05 CHAPTER

78 11 0
                                    

Naalimpungatan ako dahil sa narinig kong pagsara ng pintuan. Agad-agad akong napatayo nang mapagtanto kung wala ng tao sa paligid ko. Bigla akong napatingin sa relo ko at sobrang gulat ko ng malaman kung 9:30 pm na pala. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako ng dalawang oras habang nag-aaral. Inayos ko na ang aking sarili at nagsimulang maglakad papalapit sa pintuan ng library, sobrang dilim ng kapaligiran buti nalang at may ilaw sa labas ng library kaya hindi ako nahirapan maglakad ng dere-deretso. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng mapagtanto kong naka kandado ito sa labas.

"Hello! may tao ba diyan?" Sinubukan kong hilain ang pintuan, nagbabaka sakaling mabubuksan ito.

"Please tulong, hindi ko mabuksan yung pintuan!" Pasigaw na sabi ko, medyo naiiyak na ako hindi ko kayang manatili dito sa library dahil nakakatakot.

"Kailangan rin nating paghandaan yung laban natin sa ibang school." Narinig kong sabi ng isang lalake kasama ang dalawa nitong kaibigan. Kumatok ako sa pintuan ng library para marinig nila.

"Pare ano yun?" Nagtatakang tanong ng isang lalaking blonde ang buhok.

"Tulong, na stuck ako dito sa loob." Patuloy lang ako sa pagsigaw pero parang hindi nila naririnig.

"MULTO!" Nagsimulang tumakbo ang dalawang lalake ngunit nakatingin lamang ng seryoso ang isang lalaking naka varsity jacket sa pintuan kung saan ako nakatayo.

"Pakibuksan naman oh!" Patuloy lang ako sa pagkatok, halos maiyak na ako. Paano nalang kapag tumakbo rin siya at hindi na ako makalabas dito?

"May tao ba dyan?" Pagtatanong niya, mukhang hindi nga niya naririnig ang mga sinasabi ko kaya kumatok nalang ako bilang pagsagot sa tanong niya. Nabigla naman ako ng bigla niyang sipain ang pintuan kaya hindi agad ako nakaiwas sa kinatatayuan ko dahilan sa pagtama ng pintuan sa noo ko sabay sa pagbagsak ko sa sahig.

"Miss okay ka lang?" Tinulungan niya akong makatayo habang hinihimas ko yung ulo ko, mukhang magkakabukol ata ako nito sa sobrang sakit.

"A-ano okay lang ako." Sinubukan kong tumayo pero parang nahihilo ako. Buti nalang at inalalayan niya ako.

"Ano ba naman kasi ang ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong niya.

"Nag-aaral kasi ako kaso lang hindi ko namalayang nakatulog ako kaya nasarhan ako ng librarian." Pagpapaliwanag ko sa kanya, napatahimik naman siya saglit.

"Ihahatid na kita." Seryosong sabi niya, hindi narin ako umimik pa. Parang ayaw niya rin naman na may kausap siya. Nagsimula na kaming maglakad papalabas ng school at tumungo sa parking lot.

"Pasok." Nagulat naman ako nang bigla niyang buksan ang kotse niya.

" Nako wag na, kaya ko naman umuwing mag-isa." Naiilang na sabi ko sa kanya.

"Alam mo naman na napaka delikado ng panahon ngayon kaya ihahatid na kita." Kalmadong sabi niya. Tinignan ko siya ng maigi bago pumasok sa kotse niya. Mukhang mabait naman siya kaya hindi na ako nag-isip na masama sa kanya. Pumasok na rin siya at nagsimulang magmaneho. Sinabi ko sa kanya kung saan ako nakatira at pagkatapos tahimik lang ulit kami buong byahe, medyo naiilang narin ako dahil hindi naman kami magkakilala tapos hinahatid niya ako.

"Teka saan mo'ko dadalhin?" Kinakabahan na sabi ko, bigla kasi siyang lumiko sa ibang direksyon. Tinignan niya lang ako at hindi sumagot, diba ang saya rin kausap nitong taong to.

"Hindi kasi dito yung direksyon patungo sa bahay ko!" Pagsusungit ko sa kanya habang patuloy lang siya sa pagmamaneho at hindi ako pinapansin. Kinakabahan ako baka rapist to o baka naman kidnapper! jusko sayang ang gwapo pa naman niya. Napahinto ako sa pag-iisip ng kung ano-ano ng bigla siya huminto sa isang drugstore. Lumabas naman siya at iniwan akong mag-isa sa sasakyan. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan siyang bumibili doon. Ilang saglit lang at bumalik na rin siya sa kotse.

"Oh ayan, gamot para sa sugat mo sa noo." Inabot niya sa akin yung binili niya.

"S-salamat." Yan lang ang tanging nasabi ko sa kanya, para akong nilamon ng hiya dahil sa mga iniisip ko kanina. Nagsimula ulit siyang mag maneho pabalik sa direksyon na tinungo naman kanina at ilang saglit lang ay nakarating na kami sa apartment ko.

"Maraming salamat sa paghatid at sa pagtulong mo sa akin, buti nalang at hindi ka tumakbo hindi kagaya ng mga kaibigan mo." Seryosong sabi ko sa kanya.

"Hindi naman kasi namin marinig ang boses mo, tapos may kumakatok pa sa pintuan kaya ayon akala nila multo ka." Napaiwas naman agad siya ng tingin nang nakaramdam na kami ng awkwardness sa isa't-isa.

"Pero salamat talaga, hayaan mo sa susunod babawi ako." Ngumiti ako sa kanya at lumabas na sa kotse niya.

"Maliit na bagay lang naman yon, gamitin mo sana yang binili kong gamot para dyan sa sugat mo." Tumango naman ako bilang pagsagot sa sinabi niya, nagpapaalam na kami sa isa't isa at pumasok na ako sa loob ng apartment kung saan ako kasalukuyang naninirahan.

*

kinabukasan nagsimula na ang surprise recitation na sinabi ng professor namin kahapon, halos lahat kami kinakabahan.

"Bubunot ako ng mga numero galing sa maliit na box na ito, kung sino man ang mapipili ko ay siya ang sasagot sa unang tanong na inihanda ko, handa naba ang lahat?" Napatingin siya sa aming lahat, wala naman ni isa ang sumagot sa kanya.

"Silence means yes, I guess ready na kayong lahat kaya sisimulan ko na." Nagsimula na siyang bumunot ng numero sa maliit na box na hawak niya, sana naman hindi ako yung mauuna.

"Number 13 Miss Eya Grace Falcon, explain to us what is revenue recognition and matching principles?" Tumayo naman agad si Eya at sinagot ang tanong ng professor namin.

"The revenue recognition principle dictates the process and timing by which revenue is recorded and recognized an item in the financial statements based on certain criteria while the matching principle dictates that the timing of expenses be matched to the period in which they are incurred, as opposed to when they are actually paid." Kalmadong sabi nito, nagpalakpak naman kami dahil sa sobrang ganda ng sagot niya.

"Wow, I am impress by your answer Miss Falcon, next number 4 Miss Irish Naomi Andres. How important is documentation when it comes to accounting?" Napatingin agad ako kay Irish, kinakabahan ako baka hindi niya masagot ang tanong pero biglang nawala yung kaba ko ng tumingin siya sa akin at tinignan niya ako ng 'Kayang kaya ko to' look.

"The accounting team of any company are responsible of presenting a true and fair view to the shareholders specifically to the management of the company. Appropriate documentation is necessary to be checked and maintained by the accounting team so that a proper audit trail is justified when required." Napalakpakan naman kami dahil sa sagot ni Irish, sunod-sunod na ring tinawag ng aming professor ang iba pa naming kaklase, halos nakasagot naman lahat pero may iba rin na hindi dahil sa sobrang hirap ng tanong sa kanila. Tahimik lang kaming nakikinig hanggang sa tinawag na yung number ko.

"Okay lastly, number 38 Miss Sophia Lyne Torres. What could be the possible challenges faced by an accountant?" Napa buntong-hininga naman ako bago ko sinagot ang tanong ng professor namin.

"An accountant has to deal with various teams such as customer supporting, marketing, procurement, treasury, taxation, business development and many more. I would say that availability of data or documents from these teams on a timely basis is a key challenge faced by an accountant. As already mentioned, documentation plays a key role in accounting and without proper documentation an accountant will not be able to post entries in the accounting system." Napatingin naman ako kay Irish na ngayon ay nakangiti sa akin, hindi ko akalaing ma ko-konekta ko yung sagot niya sa sagot ko ngayon, buti nalang talaga at naglista ako ng mga importanteng impormasyon galing sa libro na ibinigay sa akin ni Steven kahapon. Napalingon naman ako kanya at saktong nakatingin rin siya sa akin kaya nagtama ang aming paningin pero ibinaling ko agad sa iba, bakit kasi nakatingin rin siya?

"Okay class, marami naman sa inyo ang nagsumikap mag-aral para makasagot sa recitation ngayon, may iba naman na kahit hindi masyadong nakasagot dahil na rin sa pressure ay bilib pa rin ako sa inyo because of the fact that you really did your best and I am happy for that." Napalakpakan naman kami sa sinabi ni Sir Axel. Napagtanto ko sa oras na to na eventhough you did your very best but that best wasn't enough for others, may mga times pa rin sa sarili mo na ma didisappoint ka.

From Where I Stand[PUBLISHED]Where stories live. Discover now