10 CHAPTER

68 9 0
                                    

Huling araw na ng college fest at heto kami ngayon sa gym para manood ng search, buti nalang talaga at pumayag si Syvie at Kurt na maging representante ng department namin kung hindi nako! hindi talaga kami makakaupo sa harapan ng gym.

"Irish, mauuna na ako sa inyo medyo pagod na rin kasi ako, pakisabi nalang kay Nissah."  Pasigaw na sabi ko kay Irish dahil sa sobrang lakas ng sounds dito sa gym. Kailangan ko na kasing makaalis dahil mag ta-trabaho pa ako.

"Sigurado ka, hindi ka na manonood ng variety show mamayang 9 pm?"

"Hindi na siguro."  Pagtanggi ko sa kanya.

"Oh sige, text mo kami agad kung nakauwi ka ng maayos."  Niyakap ko muna siya bago ako umalis. Dali-dali naman akong lumabas sa gym at tumungo agad sa coffee Shop kung saan ako nag pa-part time job.

"Oh Iha, ba't napaaga ka?"  Tanong ni Mrs. Avah.

"Bumabawi lang po kasi na huli po akong dumating noong nakaraang araw."  Napangiti naman siya. Noong nakaraang araw kasi may pinuntahan kami ni Zeke, hindi ko naman alam ang pangalan ng lugar na iyon pero sobrang napaka ganda, masyado akong na engaged sa ganda ng view kaya nakalimutan ko na may trabaho pala ako, kaya ayon panay ang sisi ko kay Zeke pero tawang-tawa lang ang loko.

"Ako namay natutuwa na may ganyan kang pag-uugali Iha."  Ngumiti ako sa sinabi niya at nagsimulang magbihis. Tumungo agad ako sa labas para mag entertain ng mga customers, buti nalang at nai-apply ko kung paano ang tamang pag-uugali kapag humaharap sa mga customers na naituro ni sir Axel.

"Sophia, sino yung lalaking naghatid sa iyo noong nakaraang araw?"   Napatingin naman ako kay Ashley, isa sa mga kasamahan ko dito.

"Ah yun? kaibigan ko si Zeke."  Napatango naman siya.

"Akala ko kasi boyfriend mo."  Bigla naman akong nagulat sa sinabi niya, anong boyfriend?

"Nako hindi, matalik na kaibigan ko lang si Zeke napakabuti kasi niyang tao."

"Sayang naman, bagay pa naman kayo."  Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Medyo marami narin kasing mga customers kaya napatigil muna kami sa pag-uusap.

*

Kinabukasan, ito na pala ang araw ng pagsisimula ng reporting kaya masyado kaming busy sa paghahanda, hindi na rin kami nakapag-sabay ng tanghalian nila Irish dahil may tatapusin pa sila.

"Sophia."  Napatingin naman ako sa pintuan kung saan nanggaling ang boses na iyon.

"Oh Syvie, bakit?" 

"May nag-iwan ng supot sa labas, para daw sa iyo."  Bigla naman akong nagtaka sa sinabi niya.

"Para sa akin?"

"Oo, nakasulat sa gilid yung pangalan mo."  Bigla niya namang inabot yung supot kaya agad kung tinignan kung ano ang laman. S'mores Hot chocolate?

"Kanino galing?"  Pagtatakang tanong ko.

"Hindi ko alam kasi iniwan lang sa labas, baka sa admirer mo?"  Kinikilig na sambit nito.

"Tigilan mo'ko Syvie."  Tumawa lang siya habang patuloy akong tinutukso, ilang saglit lang at dumating na'rin si Keena. Kasalukuyan kaming naka tambay sa laboratory room para simulan ang paggawa ng report, nagpaalam na rin ako kay Mrs. Avah na hindi ako makakapasok ngayon.

"Mas maganda kung magbibigay tayo ng real life situation na kung saan pwede nating ma konekta sa report natin."  Pag su-suggest ni Keena.

"Magandang ideya yan."  Sagot ko.

"Kailangan talaga nating mapag-aralan lahat, kinakabahan ako baka may mga tanong na hindi natin masagot bukas."

"Kalma lang Syvie, yung mahirap nga na tanong nasagot mo kahapon, paano nalang kaya bukas diba?"   Napangiti naman si Keena habang sinasabi yun, nanalo kasi si Syvie kahapon sa search. Hindi lang kasi siya maganda, matalino rin siya pagdating sa mga bagay-bagay.

From Where I Stand[PUBLISHED]Where stories live. Discover now