga lang!" nginitian ko to at nagpakilala.

"Gian Estrada pala, transferee at junior dito" inabot ko kamay ko.

"Alam ko" sabi niya at tumawa ng konti "Classmate kita eh"

"Talaga?" sabi ko naman. Hindi ko naman kasi napapansin kasi ang mga classmates ko, lagi kasi akong nakayuko.

Lumipas ang kalahating oras at masarap palang kakwentuhan ko si Clarence, Clarence Perez pala ang pangalan niya. Marami kaming common interests at sabi niya, madalas daw ay loner siya kasi mahiyain din siya.

"Lagi mo na akong sasamahan ah!" sabi nito na parang tuwang tuwang maging kaibigan ako.

"Sige" ngumiti nalang ako at sabay kaming pumunta sa classroom.

Nagsimula ang klase at sabi nga ni Ms. Ashley, elections of homeroom officers today, so kalmado lang ako kasi dati president ako pero ngayon naman, since bago ako, wala naman siguro ang boboto sa akin, at alam ko rin naman ang hirap ng pagiging class president.

"As you know, the Liberal Arts Academy is well known for its special way of assigning officers, wherein the only thing you guys have the power of nominating and electing are the sergeant-at-arms up until the secretary, the vice president and president are chosen randomly, which is why I have a fish bowl over here with all of your names in it, the ones who are picked will serve as you're vice president and president for the entire academic year."

Natapos nang i-elect ang sergeant-at-arms hanggang sa secretary, at ang kulang nalang ay and VP at president.

Bumunot na ng pangalan si Ms. Ashley at ito ay binasa.

"Joshua Mercado" at lahat ay nagpalakpakan.

"Now, the moment everyone is waiting for" bumunot si Ms. Ashley ng papel sa bowl "And the president of class A is...Gian Estrada!" lahat naman sila ay pumalakpak habang ako ay natameme, kasi pati ba naman dito?

"Now, since Mr. Mercado and Estrada are appointed to the highest position as an officer, you will be seated at the front, beside each other. Please move now" at kami ay agad lumipat sa left-most corner ng harapat, kasi daw mas madaling i-manage ang klase kapag nandito kami.

"Kaya ko kaya ang klase na ito? Magiging okay lang ba kaming dalawa ni Joshua?" tanong ko sa sarili ko.

A.N.~

Sorry at wala pa yung kilig element, pero promise sa susunod ng mga chapter may progress na ang dalawa!

Si Gian pala yung nasa side! Thank you =) Vote and Subscribe...thank you

Mr. Popular and Mr. Nerd (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon