02 CHAPTER

107 13 5
                                    

Kinabukasan, nagising ako ng maaga dahil ngayon ang schedule ng entrance exam namin sa panibagong unibersidad na papasukan ko kasama sila Nissah. Bumaba kaagad ako, nagbabaka sakaling maayos na ang lahat.

"Maam Sophia, dumeretso na po kayo sa hapag-kainan at sumabay ka ng kumain sa mga magulang mo." Tumango naman ako bilang pag sang-ayon sa sinabi ni Manang Rosy. Dahan-dahan akong lumapit sa hapag-kainan na ngayon ay natatanaw ko sila na may kanya-kanyang ginagawa sa kanilang inu-upuan. Si Mama may kausap sa telepono habang si Papa naman ay tinitignan yung x-ray result ng pasyente niya. Sa tingin ko ay ito yung resulta na pinakita niya sa akin noong nakaraang araw bago kami nagsagutan, tungkol ito doon sa pasyente niya na may tumor sa utak na nangangailangan ng maagang operasyon para hindi na kumalat ang cancer cell sa ibang parte ng utak nito.

Hindi naman nila namalayan na nasa harapan na pala nila ako kaya tumahimik nalang ako habang nagsisimulang kumain.

"Paki sabi nalang sa kanila na dadating ako sa hospital pagkatapos kong dumaan sa office para pirmahan yung papeles na kinakailangan." Napahawak naman sa noo si Mama, ramdam ko talaga na sobrang stress niya ngayon dahil sa trabaho. "Okay po Doc." Rinig ko sa kabilang linya at unti unting ibinaba ni Mama ang telepono at hinarap ako.

"Sophia, maaga ka ata ngayon may lakad ka ba?" tugon nito.

"Ngayon po yung schedule ng entrance exam ko." Mahinang sabi ko.

"Ganon ba anak? galingan mo ha." Napatingin naman si Mama kay Papa at tinulak ito sabay senyas na kausapin ako.

"Aalis na ako, I have some important meeting to attend to discuss the condition of this patient." Sabay pakita sa amin ng x-ray result na tinitignan niya kanina.

"Hindi ka pa nga kumakain tapos aalis ka na agad?" Galit na tugon ni Mama kay Papa na ngayon ay inaayos na ang kanyang mga gamit.

"Wala akong gana." Sabay tingin sa akin at umalis ng nagmamadali, medyo nakakapanibago lang sa pakiramdam, hindi kasi ako sanay na hindi ako pinapansin ni Papa. Alam ko naman na kasalanan ko pero ito na ba yung sign na itatakwil niya ako.

"Anak nasa harap ka ng pagkain, huwag kang umiyak." Hindi ko namalayang may tumulo palang luha sa mga mata ko, agad ko namang pinunasan ito at ngumiti kay Mama.

"Opo Ma." Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain, wala na rin naman akong magagawa kasi ito na yung resulta ng pagsuway ko sa kanila.

"Tapusin mo muna yang pagkain mo bago ka umalis at mauuna na ako sayo, dadaan pa kasi ako sa office." Tumango naman ako sa kanya habang naka harap sa pagkain. Napansin ko naman na lumapit yung mga kamay niya sa mukha ko para iangat ito.

"Look Sophia, hindi ibig sabihin na ganon ang Papa ay hindi kana niya sinusuportahan. Wag kang mag-isip ng kung ano-ano at mag focus ka lang sa exam mo, I'm cheering for you to do your best maaasahan ba kita?" Tumango ako ulit at nginitian siya ngumiti naman siya pabalik sa akin at ginulo yung buhok ko sabay umalis sa hapag-kainan at iniwan ako. Dali-dali kong inubos ang pagkain at umakyat sa taas para mag-ayos. Hinanda ko na lahat ng mga requirements na kinakailangan ko at inilagay sa bag, inayos ko na rin ang sarili ko at inihanda para sa exam mamaya.

"Maam Sophia, nasa labas po yung kaibigan niyong si Nissah." tugon ni Manang Rosy.

"Sige po, bababa na po ako saglit." Kinuha ko yung gamit ko at tinignan yung itsura ko sa salamin medyo mapula pa yung pisngi ko dahil sa sampal na natamo ko kahapon mabuti nalang at medyo natatakpan ito ng kaunting pulbo. Bumaba na ako at sa hindi kalayuan natanaw ko ang aking matalik na kaibigan na naging kasangga ko sa buhay, si Nissah.

"Okay ka na ba? Alam ba ng Papa mo na ngayon ka mag e-exam?" Bungad na tanong ni Nissah sa akin, halata naman na nag-aalala siya hindi kasi siya pinapasok ni Papa nang bumisita siya kahapon sa bahay.

"Oo naman, hindi nga lang kami bati ngayon pero siguro dadating din yung araw na mapapatawad niya ako." Ngumiti ako ng pilit sa harapan niya kahit nag mumukha na akong iwan.

"Sige ngumiti ka pa, halata naman sayo na malungkot ka at hindi mo matatago sa amin yan." Nagulat akong napatingin sa kotse nang biglang lumabas si Irish, ang isa ko pang kaibigan na halos mag-iisang taon na hindi namin nakakasama ni Nissah.

"Totoo, Kailan ka pa dumating? sana nagsabi kaman lang para nasundo ka namin sa airport." Nilapitan ko siya at niyakap ng sobrang higpit.

"Masusundo mo pa ako sa lagay mong yan?" Napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya sabay sapak sa balikat niya, nakaka-miss rin itong kulitan namin kahit papaano.

"Aray naman, pero seryoso Sophia, sigurado kana ba talaga sa desisyon mo?" Tinaasan niya ako ng kilay habang nakapamewang sa harapan ko.

"Oo naman, buo na ang desisyon ko wala nang taong makapag babago ng isip ko." Bigla namang siyang ngumiti sabay lapit sa akin.

"So ano pang hinihintay mo? tara na, malalate na tayo baka maubusan tayo ng slots." Hinila na nila ako papasok sa kotse at nag umpisa na si Irish sa pagmamaneho. Masaya lang kami buong byahe, nagkwekwentuhan, nag-aasar at higit sa lahat nagsasapakan hindi talaga nawawala sa magkaibigan ang magsakitan.

"Okay this is it, andito na tayo." Na e-excite na sabi ni Nissah habang pina park ni Irish yung kotse sa gilid ng stage. Kampante naman akong malalampasan ko ang pagsubok na kinakaharap ko ngayon lalo na't nalaman kong pareho pala kami ng kursong kukuhanin ni Irish, siya kasi ang susunod na magpapatakbo ng negosyo nila sa France kaya pumayag yung mga magulang niya na dito siya mag-aral sa Pilipinas kasama namin. Si Nissah naman gusto niya maging isang fashion designer kaya fashion design yung kursong kukunin niya, dala dala niya nga rin yung sketch book niya, isa rin kasi sa requirements kapag mag a-apply sa kursong fashion design ang pagdadala nang sample sketch para maging basehan kung may abilidad ka bang maging designer in the future, kasi sabi ni Nissah kanina hindi lamang talino ang kinakailangan kapag naging designer ka dahil dito masusubok ang husay at galing mo sa paggawa ng mga kakaibang ideya na mababagay sa okasyon kapag gumagawa ng damit. Hindi dapat pwedeng maghiwalay ang talino at abilidad kapag naging designer ka. Diba bongga?

"250-310 students, maaari na kayong pumunta sa assign room ninyo." Agad naman kaming kumilos tatlo at dali daling pumunta sa kanya kanyang room depende sa kurso na kukunin namin. Kaming dalawa ni Irish ay nasa room B, si Nissah naman mag-isang pumunta sa Room D, i prepresenta pa kasi niya yung sample sketch niya bago si mag e-exam. Nagsimula ng magbigay ng mga guidelines kung paano sasagutan at mga ilang segundo ay nagsimula na kaming sagutan ang kanya kanyang test paper na naibigay sa amin.

"Okay students, tapos na ang oras na ibinigay sa inyo upang masagutan ng maayos ang exam, sa mga ilang araw ay malalaman niyo rin ang inyong resulta sa pamamagitan ng tawag at sa mismong website ng school." Tumayo na kaagad kami ni Irish at dali daling sinundo si Nissah sa kabilang room. Nadatnan naman namin siya na bagong labas sa room D kung saan siya nag exam.

"Oh, Nissah kumusta?" tanong ni Irish.

"Ito maayos naman at tsaka napa bilib ko yung mga gurong tumingin sa sample sketch ko, hindi raw nila inakala na ang isang 18 years old na katulad ko ay makakabuo ng isang magandang konsepto patungkol sa pag didisenyo." Masayang pagkukwento niya sa amin, sobrang saya ko para kay Nissah lalo na't may ibang tao rin na nagbigay halaga sa kanyang gawa at ito kami ngayon nakatayo sa kauna-unahang hakbang patungo sa aming pangarap.

From Where I Stand[PUBLISHED]Where stories live. Discover now