EPILOGUE

105 9 0
                                    

After 5 years.......

"The sales of all our products have been rising since the launch of the new model at dahil napaka innovative ng saifu wireless charger mas tumaas ang sales turnover natin ng 10% if we compare it to last month." Pagprepresenta ko sa harapan nila.

"Let's give a hand sa lahat ng mga empleyadong nagpuyat para maging successful ang project na ito." Nagsipalakpakan naman ang lahat. Masaya naman ako dahil sa naging resulta ng project, mas lalong tumaas ang ratings ng kompanya namin dahil narin sa in-demand ang produkto namin, binalak na rin namin na makapagtayo ng panibagong branch sa ibang bansa.

"Okay, meeting adjourned." Lumabas agad ako sa meeting room at dali-daling pumunta sa parking lot. Balak kasi naming tatlo na magkita-kita dahil narin sa may importanteng sasabihin si Nissah.

"How's your day, mukhang masaya ka ata?" Bungad sa akin ni Irish, kakarating ko lang sa starbucks nang madatnan ko siyang pinapainom ng milk tea si Nethan.

"Syempre naging successful yung launching ng bagong product namin, sino ba naman ang hindi magiging masaya diba?" Sabay upo ko sa bakanteng upuan. Ininom ko naman agad yung binili kong S'mores hot chocolate, as usual kapag nasa starbucks ako eto talaga yung gusto kong bilhin.

"Sa tingin mo ano kaya ang sasabihin ni Nissah sa atin?"

"Siguro mag o-open na naman siya ng panibagong boutique." sagot ko.

"O baka naman, ikakasal siya?"

"Malay natin." 5 years na pala ang nakalipas simula nang trahedyang iyon. Naisilang ko na rin ang kambal naming anak ni Zeke na sina Kaori at Kara. Kasalukuyan silang andoon kay Mama ngayon dahil nasa ibang bansa si Zeke at busy naman ako sa trabaho.

"Kumusta nga pala si Zeke?"

"Ayon kasalukuyang nasa U.S may importanteng inaasikaso." Madalang nalang kaming nagkakasamang tatlo dahil na rin sa may sarili na kaming pamilya ni Irish at sobrang busy naman sa trabaho si Nissah, mas lumago kasi yung business niya dahil narin sa pagsisikap niya kaya nakamit niya ang minimithi niyang tagumpay. Naging wedding planner na rin siya, siya nga rin yung nagplano ng kasal nina Irish at kasal namin ni Zeke.

"Pwede ba akong makisali sa usapan niyo?" Bigla namang nabalin yung tingin namin sa bagong dating na si Nissah.

"Nahiya naman kami sa outfit mo." Natatawang sabi ko.

"Syempre, ganito talaga kapag isa kang professional na fashion designer." Maarteng sabi niya, natawa nalang kami ni Irish. Umupo na rin siya sa bakanteng upuan at nagsimula na kaming mag kwentuhan.

"Maiba nga, ano ba yung sasabihin mo?" Seryosong tanong ni Irish.

"I'm getting married." Bigla ko namang natapon yung iniinom kong S'mores hot chocolate.

"Kanino, kay Francis?" Sabay na tanong namin ni Irish.

"Hindi no matagal na kaming wala ni Francis, si David yung fiance ko, nakilala ko siya noong niligawan ka ni Zeke sa gym since magkaibigan sila at miyembro rin siya ng D'bachelor, last year hindi ko inaasahang makikita ko ulit siya sa australia at siya rin yung naging model ko doon, hindi ko naman inaasahan na tamaan kami ng tadhana." Kinikilig na sabi niya.

"Ah si David, yung lalaking pinagkamalan akong multo." Natawa naman si Irish sa sinabi ko.

"Ay oo, nakwento niya nga rin sa akin yung tungkol sa pagka stuck mo sa library, pasalamat ka nga kung hindi tumakbo sila David at Kyle noon hindi mo talaga makikilala si Zeke." Sabagay may punto naman siya.

"Pag pinagtagpo, pinagtagpo talaga yan kahit balik-baliktarin man natin ang mundo, diba Sophia?" Siniko naman ako ni Irish, napaka supportive talaga nito.

From Where I Stand[PUBLISHED]Where stories live. Discover now