14 CHAPTER

57 8 0
                                    

2 years has passed

Hindi naging madali sa amin ang maging isang 4th year college students, marami rin naman kaming pinagdaanan 2 years ago pero kinaya naman namin. Ngayon hinaharap ng BSA students kabilang na ako doon ang mga posibleng mapagdadaanan namin problema. Dalawang taon na rin kami ni Zeke at may mga oras na nag-aaway kami pero nagkakabati naman agad.

Kasalukuyan kong pinagmasdan ng maagi ang aming professor na ngayon ay seryosong nakatingin sa aming lahat habang nakasandal sa mesa.

"Do you know what is this?"  Bigla naman kaming napatahimik, wala ni isa ang gustong umimik.

"Okay, Ibabalik ko sa inyo ito upang malaman niyo."  Isa-isa niya namang ibinalik sa may-ari ang resulta ng exam namin sa income taxation. May iba na nadidismaya, may iba naman na natutuwa and I am one of the students na nadidismaya dahil sa kulang rin yung score ko para makaabot sa passing rate.

"I am very disappointed with the result."  Seryosong sabi niya.

"Especially sayo Ms. Sophia Lyne, ikaw naman ang nakakuha ng pinaka mataas na score pero hindi parin ito sapat para makapasa ka sa subject ko, alam mo ba kung anong magiging epekto nito sa scholarship mo?"  Bigla naman akong napayuko, inaamin ko naman na nahihirapan talaga akong intindihin ang taxation, pero ginagawa ko naman ang lahat. Naaalala ko tuloy yung pangaral ni Sir Axel sa amin nung 1st year kami, na kahit ginawa muna ang lahat ay may kulang parin.

"Babawi po kami Maam."  Sambit ni Irish na nadidismaya rin dahil sa score nito.

"Aasahan ko yan, okay you may now take your lunch."  Nakahinga naman kami ng maluwag matapos niyang lumabas sa classroom.

"Okay lang yan Sophia, halos lahat naman tayo bagsak sa subject na taxation."  Puna ni Syvie.

"Okay lang naman, tsaka babawi nalang tayo next semester."  Ngumiti naman ako ng pilit sa kanila. Hindi ko parin maiwasang malungkot dahil sa naging resulta ng exam namin. Tumungo muna ako sa locker ko para ilagay ang mga gamit ko.

"Mukhang may problema ka ata."   Bungad na sabi ni Zeke na ngayon ay nasa harapan ko.

"Pwede ba, wag ka munang dumagdag masyado lang akong stress ngayon!"  Bigla namang nag iba yung ekspresyon niya.

"Wala naman akong ginagawa para magalit ka ng ganyan."  Seryosong sabi nito.

"E kasi nga diba! hindi maganda yung mood ko ngayon kaya paki-usap lang Zeke wag ka munang magulo."   Naiinis na sabi ko sa kanya.

"Hindi ko naman hiniling na unahin mo ako, ang sa akin lang sana naman wag mong ibaling sa akin yung problema mo."  Mahinahong sabi niya.

"Edi, umalis ka muna kung ayaw mong ma pagbalingan ng problema!"  Hindi ko alam kung bakit nasabi ko yun, pero bigla akong namulat sa katotohanan ng umalis siya sa harapan ko na may tumulong luha sa mga mata niya. Anong ginawa mo Sophia?

Matapos ng pag-aaway namin ni Zeke, Ilang linggo na ang nakalipas pero hindi parin ako nakatanggap ng text o kaya naman tawag galing sa kanya, siguro ay galit pa rin siya dahil sa naging asal ko sa kanya. Bigla naman akong napatigil sa pag mumuni-muni ng tumunog yung doorbell sa labas.

"Sino yan?"

"Sophia, si Irish to buksan mo dali."  Nahihingal na sabi nito.

"Bakit?"  Binuksan ko agad ang pintuan at tinignan siya ng may pagtataka.

"Alam mo bang aalis si Zeke papuntang U.S ngayon?"  Bigla naman akong napatulala sa sinabi niya. Si Zeke aalis?

"H-hindi." 

"Ano pang hinihintay mo dyan, magbihis kana at pupuntahan natin siya."  Bigla naman akong natauhan at dali-daling nagbihis.

"Mabuti nalang at sinabi sa akin ni Steven." 

"Alam ni Steven? kailan niya sinabi?" Sunod-sunod na tanong ko, hindi kasi ako makapaniwala sa sinasabi ni Irish.

"Ngayon lang kasi sila yung naghatid kay Zeke sa airport."  Dali-dali ko naman sinuot yung sapatos ko, unti-unti ring pumapatak yung luha ko sa sahig habang sinisentas ko yung sapatos ko.

Ilang saglit lang at nakarating na kami sa NAIA, hinanap ko agad Zeke kung saan-saan ngunit hindi ko siya makita, sa dulo naman ay nakita ko si Steven at ang mga kasamahan nito na naglalakad papunta sa amin.

"Steven, asan si Zeke?"  Naiiyak na tanong ko.

"Kakapasok lang niya sa loob, hindi ba siya nakapag paalam sa iyo?"  Tuluyan namang bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko akalaing iiwan niya ako ng ganito. Sinubukan kung pumasok sa loob ngunit hindi pumayag yung guardia dahil wala akong ticket.

"Sophia, tama na."  Naiiyak na rin si Irish dahil sa mga pinang gagawa ko, halos pinagtinginan na ako ng lahat ng tao dito sa NAIA dahil mukha akong baliw na nag pupumilit pumasok sa loob.

"Zeke sorry na, hindi ko naman sinasadya na magalit ka!"  Pasigaw na sabi ko. Bigla naman akong niyakap ni Irish sabay sa pagbagsak ko sa sahig. Hindi ko na ata kaya.

Lumabas kaming lahat sa airport ng malungkot, ilang saglit lang ay ibinaling ko ang tingin ko sa eroplanong lumilipad, siguro man ay andiyan si Zeke sa eroplanong iyan, pero pwede bang ibalik niyo siya sa akin? Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko nang magpatanto kung umalis na nga si Zeke papuntang U.S sa hindi malamang dahilan at kung kailan ito babalik.

*

Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nang pumunta si Zeke sa U.S, wala rin naman kaming komunikasyon kaya ibinaling ko muna ang oras ko sa pag-aaral ng taxation para mabawasan naman yung lungkot ko, bumili ako ng mga aklat patungkol sa taxation at nagsimulang intindihin ito. Hindi naging madali pero dahil sa pagsisikap ko ay napamahal naman ako sa taxation at mas lalo ko na itong naintindihan.

"Ako ay nagagalak dahil hindi niyo ako binigo, yan ang ugali ng isang future accountant, nabigo man sa umpisa ngunit bumabawi parin sa huli and I am proud to tell you students that you have passed in my subject, ipagpatuloy niyo yan."  Nagpalakpakan naman kami sa saya, hindi ko akalaing mapagtatagumpayan naming lahat ang pagsubog na ito at nagpapasalamat rin ako kay Zeke dahil siya ang nagsilbing inspirasyon ko. Sana naman ay bumalik na siya at makapag-umpisa kaming muli. Pinag sisisihan ko na ang araw na iyon, sana hindi ko siya pinagbuntungan ng galit para hindi humantong ng ganitong sitwasyon.

"Okay kalma muna kayo may importante pa akong i-aanounce, this month mangyayari ang on the job training niyo sa isang napakalaking kompanya."  Bigla naman kaming napahanga dahil sa sinabi ni Maam.

"This company was owned by the husband of Mrs. Ellise L. Lopez."  Bigla naman akong nagulat sa sinabi ni Maam, ibig niya bang sabihin mag O-ojt kami kina Tito Ronny asawa ni Tita Ellise? Na e-excite na ako.

"Sophia, gusto ko ikaw ang maging in-charge dito para maging matagumpay yung pag o-ojt niyo sa kompanya ng iyong tito."  Tumango naman ako kay Maam, gusto ko rin naman maging matagumpay yung task namin kaya sigurado ako na pagbubutihin ko.

Lumipas ang isang buwan ay nakapag ojt na nga kami sa kompanya ng aking Tito, hindi naging madali since malaki yung kompanya ni Tito kaya may katumbas ito ng malaking responsibilidad na gagampanan ng bawat empleyado. Tinuring rin nila kami na parang isa na rin sa kanila para raw kami ay masanay pagdating ng panahon na makakapagtapos na kami ng pag-aaral at sabay naming makukuha ang titulo na maging 'CPA'. Napagtagumpayan naman namin ang pag ta-trabaho and at the same time ang pag o-observe namin sa kanila sa naturang ginagawa nila sa kompanya lalo na ang mga nasa accounting department na kung saan ini-ensure nila yung credibility and reliability ng mga impormasyon na galing sa mga internal at external auditor. Dito ko napagtanto na lahat pala talaga ng natutunan sa pag-aaral sa kursong BSA ay mai-aaply kapag nasa larangan ka na ng isang negosyo.

From Where I Stand[PUBLISHED]Where stories live. Discover now